Hindi ko na nagawang bilangin kung ilang buntong hininga na ba ang pinakawalan ko magmula pa kanina nang makaalis si Gio. Hindi ko lang kasi talaga magawang payapain ang isip ko sa kahit na paanong paraan.
"Ano bang pinagdadaanan mo at parang mauubusan ka na ng hangin sa katawan mo kakabuntong hininga?" tanong ni Mama nang tabihan ako.
"Ma," gulat na tawag ko. "Bakit po gising pa kayo?"
Pinagtaasan niya ako ng kilay. "Ako ang nanay sa ating dalawa, hija. Kaya ako dapat ang nagsasabi niyan sa'yo," sarkastikong biro niya. "May problema ba?" maingat niyang tanong.
Naging mabilis ang pag-iling ko bilang sagot sa kaniya. Na sa sobrang bilis ay naging dahilan 'yon para mabuo ang pagdududa kay Mama.
Sa edad ko, it's always easy for me to open up to my friends. Mas alam kasi nila ang mga nangyayari sa buhay ko. Madalas ko silang kasama kaya alam nila ang mga problema ko. I am with them most of my days and It's always easy to open up my heart to them. Lalo na at kaedad ko sila at alam nila madalas ang mga salitang dapat na sabihin para tulungan akong kumalma.
Tuloy, hindi ko alam kung paano ko bubuksan ang sarili ko kay Mama ngayon. We're not really the "barkada" type of mother and daughter. Pero close kami, may ilang nga lang talaga kapag pag-uusapan ang mga bagay na bumabagabag sa akin.
"Love life ba 'yan, anak?" maloko niyang tanong.
Kusa akong napangiwi. Even just a simple question from my mom sounds awkward to me. "What if you're trapped in a situation where you can't escape at all?" I asked, finally.
"What do you mean?" Mom asked curiously.
I let go of a deep sigh. "I don't know, Mom."
"Maybe you want something, but you're holding back," she guessed.
I nodded my head. "I feel like I'm chained, making it difficult for me to make a decision."
Another heavy sigh escaped my mouth. Palagi na lang akong nauuwi sa ganitong sitwasyon. Palagi na lang mayroong pagtatalo sa isip ko. Walang oras na hindi ako binagabag at ni minsan ay hindi nawala si Gio sa isip ko.
He occupies ninety percent of my mind. My worry for him can't be measured. He's my utmost priority, he weighs even more than myself. Nakasanayan ko na ang gano'n kaya hindi na ako nagugulat pa na sa kabila ng bigat na idinulot nang pag-uusap namin kanina ay siya pa rin ang iniintindi ko.
And for the reason that I love him. I have always been saying to myself that I'm in love with him. Higit isang taon na rin simula nang tila gawin ko 'yong mantra sa tuwing humahanap ng dahilan kung bakit nananatili pa rin ako sa tabi niya.
"May sagot, anak. At alam kong alam mo rin 'yan," makahulugang sabi ni Mama matapos ang panandaliang katahimikan. Marahan niyang hinagod ang buhok ko hanggang sa isandal na niya ang ulo ko sa balikat niya. "Are we talking about Gio, Carmen?" masuyo niyang tanong.
Panandalian akong natigilan ngunit agad ding nakabawi sa kaisipan na mahuhulaan din naman ni Mama ang laman ng isip ko kahit manahimik ako. "Yes, Ma," pagsuko ko.
"Carmen," suyo niya. "I know how attached you are to him and I and your Dad are, too. I've witnessed how much you cared for that kid. And I truly admire you for that, anak. Despite all the truths you've heard and see, you chose to stay beside him and give him strength to carry on. But, Carmen, not everything is about Gio. Not every tick of the clock in your life is dedicated to him."
"Ma, alam mo namang walang ibang kasama 'yon. Kung hindi ko siya iintindihin, sino ang gagawa no'n para sa kaniya. Eh, siya rin itong hindi maalagaan ang sarili niya," pagbibigay riin ko.
BINABASA MO ANG
Pacifying the Chaos (Crossroad Madness #1)
RomansaCrossroad Madness Series #1 complete | unedited Carmen Rosales has perfected the art of pretension. If pretending to be happy was considered a sin, she's probably the biggest sinner in the world. It was a perfect play that she and Giovanni Acosta...