CHAPTER 3

20 3 0
                                    

CHAPTER 3

ZIENEBEA'S POV

Nasa harap na kami ng village at dalawang kanto na lang mula dito ay nasa bahay na kami.

Papasok na kami sa kanto namin ng may mapansin akong nakaparada na isang koste na kulay itim sa harap ng bahay namin.

Nagtaka ako kung kanino pagmamay-ari 'yon.

Wala akong natatandaan na magkakaroon ako ng bisita ngayong gabi.

Nasa tapat na kami ng bahay ng magtanong ako kay Mang Kano.

"Kuya, kanino po kotse 'to," takhang tanong ko na tinuro pa ang kotse habang tinitignan. Hindi siya kumibo ng magtanong ako.

Pero ilang saglit na ay hindi pa rin siya sumasagot kaya napatingin na ako sa kanya.

And I was about to ask him again when I saw his reaction. Iniiwas niya ang tingin sa akin at hindi pa rin ako sinasagot.

Nangunot ang noo ko sa ikinikilos ni Mang Kano. Ano at bakit ganyan ang mga ikinikilos mo? Hindi ko na nagawa pang isatinig ito ng walang ano ano'y umalis siya sa harap ko at pumunta sa likod ng bahay.

Nagtataka man ay naiiling na lang ako sa mga ikinikilos ni Mang Kano pero hinayaan ko na lang at pumasok na sa bahay.

I walked towards the door and opened it.

Nanliit ang mga mata habang papasok ako sa bahay. Nangunot ang aking noo ng tuluyan akong makapasok at may mapansing nakaupo sa living area, isa sa mga sofa na naroroon at tutok na tutok na nanonood ng TV.

Isa siyang lalaki na sa tingin ko ay may katangkaran dahil na rin sa hubog ng kanyang pangangatawan. Maganda ang kanyang pangangatawan gayong nakaupo palang ito at ang mapapansing nasa ayos din ang kanyang buhok dahil kahit nakatalikod ay masasabi mong may itsura ito dahil na rin sa kanyang tindig.

I was about to asked him who he was when he suddenly looked on my direction. Napansin niya sigurong may nakatingin sa kanya kaya napatingin ito sa direksyon ko pero hindi ko inaasahan ang sumunod na nangyari.

I was stunned in a couple of seconds. Napamaang ako sa nakikita ko. Am I still dreaming? Nagugulat itong napatayo sa kinauupuan ng makita niya ako. At ang kanyang mapupungay na mga mata na sa tagal ng panahon ngayon ko na lang ulit makikita. Nababakas dito ang galak at pangungulila.

"t-ttal," mangiyak ngiyak na pagtawag niya sa akin dala na rin ng tuwa nang tuluyan niya akong makita. Ngunit sa sandaling iyon ay pareho kaming napako sa kinatatayuan.

Wala pa rin palang nagbabago sa kanya. Mas lalong gumuwapo, na parang binata sa kanyang itsura.

Halo-halong emosyon na ang nararamdaman ko.

Hindi ako makapag-salita.

Hindi ko alam ang sasabihin.

Hindi ko alam ang gagawin.

Kahit anong salita ay wala akong makapa para makapagsalita.

Ngunit may kailangan ba akong sabihin?

'D-Dad?'

Sa sandaling ito, ito lang ang nahanap kong salita ngunit hindi ko na nagawa pang isatinig.

Kailan pa sila nandito? Bakit ngayon pa?

Papunta na sana sa direksyon ko si Dad ng lumabas naman sa dining area ang isang babae. Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Walang pinagbago. Tulad ng lalaking nakatingin sa akin, hindi pa rin nagbabago mas lalong gumanda. Ganon pa rin pala sila simula noon. Simula noon ng iwan ako..

DREAMWhere stories live. Discover now