CHAPTER 10

22 4 2
                                    

CHAPTER 10

ZIENEBEA'S POV

Normal pa bang makaramdam ng ganito ang isang tao? Tipong di mo na alam ano pa ba ang pwedeng gawin. Ano pa ba ang dapat bigyan ng pansin at ano nga ba ang dapat unahin?

Lumipas ang ilang mga linggo na gulong gulo ako. Akala ko pagkatapos ng araw na yon wala ng manggugulo sa akin. Akala ko doon na matatapos ang magulo kong buhay pero akala ko lang pala.

I thought nung mismong araw din na yon ay tatawagan niya ako or itetext man lang but then I didn't receive any. I expect, hindi ko maitatanggi yun pero hindi ko inaasahan ang sumunod na nangyari. Sa mga nakalipas na linggo siya at siya ang nakikita ko.

May mga bagay talaga na hindi mo inaasahan na dapat mong asahan. Yung inaasahan kong tao na tatawag sa akin nung araw na yon hindi siya ang tumawag kundi isang baliw na lalaki ang tumawag. And guess who? Sino pa nga ba? It was Clley.

Clley na parang clay na pwedeng imolde para ihagis sa kabilang mundo. Tss.

Clley is always there. He always there whenever I go. I don't know if it's cute on what he is doing but now it really annoys me. Yung pagpunta niya lagi sa bahay ng wala man lang paalam mapaumaga man, hapon at maski gabi ay pupunta siya ng walang pasintabi. Kulang na lang gawin na niyang bahay niya ang bahay ko.

But there this one night that I didn't think that would happen.

~FLASHBACK~

I was lying on my bed when my phone suddenly rang from someone's unknown number. At first napaisip ako kung sino sino nga ba ang nakakaalam ng number ko and isang tao lang ang naalala kong pinagbigyan ko ng number.

Bigla naexcite ako sa naisip kaya agad kong sinagot ang tawag pagkaraan ng pangatlong ring.

Silence...

Pagkasagot ko wala akong natanggap na 'hello' na usually na sinasabi madalas ng tumatawag. Ilang segundo pa ang lumipas at wala pa rin nagsasalita sa pagitan namin kaya hindi na ako nakatiis magsalita.

"Who's this?" And in one snap I heard someone chuckelled.

'What the hell? Sino ba to?'

"Pinagtitripan mo ba ako? Ha Kean?" Sabi ko na siguradong si Kean ang nasa kabilang linya.

Imbis na sagutin ako ng nasa kabilang linya ay bigla naman itong tumahimik. Nangunot ang noo ko. 'Sino ba talaga ang isang 'to? Baliw ba to?'

"Kung sino ka man wala akong oras para makipaglokohan sayo. Maghanap ka ng ibang maloloko mo wag ako."

I'm about to end the call when I finally hear a voice. A not so husky one but it chills me.

'Weird.'

"H-Hey! Wag mong ibababa." A familiar voice once said.

'Sino ba to? Pamilyar ang boses pero hindi ko maalala saan ko ba narinig.'

"Who are you?" I asked with a cold voice.

"Ouch!" Daing nito na para bang tinamaan ng matalim na bagay sa parte ng kanyang dibdib kaya napadaing sa sakit. "Ang dali mo naman makalimot." Malungkot na tinig na pagpapatuloy niya sa pag iinarte.

"And so? Sino ka nga ba kasi?" Nauubusan ng pasensya na sagot ko.

"Ako lang naman 'to, yung future husband mo." Nakakalokong ngiti ang mahihimigan sa pagsagot nito.

DREAMWhere stories live. Discover now