Chapter 2

2.2K 61 10
                                    

[Elon Madrigal started following you.]
[Elon Madrigal sent you a friend request.]

Nanlaki ang mga mata ko sa gulat nang ang dalawang iyan ang mabungaran ko nang buksan ko ang phone ko. Ang balak ko lang sanang gawin ay mag-download ng kdrama at abusuhin ang libreng wifi ng university. Kaso iba ang sumalubong sa akin.

Parang sinugod ng mga naghahabulang kabayo ang dibdib ko na ngayon ay malakas na ang pagtibok dahil sa kabang idinulot sa akin ng pag-follow at pag-add ni Elon. Totoo nga ang sinabi niya sa akin kanina.

Buong akala ko ay kalokohan lang iyon at hindi siya seryoso. Pero hindi pa man natatapos ang gabi ay binibiyayaan niya na agad ako. Mabilis kong isinarado ang libro ko sa ObliCon nang tuluyan nang mawala ang atensyon ko roon.

"Wala pa ba si Attorney?" baling ko kay Nicole.

"Wala pa, baka na-traffic na naman siguro," sagot niya.

Kuntentong binalingan kong muli ang cellphone ko. Mariin kong kinagat ang pang-ibabang labi ko sa pagpipigil na huwag ngumiti na parang isang baliw.

What should I call this feeling this dude has been giving me? Para akong kinikilig na high school student na na-notice ng crush niya samantalang hindi ko naman crush si Elon. I just like his paintings and that doesn't necessarily include him.

Kaso iba kasi ang isang Elon Madrigal. Tinitilian at hinahangaan ng mga kababaihann. Kaya marahil ay ganito rin ang epekto niya sa akin kahit na wala naman akong nararamdaman sa kaniya.

Nabitin ang pagkikipagtitigan ko sa notification na natanggap ko nang mag-iba ang screen para ipakita ang tawag ni Clarisse sa akin.

"Ano? Iniistorbo mo ang pakikipag-moment ko sa idol ko," pagsusungit ko.

"Mga pinagsasabi mong baliw ka?" sarkasmo niya. "Tumawag lang ako para sabihing naghihintay sa registrar ang sinasabi kong kaibigan koni Ulick na nanghihingi ng tulong mo. Puntahan mo na lang mamaya tutal doon din naman ang daan mo."

"Ngayon na talaga agad?" ngiwi ko. "'Di ba puwedeng bukas o sa ibang araw na lang?"

Bigla ay nakaramdam ako ng hiya at kaba sa isipin na makikipagkita ako sa isang taong ngayon ko pa lang makikilala. Mabuti sana kung magkasama kami ni Clarisse at ipakikilala kami sa isa't isa. Sa ganoong paraan hindi masyadong awkward.

Ang kaso, kanina pa tapos ang klase ni Clarisse at nakauwi na. Hindi ko naman siya puwedeng paghitayin ng matagal para lang may kasama ako ngayong gabi dahil malayo ang inuuwian niya.

"Hoy nahiya ako bigla," pag-amin ko sa kaniya.

"Wala kang gano'n, day. Kaya nga bagay ka sa course mong Marketing Management dahil magaling kang makipag-socialize. Kahit hindi mo kilala kinakausap mo."

"Peste ka, Clarisse! May hiya pa rin ako kahit papaano," nakabusangot kong sabi.

"Sus, pabebe ka lang kamo!" bulyaw niya. "Sige na. Basta puntahan mo na lang siya mamaya katapos mo sa klase mo."

Lukot ang mukha na ibinaba ko ang tawag. Wala akong ideya kung sino man ang tinutukoy niyang kaibigan ni Ulick. Ang tanging pampalubag loob ko lang ngayon ay hindi music video ang kailangan niyang gawin hindi katulad ng kay Ulick. Kung nagkataon ay aayaw agad ako, lalo na at wala naman akong hinaharap sa pag-arte.

"Good evening," walang kangiti-ngiting bati ng prof namin sa Law.

Kumabog sa kaba ang dibdib ko sa presensya ni Miss Corpuz. Sino ba naman ang hindi kakabahan sa ObliCon? Halos lahat naman ng section kabado na pagdating ng ganitong oras ng gabi.

Pacifying the Chaos (Crossroad Madness #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon