Celine POV
I need to go back. Wala sa akin ang mga dokumentong kailangan sa institusyon na 'yon. Kung hindi ko lang talaga gusto ang bagay na 'to hinding hindi ako babalik. Mas maraming alaala lang ang babalik sa akin. Pero kailangan ko rin kasi puntahan ang shop ko.
"Kaming bahala rito sis. Go on," sabi ni France sa akin.
Wala na silang balak umalis. Talagang napagdesisyunan nilang dito tumuloy. Mga kainis talaga!
Hindi ko alam bakit naiirita talaga ako sa kanila. I really can't bear to stay with them.
"Alam mo cupcake sa tingin ko pinapatay tayo niyang bubwit na 'yan sa isip niya," napapailing pa kunwari ang haalimaw na 'to.
Pesteng cupcake 'yan. Hindi pa ba 'yan mag-eexpire? Ang tagal na niyan a. Sobrang blessed ko naman at kasama ko talaga ang dalawang 'to.
"Alam mo rin 'maw may point ka ro'n. Kung pwede lang nga totohanin," mapang-asar kong sabi.
Yumakap naman siya kay France at kunwari takot. Like duh? Ano namang mapapala ko kung papatayin ko sila? Edi ako pa 'yong nakulong. Napakasenseless talaga ni 'maw.
Haaaay! I really missed old times. Lalo na noong maw talaga ang tawag ko kay Jayden. Wala pang gaanong problema 'yon. Pero kung sakali mang maibalik ang nakaraan, ayokong bumalik. Masakit ang nangyari sa amin ni Galvan pero I treasured all our moments together.
Isang oras lang ang flight kaya nakarating ako agad.
"Hello sis!"
Napakurap ako nang makita ko si Kristell. Namamalikmata ba ako? Nandito talaga siya? At kasama niya pa si Vaughn na mukhang nababagot. Sabagay sabi nga ni France laging aso't pusa ang dalawang 'to.
"Bakit kayo nandito? Akala ko ba out of the country kayo?" tanong ko sa kanila nang makalapit na ako.
"Well, ito lang ang out of the country. Ako sa Pilipinas talaga," sabi pa ni Kristell at nginusuan si Vaughn.
Padabog namang tumayo si Vaughn at kinuha ang bagahe ko.
"Yes. I should not really stay here," sabi ni Vaughn bago naunang umexit.
"Hoy! Anong sinabi mo? So napipilitan ka lang samahan ako rito?" napakatinis na pagkakasabi ni Kristell.
So ito ang sinasabi ni France na mahirap pakisamahan ang dalawang 'to? Well parang pareho lang naman. When I am with France and Jayden napakakorni ng mundo ko. And with these two, napakadisastrous ng mundo ko. Bakit ba kasi nagiging third wheel ako sa mga lovers na 'to?
"Madam baby hindi ganoon 'yon. Para ngang ayoko nang magtrabaho para lang makasama ka," malambing na sabi ni Vaughn kay Kristell.
Napabuga naman ako saka nauna nang sumakay sa dala nilang kotse. I am not here to witness their lovey dovey. They should be atleast considerate of me. Oo na. Admit ko na. Wala akong jowa.
"Nasabi sa amin ni France na babalik ka rito so naisipan kong sunduin ka," sabi ni Kristell.
"We're together in this Madam baby. Kung makakwento ka naman parang ikaw lang ang sumundo kay Celine."
At muli naman silang nagkasagupaan. Napailing na lang ako sa kanilang dalawa. Kinuha ko na lang ang eye cover ko at natulog sa biyahe. I have no time seeing their backlash.
Naglunch muna kami sa place nila ni Vaughn. Mukhang kasal na lang talaga ang kulang sa kanilang dalawa.
"Dito ka na lang kaya tumuloy sis? Nakakabother kasi na mag-isa ka roon sa bahay niyo ni Tita," nag-aalalang alok ni Kristell sa akin. "Pwede naman mag-stay si Vaughn sa hotel."