Chapter 12

3K 66 1
                                        

Unang araw matapos ng hiling ko kay Gio, at ito ako ngayon, hulog sa malalim na pag-iisip kung tama ba ang naging desisyon ko. I already made up my mind to free myself from him after.

Siguro nga tama sila. Na dapat higit sa lahat sarili ko muna. Maybe I should try to live on my own without any trace of Gio. Hindi ko idinedepende sa kaniya ang lahat. Pero dahil sa mga nakaraang buwan, palagi siya ang inuuna ko at ang kasiyahan niya.

I want to prove to myself that not everything revolves around Giovanni. That I could do something for myself also.

"Sana pala nagdala akong jacket," Clarisse said through gritted teeth.

Gusto ko man siyang segundahan, hindi ko nagawa dahil maging ako ay tinakasan na rin ng lakas na magsalita dahil sa lamig na dala ng pang-madaling araw na hangin. Bakit kasi namang nakalimutan namin ang bagay na 'yon?

Both of us, including Haze who went out of her own way to do her job as a photojournalist, were only wearing a white shirt for our tops. Pare-pereho rin kaming naka lenggings na hanggang tuhod kaya damang-dama namin ang lamig ng hangin ngayon.

Nasa labas pa lang kami ng univ at wala pa masyadong tao dahil maaga pa para ng ilang minuto bago ang magsimula ang race. Mayroon ng iilan sa loob pero mas pinili namin sa waiting shed sa labas dahil hinihintay rin namin si Ulick at Elon na inimbitahan din ni Clarisse.

"Sana pala nagkape muna ako bago tayo umalis kanina," nakangiwing saad ni Clarisse.

Umirap ako sa hangin. "Sana kasi gumising ka ng maaga, diba? Wala ka pa ngang ligo, eh," sabi ko.

Malakas niyang tinapik ang balikat ko kaya tinaliman ko siya ng tingin bilang sagot. "Huwag ka ngang maingay, marinig ka pa ni Ulick. Aasarin na naman ako no'n."

"Eh, totoo namang wala kang ligo, Clarisse. Huwag kang magmalinis dyan."

Inirapan niya ako. "Duh, malamig ang tubig—"

"May heater sa condo ni Haze."

Sinamaan niya pa ako lalo ng tingin. "Basta malamig ang tubig. Isa pa, maliligo rin naman tayo mamaba pagkauwi kaya tipid na rin."

"Sinong niloko mo? Mga palusot mo, Clarisse," sarkasmo ko.

Pabiro niyang hinila ang nakatali kong buhok dahilan para ambahan ko siya ng suntok. We both glared at each other but within ourselves, we knew that everything was just a joke. This is how we usually act, like beagles and rascals who would always cause trouble.

Kaya siguro si Haze na ang pinakamatino sa aming apat. Siya lang naman kasi ang aawat sa amin ni Clarisse tuwing nagsasabong na kaming dalawa.

Naputol lang ang masamang tingin namin sa isa't isa nang mula sa malayong distansya ay narinig namin ang dalawang tinig na kanina pa namin hinihintay. They were approaching us while chatting to one another.

Mabilis na umayos ng tindig si Clarisse nang makalapit na ang dalawa. Maging ang praktisado niyang ngiti ay nakahanda na rin nang harapin si Ulick at Elon. Napailing na lang ako. Dapat si Clarisse ang isinasama sa TADS dahil sa husay niya umarte at magpapalit-palit ng emosyon.

Parang kanina lang malditang umiirap sa akin. Tapos sa presensya lang ng mga bagong dating ay akala mo napakabait.

"Good morning, gentlemen," bati niya sa dalawa.

"Good morning, Clau," Ulick greeted back.

Elon greeted her too but she didn't give much attention to him. Ibinigay na niya ang buong atensyon niya kay Ulick na maging ako na kaibigan niya at kanina niya pa kasama ay naetsapwera na lang din.

Pacifying the Chaos (Crossroad Madness #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon