CHAPTER 6

15 3 0
                                    

CHAPTER 6

Mataman kong tinitigan ang mga mata niya matapos kong sabihin yon. Nabalot ng katahimikan ang pagitan namin, ang kabog sa dibdib ko ang nagsilbing himig sa nararamdaman ko sa sandaling ito.

Siya ang unang umiwas ng tingin sa aming dalawa at nabaling ang tingin niya sa brasong biglang umakla sa kanya. Hindi ko din tuloy naiwasang mapatingin dito at dahan dahang dumako sa kanyang mukha ang paningin ko. Pinagmasdan ko kung paano siya tumingala at abutin ang pisngi nito.

Napaiwas tuloy ako ng tingin sa ginawa niya pero di nagtagal nabaling muli sa kanya ang paningin ko ng maramdamang nakatingin na siya sa akin. Ngumiti ako ng bahagya para hindi ipahalata ang pagkailang ko sa presensya niya. Binigyan lang ako nito ng isang nakakainsultong ngiti na animoy kung sino siya.

Napataas ako ng kilay. Tinitingin tingin neto??

Sa pagkakatanda ko ay nakita ko na ang babaeng ito, hindi ko nga lang matandaan kung saan at anong pangalan niya. Binaling ko nalang ang tingin kay Kean para maiwasan ang tingin nito. Nang tignan ko naman siya ay hindi niya malaman kung paano magsasalita gayong nagulat din siya sa pagsulpot ng babae sa kanyang tabi.

"Hi, Meunette by the way," pagbasag niya sa katahimikang bumabalot sa pagitan naming tatlo and she lend me her hand to shake hands.

Inabot ko ang kamay niya at nakipagshake hands. "I'm Zienebea. We met before, nice meeting you again." nakangiting pakilala ko.

"You still remember me ha?" she asked as we finally released our hands to each other.

"Of course," --not. Ngisi ko. "Kailan ba naman ako makakalimot? Lalo na sa mga taong importante sa buhay ng kaibigan ko NOON." Naging matunog ang pagkakasabi ko ng huling kataga.

Napatingin tuloy ako kay Kean at hindi ko inaasahang sa pagtingin ko sa kanya masasalubungan ko ang mga mata niya.

Stop staring at me... just like you missed me.

Napapabuntong hiningang napaiwas nalang ako sa mga titig niya.

"Madalas ka naikukwento sa akin ni Kean. Ang sabi niya pa ay napakabait mo at maganda." Nabaling ang paningin ko sa kanya dahil sa pagkukwento niya. "Ngayon ko lang masasabi na totoo ang sinasabi niya. Tama nga siya," sabay tingin sa kabuoan ko "maganda ka nga." Nakangiti man ay nahihimigan naman sa kanyang tono ang kaartehan.

"Oh, thank you. But I'm not that pretty. Maybe he was just joking around, right Kean?" baling ko sa kanya.

"T-Tama! H-Hindi naman nga kasi talaga siya maganda Yam, tignan mo ang payat payat at ang bansot niya pa. I-Isa p-pa wala akong natatandaang naikwento ko s-siya sayo." dire-diretsong sabi nito na nauutal pa.

Hindi daw naikukwento? Ha! Tsk!

Napairap nalang ako sa mga panlalait na sinabi niya pero hindi ko to pinahalata.

"Ma-mag-order ka na muna kaya? D-diba sabi mo gusto mo ng ice c-cream?"pag-iiba nito ng usapan na parang batang pagtatanong nito.

"Okay then," Sang-ayon naman nito pagkatapos ay bumaling siya sa akin. "Nice meeting you again Zie, I hope next time we can spend more time. See you around. Mauna na ako sa inyo." Dagdag na sabi pa nito.

"I hope so. See you arround." nakangiti kong tugon.

Ngumiti pa ito ng tipid sa akin bago tuluyang umalis. Nang maiwan kaming dalawa ay ilang saglit na katahimikan ang bumalot sa amin at hindi ako kumportable kaya naman dali-dali akong napahanap sa bag ko kung nasaan ba ang cellphone ko.

DREAMWhere stories live. Discover now