Chapter 155: The Drive Taken

33 2 0
                                    

Kurt POV

Ang totoo niyan hindi ako pinapabalik ng chief ko. It was Shaine who called me. Sinabi niya sa akin na bumalik ng hospital. Hinatid ko muna si Celine sa unit nila saka bumalik kay Shaine.

"May sinabi ka ba kay Celine na tungkol kay Joker?" agarang tanong niya.

"No. Why?"

"Joker made Celine thinks that he was already dead. Supposedly it was his plan to make Celine come back to him and go with their wedding but he failed."

Kaya pala parang ang lungkot ni Celine kanina. Hindi pala niya alam na hindi totoong patay na si Charence.

"So are you telling me to keep this from Celine as well?" tanong ko pa kay Shaine.

"No. I want you to tell Celine everything."

I have this thought na baka magpapagitna si Shaine sa dalawa pero sa tingin ko mali ako. Pagkaalis ko ng hospital tumuloy muna ako sa isang hotel malapit sa hospital kung saan naroon si Shaine. I was having my dinner ng tumawag ang daddy ni Shaine.

"Is Shaine in state of coma?" napakunot-noo ako sa bungad ni Tito.

Tito ang tawag ko sa daddy ni Shaine kahit nang magpakasal pa sila ni nanay.

"Hindi naman po gaanong malala ang tama ni Shaine. She's recovering. Hindi po ba kayo dadalaw Tito?"

"I am not wasting my time over that impudent kid. I'll go ahead."

Kahit kailan talaga ata hindi na sila magkakasundong dalawa. But I am hoping that one day they will be okay. Maaga akong natulog dahil bukas ng umaga dadaanan ko pa si Celine at babalik ako ng manila.

Kinaumagahan nagbreakfast muna ako bago nagcheck out sa hotel. Hindi na ako dumaan ng hospital. Dumiretso ako ng village. Naabutan ko si Celine na nakatinggin sa buong bahay at hawak-hawak ang maleta niya. Ngayon ba ang alis niya?

"Celine!"

Napalingon naman siya sa akin. Mukhang kakagaling niya lang sa pag-iyak. Bumaba ako ng motor ko at lumapit sa kanya.

"Aalis ka?"

"I think I really have to. So-sobrang sakit m-manatili rito Kurt," she was crying so hard.

Niyakap ko siya para patahanin. Matagal ko rin nakasama si Celine. I was with her when they were still together. Sobrang hanga ako sa pagmamahalan nilang dalawa ni Charence.

"Let's go. Ako na lang ang maghahatid sa'yo sa airport," pagpresinta ko.

She just nod saka ko isinuot sa kanya ang extra kong helmet. Maliit lang naman ang maleta niya kaya naging madali lang ang pagpwesto.

Mamayang hapon pa ang flight niya kaya sinamahan ko na muna siya. Ramdam ko talaga ang lungkot niya. Hindi rin nagtagal at umalis na ako nang hindi man lang nasasasabi sa kanya ang tungkol kay Charence.

I can't make her cry even more.

France POV

Naiistress na ako sa sitwasyon ni Angelo at Celine. Ano ba naman kasing trip nilang dalawa? Tagu-taguan? I wanted to tell Celine the truth about Angelo but who am I to decide for that? Baka kontrabida na naman ang labas ko niyan. At ayoko namang pangunahan si Angelo.

"Natatawagan mo pa ba si Chan?" tanong ko kay Jayden.

Masamang tingin lang ang natanggap ko't hindi sagot. Mukhang lumuwag na naman ang turnilyo nito sa utak. Nakakaawa naman ang anak ko kung sa kanya magmana.

Midnight Kiss Season IIITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon