Chapter 8

1.2K 43 2
                                    

"Ilang beses mong sinasabi sa sarili mo na maliligo ka na bago magkatotoo?" malditang tanong ni Clarisse sa akin.

Hindi ko siya pinansin. Nagpatuloy lang ako sa pagpikit habang pilit pa ring hinahanap ang antok na tinakasan na ako dahil sa pagdating ng dalawang babaeng ito sa bahay namin.

Bumabawi ako ng tulog para sa dalawang linggong pagpupuyat ko dahil sa nagdaang midterm exams namin. At nandito ang dalawa para bulabugin ang katahimikan ko. Kagigising ko lang din halos at wala pa akong ligo.

Start na ng foundation week ngayon kaya wala kaming pasok kaya automatic na wala pa rin akong ligo dahil mamayang hapon ko pa sana balak. Kaso itong dalawang distorbong ito, pinapaligo na ako para makapunta na kami sa CIU bago kami dumiretso sa bahay nila Hazel.

"Maggo-grocery ba muna tayo bago umuwi?" tanong ni Hazel. "Wala akong ipapakain sa inyo."

"Share-share na lang tayo para tipid," si Clarisse. "Kaya ikaw na bruha ka, maligo ka na para makaalis na tayo."

"Wala rin naman kasi tayong gagawin doon," simangot ko. "Mamaya na tayo umalis mga alas singko."

Umayos ako ng higa sa kama ko habang ang dalawa ay nasa magkabilang gilid ko at nakaupo. Patay ang ilaw sa buong kuwarto at nakaladlad din ang black out curtain para madilim sa loob.

The empty wall in front of us became a screen for the small projector. Nanonood ang dalawa ng Maze Runner habang ngumangata ng popcorn.

"Sira! Maraming ganap ngayon!" May rahas na hinampas ni Clarisse ang binti ko. "Magtitingin tayong booths. May pa-confession broadcast din sila ngayon."

Inismiran ko siya. "Ang sabihin mo, maghahanap ka lang ng lalaki."

"Kasama na rin 'yon kaya kumilos ka na bago pa ako ang magpaligo sa'yo," pagsusungit niya pa rin.

Umirap ako sa hangin. Walang pagpipiliiang tumayo ako at umalis sa kama. Dumiretso ako sa closet ko para kumuha ng damit. I chose high-waisted distressed denim shorts that I paired with an oversized loose sweatshirt in a pastel green color. May design 'yon sa harapan na pusheen cat na nakahiga sa ibabaw ng burger. I also took out a white and rose gold mini leather backpack na may keychain na pusheen cat din.

Mabilis akong lumabas ng kuwarto para maligo at nag-ayos. Maging ang paglalagay ng liptint sa labi at magkabilang pisngi ay mabilis ko lang ding tinapos. Nang makuntento ay agad din akong bumalik sa kuwarto ko. Wala kasing banyo ang kuwarto ko kaya kailangan ko pang lumabas para maligo.

Naabutan ko ang dalawa na nasa sahig na nakaupo habang nakasandal sa kama ko. Pareho silang naka-indian seat.

"Ano na?" pagkuha ko sa atensyon nilang dalawa.

Pumalakpak si Clarisse sabay pasada ng tingin sa kabuuan ko. "Ayan! Mukha ka ng tao! Mabango na!" pasigaw niyang sabi na para bang tuwang-tuwa sa ginawa kong pagligo.

"Sira ulo," asik ko.

Isinukbit ko ang dalawang strap ng bag ko sa magkabilang balikat ko. Kinuha ko rin ang isa pang backpack na mas malaki na naglalaman ng ilang pares ng damit na dadalhin ko sa bahay ni Hazel.

"Tara na," pagyayaya ko.

Mabilis naman silang tumalima ang dalawa. Sila na rin ang nagpatay ng projector at nilagay sa drawer sa gilid ng couch malapit sa bintana. Hazel took her laptop and put it inside his bag.

Nang matapos kaming lahat ay saka kami sabay-sabay na lumabas.

"Tita!" Clarisse called in a sing-song tone.

Patakbo rin siyang bumaba ng hagdanan diretso nang punta sa kusina kung saan nandoon si Mama.

Inakbayan ako ni Hazel na nailing na nakatingin na lang kay Clarisse.

Pacifying the Chaos (Crossroad Madness #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon