CHAPTER 4

14 3 0
                                    

CHAPTER 4

I was staring at the ceiling thinking about what happened last night while here lying down on my bed.

I think its already 7 in the morning at wala pa rin akong balak bumangon. Hindi ko rin namalayang nakatulog ako kagabi dahil na rin siguro sa kakaiyak.

Sa pag-iisip ko biglang may tumakas na luha sa aking mga mata. Naiiyak na naman ako. Hinawi ko ito agad gamit ang kanang kamay ko at tumingin sa kawalan.

Ayoko ng umiyak...

Kagabi pa ako umiiyak, walang sawang iyak ang ginawa ko kagabi.

Ayaw ko nang umiyak. Ayoko na. Pagod na ako. Pagod na ang mga mata ko. Akala ko tapos na, hindi pa pala.

My tears are precious as I am. They don't deserve my tears at all. I won't cry anymore because of them. I won't. NEVER.

Hanggang ngayon dama ko pa rin 'yong sakit na nakabaon na sa puso ko.

Paanong nagawa niya sa akin 'yon sa kabila ng pang-iiwan nila sa 'kin? Ha! Ang kapal ng mga mukha!

Bumangon na ako at naghilamos. Natapos ako after few minutes. I was walking downstairs ng marinig ko si Nana Ena na nagsasalita, kausap ata si Mang Kano.

"Kawawa naman ang alaga ko. Kagabi ay nakita ko siyang umiiyak ng mag isa sa kwarto niya," rinig kong sabi ni Nana Ena na may halong lungkot sa kanyang tinig.

Tatlong hakbang na lang pababa ng mapatigil ako dahil sa narinig ko.

"Nako Manang, sinabi mo pa. Siguro nabigla lang ang bata dahil sa pagbabalik uli ng mga magulang niya," sabi naman ni Mang Kano kay Nana Ena. "Magiging ayos din ang lahat manang," dagdag pang sabi ni Mang Kano.

Naglakad na ako papalapit sa kanila na may ngiti sa mga labi ng hindi ko na marinig pang magsalita sila. Ayaw ko na makita nila akong malungkot o nasasaktan.

Kahit 'yon naman ang totoo.

"Good morning, everyone!" bati ko sa kanila ng makalapit ako.

Gulat pa nila akong tinignan ng makita ako.

"Oh, parang naman nakakita kayo ng multo!" I said and laughed a little bit.

"G-Good morning, madam!" Nautal man sa umpisa ay bumawi din sa huli si Mang Kano.

Nakangiti ko itong tinanguan at bumaling kay Nana Ena.

"Anong agahan natin Nana?" tanong ko habang papalapit sa kanya para tignan kung ano ang niluluto niya.

Nadatnan ko kase si Nana na nagluluto habang si Mang Kano naman ay nakasandal malapit sa pinto papalabas sa likod at may hawak na tasa at mukhang nagkakape.

"Nagluluto ako ng bacon, itlog, at hotdog. Pinagluto rin kita ng sangag. May gusto ka bang kainin na iba? Ipagluluto kita," alok nito sa akin.

"Hindi na Nana ayos na ako dyan," nakangiting pagtanggi ko rito.

Tinignan ko si Nana ng hindi man lang siya tumugon sa akin. Nakita kong nakangiti na ito ngunit kahit nakangiti man siya kitang-kita ko pa rin sa mga mata niya kung gaano ito kalungkot habang tinitignan ako. Nginitian ko na lang ito para sabihing ayos lang ako. Ilang saglit pa ay iniiwas ko din ang tingin sa kanya at binaling na lang ito kay Mang Kano.

"Kuya, mamaya aalis tayo ah? Gusto kong pumuntang mall at may bibilhin na rin ako," sabi ko dito habang umuupo sa bakanteng upuan.

"Yes madam, anong oras po ba tayo aalis?" kahit na mababakas ang lungkot sa tinig niya nagawa pa rin nito ngumiti.

DREAMWhere stories live. Discover now