Chapter 167: The Strawberry Kiss

22 2 0
                                    

Celine POV

Inaya kami ni Doc Leunix na lumabas dahil magkasabay lang ang shift namin. I'm with Gerel and Zhakie. And ofcourse, he's with Galvan. Pinauna ko silang pumasok ng restobar.

Nagpaiwan ako sa labas saka tumawag kay Kaye. Buti na lang at nasagot niya naman kaagad.

"Yes, Loriega speaking," aniya.

"I met him!"

"You met who?" parang antok pa niyang tanong.

"Him. It's him," sagot ko.

"Sino nga kasing him 'yan? E lahat kaya ng lalaki ay him," parang bagot pa niyang sagot.

"Sino bang lalaki ko?"

"Ah! Si Dion?" napapikit ako sa sobrang inis.

"Hindi ko siya lalaki, okay? Si Galvan ang tinutukoy ko. My Bali, my Galvan, my Mister, my Doctor," halos pasigaw kong sagot sa kanya.

"Dios mio! Bumalik ang lalaking ikaw naman ang nang-iwan?" halos pasigaw niya pang sagot.

Nawala naman ang ngiti ko.

"Bakit hindi mo pa ilakas? Pasama ka na nang pasama sakin."

"Ha-ha Just trying to tease you. So kamusta naman pagkikita niyo? Okay naman ba? Mahal mo ba ulit?' prangkang sagot niya.

"Kyang naman! Alam mo na 'yon. So ano nga ba gagawin ko?" paghihingi ko ng kasagutan sa kanya.

"Just act normally. Para namang may mangyayari sa inyo dalawa kung magkakalapit kayo. Matagal na rin naman 'yon. Naka-move on na 'yang doktor mo," aniya.

"Sabagay pero kasi we ki-"

"Anong ki-? Ano ba kasi?" naguguluhang sagot niya.

"We kissed," nagulat ako nang biglang inilapit ni Galvan ang tenga niya sa phone ko na nakatapat sa tenga ko.

At talagang nakaakbay pa talaga siya. What's wrong with him? Hindi ako makaimik sa inaakto niya. Masyadong malakas ang tibok ng puso ko kapag nasa malapit siya.

"Oh my God! Renz?" gulat ring ani Kaye.

"Yeah it's me Loriega's woman. So how cool my coming to Celine is?" napalunok ako nang sabihin niya 'yon.

"Hala siya! Edi sobrang epic. Anong ginagawa mo diyan? Naku inaapi mo sigu-"

"Minamahal."

"Paandar mo Renz. Pagkarating mo diyan ka agad dumiretso. Parang di kaibigan," pagtatampo pa ni Kaye.

With their conversation, I must say they were so close.

"Soon," aniya. "I missed your bestfriend so I have to see her first."

Napapikit ako saka pinatay ang tawag. Hindi ko na kayang marinig pa ang mga sasabihin ni Galvan. Nakaakbay pa rin siya sa akin. Paglingon ko hindi pa rin siya nag-iba ng pwesto. He's still so close to me.

"H-hey!"

He suddenly looked at me and smiled.

"You look so beautiful Piko. Can I kiss you?"

Nanlaki ang mga mata ko sa tinuran niya. Mas lalo pang lumakas ang tibok ng puso ko. He was inches away and he's asking for a kiss. Gosh!

"No. At isa pa hindi mo pwedeng gawin 'yon ng walang permiso ko."

Lalayo sana ako nang hinapit niya ko ulit at ginawaran ng halik. I was stunned and surprised. I didn't expect he would do this.

"There you have it. I can Celine," he smiled at me as if he won.

Midnight Kiss Season IIITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon