Chapter 186: The Wedding Preparation

14 2 1
                                    

Mika POV

Ang sabi ni Kuya kakain lang kami kasama ang pamilya ni Mallory. Pero hindi lang pala ito simpleng kain. Even Senator Libran was here. Pati ang anak niya. Buti na lang talaga at iniwan ko si CK kay Seb.

It really feels awkward. Nandito rin kasi ang biological mother ni Mallory. Kurt and his Mom was here. I could feel the tension.

"Kuya talaga bang kakain lang tayo? I'm not interested with politics. Nasa zoo ata tayo at may buwaya," bulong ko kay Kuya.

Tumawa naman siya ng malakas kaya naagaw niya ang atensyon ng mga nandito ngayon. Palpak talaga si Kuya.

"Pasensya na nagbiro kasi ang kapatid ko," natatawang sabi pa ni Kuya.

Siniko ko naman siya sa paglaglag niya sa akin. Ngumiti ako sa kanila. Si Mallory naman napakunot-noo kay Kuya.

"Kamusta naman kayo ni Mallory? Kailan ang kasal niyo?" tanong ni Senator Arenas.

"Why do you even care Dad?" inis na turan ni Mallory.

She doesn't want to marry Kuya. Ano kaya ang plano ni Kuya? He is acting cool and calm. He looks like he's expecting this to happen. He must have a backup plan.

"Next week," sagot pa ni Kuya.

Nagulat ako sa sinabi ni Kuya. Wala siyang sa akin na next week ang kasal nila ni Mallory. Akala ko tatanggihan niya 'yon ngayon? Talaga bang itutuloy niya? Paano si Celine? Ang sabi niya sa akin kanina hindi niya pinaglalaruan si Celine bakit ngayon hinahayaan niya lang na mangyari 'to. I'm really disappointed. Gusto ko sanang umalis na lang pero pinigilan ako ni Kuya.

"That's good to hear," natutuwa pang sabi ni Sen. Arenas. "Sana makasunod sila ni Kurt."

Napangiti naman ang anak ni Sen. Libran. Can't she feel Kurt's coldness? Kung ako ang nasa posisyon niya I'll probably break up with him. I felt sorry for Kurt. Halata namang hindi niya gusto 'yong babae but thes crocodiles were crossing the line.

"We'll try next year," sagot naman ni Kurt.

Napasulyap ako kay Mallory. She wasn't shaken by Kurt's remarks. I thought she is into Kurt just like what France told me.

"We'll make this church-"

Hindi na natuloy ni Senator Arenas ang sasabihin niya nang sumabat kaagad si Kuya.

"Civil wedding," sabi niya.

Lahat kami natigilan. Civil wedding? It's a wedding na ultimo media interesado how could he proposed that. Everyone's expecting an extraordinary wedding. Iniexpect ng mga tao na bongga ang kasal dahil nga sa impluwensya ng pulitika.

"Mallory is my princess Mr. Galvan. I can't let her have that kind of wedding," pagtanggi ni Sen. Arenas.

"You agree on this or there will be no wedding at all," seryosong saad ni Kuya.

Nakita ko kung paano nag-iba ang ekspresyon ni Senator. He didn't expect Kuya will be acting like this. Dati kasi siya ang namimilit kay Mallory na magpakasal. Ngayon he's really not too interested.

"This wedding is for Heaven!"

Binitawan ni Kuya ang hawak niyang kubyertos at uminom ng wine.

"Cheers to that if that's really the case," nakangising sabi pa niya.

Senator Arenas looked pissed but he's trying to keep his composure. Si Mallory naman natatawa pa sa ginagawa ni Kuya. They're both insane. Are they colliding into something? Parang naging katawa-tawa si Senator Arenas sa mga pang-aasar niya.

Midnight Kiss Season IIITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon