Celine POV
Nasa airport na ako at maya-maya lang ay flight ko na. Hindi na ko nagpaalam kay Galvan dahil baka pigilan niya pa ako o baka sumama pa siya.
"I'm sorry," paghingi ng paumanhin ng nakabangga sa'kin.
Aalis na sana ako nang may isang envelope na naiwan ang nakabangga sa'kin. Nahulog niya siguro ng mabangga niya ako. Kaagad ko naman siyang hinabol pero napatigil ako nang mapansin ko ang letrang nasulat sa envelope.
'W'
Ilang taon na ring hindi ko nakikita ang simbolo na 'to. Pilit kong pinakalma ang sarili ko at binuksan ang envelope. Nakahinga ako ng maluwag nang makitang isang simpleng card lang ito na may nakasulat na qoute.
Pero bumalik din kaagad ang kaba ko nang mapansin kong hindi lang ito simpleng card. Tinitigan ko ng mabuti ang mga letrang nakaprinta sa card.
'Assume everyone will betray you and you will never be disappointed' - Tobias Beckett
Some were written in bold letters. Nanginginig ang mga kamay ko habang binubuo ang mga salita.
"One will die..."
Napaupo ako sa sahig nang mapagtanto ko ang mensahe. Hindi ako makagalaw at naninikip ulit ang dibsib ko.
"Miss! Are you okay?" lumapit sa akin ang isang babae at tinulungan akong makatayo.
Pinaupo niya ako sa isang bench at inalok ng tubig. Kinuha ko ang gamot ko sa bag.
"I'm f-fine," sabi ko sa babae.
Nang makaalis na siya'y tinawagan ko Dion. Kinakabahan ako sa maaaring sabihin ni Dion. Sana lang mali ang iniisip ko.
"Hello?"
"B-bi... y-you knew w-what you call m-mountain in Chinese r-right?" kabadong tanong ko.
Napatingin ulit ako sa card at hinawakan ito ng mahigpit. It's a photocard of a mountain. I just hope it doesn't mean anything.
"Okay ka lang ba? You're stuttering? Where are you?" pag-aalala niya.
"P-please tell m-me," pakiusap ko.
Narinig ko ang pagbuntong hininga niya sa kabilang linya. He's probably confused.
"Shan. Shan ang tawag sa mountains. What's the matter Hannah Celine?"
Nabitawan ko ang phone pagkarinig ko sa sinabi ni Dion.
No.
It can't be happening!
Muling tumunog ang phone ko. Someone's calling me. It's not Dion. Restricted number siya. Kaagad ko namang sinagot ang tawag.
"Anong bang kailangan mo?" halos pasigaw na bungad ko sa kanya.
"I'm your ally," napakunot noo ako nang marinig ko ang boses niya.
The voice was filtered. Pero nasisiguro kong babae ang tumatawag sa akin.
"Ally?"
"Never leave Shan. You're friends aren't your friends. Look for - shit!"
Biglang namatay ang tawag. I wanted to call her again pero hindi na siya matawagan. Kailangan kong makabalik na ng Manila. Kung kinakailangan magkasama kami ni Shan pabalik ng Palawan gagawin ko 'wag lang siya madamay sa pakulong 'to ng mga Wangyue.
**
Nasorpresa ako nang makitang lahat sila naghintay sa akin sa labas ng airport. Isa-isa naman nila akong niyakap. Gusto kong maiyak. Nang umuwi ako ng Pilipinas dati kina France ko lang pinaalam pero tulad ngayon sinama rin niyang lahat. Siguro kung sumama nga si Galvan mas lalo sanang masaya.