Chapter 181: The Hate and Prank

16 3 0
                                    

Galvan POV

Gising na si Shan pagkagising ko. She's looking at me blankly. Walang reaction sa mukha niya. She's really like a little version of Celine. But she's not as bubbly as her. Bumangon naman ako at nginitian siya.

"Goodmorning," bati ko.

May kinuha siya sa bulsa niya't binigay sa akin.

Lollipop.

"You want me to unwrap this?" tanong ko sa kanya.

She nodded.

"But it's too early. You should have your breakfast first," sabi ko.

Itinago naman niya ang lollipop at bumaba ng kama. She just left without saying any words. She's probably going to the kitchen.  Naghilamos na muna ako at nagsipilyo bago sumunod sa kanya. She was just looking at the burner in the kitchen. Lumapit ako sa kanya at binuhat siya. Pinaupo ko siya sa upuan at kinausap.

"What do you want for breakfast?" tanong ko.

She's blinking her eyes wondering if I'm telling the truth. Hindi niya siguro inaasahang ipagluluto ko siya.

"Anything you want. Ipagluluto kita," sabi ko.

"Curry," walang pag-aalinlangang sagot niya.

Curry.

Just like what her Mom liked.

"Sige I'll cook curry for you," I told her.

She watched me all throughout. Naiilang ako but I'm glad. Masaya akong interesado siya sa akin.

"How can you do it?" mahinang tanong niya.

"Do you want to learn how to cook?" tanong ko pero umiling lang siya.

"How could you make my Mom smile?" natigilan ako sa sinabi ni Shan. "My Mom's faking her smile and laughter when she's with me and Dad."

Nilagyan ko ng pagkain ang plato niya. I sat next to her and leaned on the table.

"I love your Mom," sabi ko sa kanya kahit nasabi ko na 'yon kagabi sa kanya.

"Dad loves her too. Why isn't she happy?"

Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa kanya. Mahirap magbitaw ng salita lalo pa't napakabata pa niya.

"Soon you would understand," 'yon na lamang ang nasabi ko at nagsimulang maghain ng pagkain para sa mga kaibigan namin.

Shan's enjoying her food. She may not be that expressive, her eyes' telling me how she feel.

"Renz..."

Napalingon naman ako sa pagtawag ni Jayden. He looks weird. He's knocking his head on the wall. Lumapit naman ako sa kanya.

"Problema mo?"

"Papatayin ako ni Celine 'pag nagising siya," nangangambang sabi niya.

"Nakainom ka pa rin ba?"

"Hindi na. Sana nga nakainom pa rin ako. I made a mistake last night. Kung anu-ano ang pinagsasabi ko kay Celine. I ruined her birthday. Panigurado galit 'yon," pagkukwento niya.

Hinawakan ko ang magkabilang balikat niya.

"So it's you."

Napagtanto niya sigurong alam ko ang nangyari kagabi. Hindi na siya sumagot pa't lumayo sa akin saka tumakbo. He shouldn't be afraid of Celine. Hindi si Celine ang papatay sa kanya.

"I'm done po," ani Shan.

Binalikan ko naman siya't inasikaso. Pinagtimpla ko siya ng gatas. Nang matapos siya binigay niya ulit sa akin ang lollipop.

Midnight Kiss Season IIITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon