Dion POV
Nagpaalam sa amin si Celine nang umuwi siya ng Palawan. Gusto ko man na pigilan siya wala na rin naman akong magagawa. She wanted to work and to escape.
I feel so guilty for taking her away before. Kahit pa na ilang ulit niyang sabihin na okay lang. I still regret bringing her to the Wangyue. If I only choose not to be selfish I could have save her from this mess. She's fragile. I know she had lost her warmth.
Kaya gusto ko siyang suportahan sa mga desisyon niya. She deserves to be happy. She should be happy after all her sacrifices.
"I'll take the kids," napatigil ako sa pagpupunas ng lamesa sa sinabi ni Shan.
"Saan naman kayo pupunta?" I asked.
"Ikot lang," aniya habang inaayos ang suot niyang polo.
Hindi ko alam kung nagpapaalam ba siya o nagsasabi lang ng plano niya. Nakaayos na siya kaya wala na rin naman akong magagawa kahit pigilan ko pa siya. He's so stubborn.
"Sasama ako," sabi ko nalang.
He just ignored me. He really got an attitude. Binilisan ko ang pag-aayos at tinawag si Meiru. Kotse ni Shan ang dala namin. I texted Tita para makapagpaalam na rin.
We went to the mall. Una kaming pumunta ng Department Store. Sabi ni Shan may mga bibilhin siya. Tsk. So this is his real motive? Bibili na naman siya ng mga damit niya. Bakit niya pa kami sinama?
Nag-ikot ikot na rin ako para makabili ng mga bagong damit. I stopped when I realized they're no longer with me. Nasaan na ba ang mga 'yon? Pag nawala talaga sila kasalanan ni Shan. Magagalit talaga si Tita nito.
Galvan POV
Hindi ko alam kung babalik pa ako ng Palawan. Bumalik na ron si Celine at pwede na rin naman akong bumalik but I'm afraid to face her. I've realized how insensitive I am yesterday. I want to give her an apology.
I want to protect her yet I'm the one who's hurting her. She cried again. I'm really disappointed to myself.
Before I go back I want to buy something for her. I hope we could make up. Ayokong mag-away kami. I really need to control myself. I can't hurt her again. Never this time.
Napatigil ako nang may bigla akong mabanggang bata. She didn't react so I just walked away.
"Mag-ingat ka nga!" napatigil ako ng marinig ko 'yon.
Napalingon naman ako. The kid's looking at me madly. I thought she's okay earlier. I want to apologize but I just realized her rudeness. The way she said those words is inappropriate to her age.
"Mister alam kong maganda ako pero pwede bang magsorry ka naman," may halong inis pa niyang sabi.
Kakausapin ko na sana siya nang may maalala ako bigla sa sinabi niya. Those exact words. Ganoon din ang mga sinabi ni Celine dati. Noong una kaming magkita sa GU after our accident.
"Sige 'wag nalang," dagdag niya saka inirapan ako't naglakad palayo.
What is this exactly? Why am I reminded of Celine? Napatingin ako ulit sa kanya. She's coming back to me. She handed my pin.
"Doktor po kayo Mister?" mahinang sabi niya.
"Yes."
"Pwede niyo po ba akong tulungan kung sakali pong may sakit ako?" she almost whispered.
It feels like I'm back in time. The same moment I had with Celine. The time she asked me to be her doctor. Yumuko ako para magkapantay kaming dalawa.