Parang may nakabarang kung ano sa lalamunan ko, pinahihirapan akong lumunok sa bawat sipsip ko ng paborito kong taro flavored shake na binili sa akin nila Burn at René. I feel cornered and hot seated with my friends in front of me, staring and not saying a thing.
Wala akong ideya sa kung anong iniisip nila sa buong sitwasyon. Ni hindi ko nga gustong magtanong sa isang dahilan na kahit ako ay naguguluhan pa rin sa nangyayari ngayon.
I just came here with the thought of having my picture taken for my graduation. Pero iba ang kinalabasan at wala na rin akong ideya sa kung anong kinalabasan ng mga litraro ko kanina matapos ang pagpapakita ni Elon.
"Huwag mo kasing binibigla, Elon, nabubuking na lutang ang kaibigan ko, eh." Malakas na humalakhak si Burn matapos sabihin iyon.
Umani iyon ng mahinang tawa mula kay René at Elon. Sinamaan ko siya ng tingin na ginantihan lang niya ng irap at tawa.
"Ikaw na ang bahala sa kaniya, E. Mauna na kami ni Burn," bigla ay paalam ni René.
Aligaga akong tumayo at umiling sa kaniya. "H-Hoy, isama ninyo ako!"
Pinanlakihan ako ng mga mata ni René sabay tulak ng bahagya pabalik sa tabi ni Elon.
Hindi ko naitago ang pagkagukat ko nang mula sa likod ay kinuha ni Elon ang kamay ko. Marahan niya akong hinila palapit sa kaniya kasabay nang pagtayo niya.
Mas lalo pang nabuhay ang kaba sa dibdib ko dahil sa pinaliit na distansya sa pagitan namin. Ramdam ko ang pagdampi ng balat niya sa braso ko. Mas lalong ramdam ko ang mainit niyang kamay na hindi pinakakawalan ang kamay ko.
Gusto kong magulat sa pagwawala ng puso ko. Gusto kong ikagulat kung paanong ang mabilis nang pagtibok no'n ay mas lalo pang nagwala ngayon. Pero walang lugar iyon dahil mas pinanlalamangan ako ng pangungulila sa mga emosyong ibinibigay niya.
Pasimple akong humugot ng malalim na hinga nang maramdaman na tila kakapusin ako no'n dahil sa lapit niya. Hindi ko mawari kung ano ang pinagkaiba nang noon at ngayon. Kung saan banda ang nagbago dahil ngayon ay may nararamdaman akong ilang na hindi ko malaman kung paano nagsimula.
"We'll leave our friend in your hands, Elon." Lumapit si Burn sa akin para bigyan ako ng isang magaan na yakap. "Huwag kang magpapakita sa akin na hindi kayo nakakapag-usap ng matino. Pipilipitin ko ang leeg mo," mahinang bulong niya sa tainga ko.
Hindi ko naitago ang pagngiwi. Sure ako na hindi iyon narinig ni Elon dahil halos dampi ng hangin na lang ang boses niya sa pandinig ko.
"Ang brutal mong bruha ka," ganting bulong ko.
Humiwalay siya sa akin sabay paskil ng matamis na ngiti sa labi. "Ako lang 'to."
Maarte ang bawat hakbang na tinalikuran niya ako. She's even exaggerated her every step and sway of her hips while laughing evilly away from me.
"Remind me to book a grab ahead of time para hindi na ako nakukulong sa isang lugar kasama ang baliw na iyan." Eksaheradang bumuntonghininga si René. "Mauna na ako. Ingat kayo. At ingatan mo ang kaibigan ko, Elon. Mahal 'yan."
Mula sa sulok ng mga mata ko ay nakita kong tumango si Elon. Imbes na lumapit tulad nang ginawa ni Burn ay sinaluduhan na lang niya kami bilang pamamaalam bago sumunod nang labas sa nauna.
At kung inaakala ko na sagad na ang ilang na nararamdaman ko ay nagkamali ako. Kanina, hindi ko iyon pinagtutuunan ng pansin dahil naroon pa rin ang pakiramdam na komportable ako dahil sa presensya ng dalawa.
Pero ngayon na kami na lang, hindi ko na iyon maitanggi dahil dinodomina no'n ang lahat ng iba ko pang nararamdaman.
Dati naman akong komportable sa kaniya, kahit noong mga panahon bago pa lang kaming magkakilala. I could even talk to him with ease as if we knew each other for a long time. Pero iba ngayon. Ramdam na ramdam ko ang pagkailang kaya magmula pa kanina ay hindi ko siya matingnan.
![](https://img.wattpad.com/cover/275055107-288-k787149.jpg)
BINABASA MO ANG
Pacifying the Chaos (Crossroad Madness #1)
RomanceCrossroad Madness Series #1 complete | unedited Carmen Rosales has perfected the art of pretension. If pretending to be happy was considered a sin, she's probably the biggest sinner in the world. It was a perfect play that she and Giovanni Acosta...