Chapter 21

970 37 24
                                    

"I need your help, Cae," bungad sa akin ni Gio nang pagbuksan ko siya ng pintuan ng bahay namin.

"Tungkol saan ba? Hindi ka naman nagpaliwanag kanina sa text mo," tanong ko.

Text ni Gio ang gumising sa akin kaninang umaga na sinasabing kailangan daw niya ang tulong ko ngayon. Wala siyang ibang detalyeng ibinigay na siyang dahilan ng pagtataka ko. Hindi ko naman na siya nagawang tanungin pa dahil naging abala na ako sa paglilinis ng kuwarto ko.

"Busy ka ba ngayon? Masasamahan mo ba ako?" alangan na tanong niya.

I automatically looked upstairs where my room was located. Kusang rumehistro sa isip ko ang hamper na naroon kung saan puno 'yon ng mga labahan ko. Maglalaba dapat ako ngayon pero sa pagdating ni Gio ay mukhang mapupurnada pa yata.

Pasimple akong umiling para alisin ang kung ano mang nasa isip ko. May ngiti sa mga labi na humarap ako sa kaniya matapos ay tumango.

"Pasok ka muna," imbita ko.

Mabilis naman siyang sumunod sa akin nang pumasok na kami sa loob. Magkatabing naupo kami sa mahabang sofa habang hinihintay siyang sabihin ang talagang pakay niya at inihihingi niya ng tulong.

"I need to buy something. And I need your opinion about it," he uttered carefully.

"Hintayin mo ako rito," bilin ko sabay tayo.

Pero bago pa man ako makalayo sa kaniya ay kinuha na niya ang kamay ko para pigilan ako. "Hindi mo man lang ba tatanungin sa akin kung ano at para saan ang bibilhin ko?"

Bago ko pa man mabuo ang sagot sa isip ko ay nauna na ang pag-iling ng ulo ko. I held his hand that was holding mine and slowly let his grip slip. Nang tuluyan na niya akong mabitawan ay walang lingon na iniwan ko siya roon.

I don't know why but when it comes to Gio, asking a question becomes the hardest thing to do. Takot kasi talaga ako sa totoo lang. Palaging pinangungunahan ang puso ko ng takot sa maaaring isasagot niya sa akin. Palaging nauuna ang ideya na anumang salita na sasabihin niya ay mag-iiwan lamang ng panibagong sugat sa akin.

Hindi naman na nakagugulat ang bagay na 'yon lalo na at halos kabisado ko na ang lahat ng tungkol sa kaniya. Hindi malabo na may kinalaman na naman ito ngayon kay Ma'am Ria.

Siguro nga may mali rin talaga sa akin. Sapagkat mas gusto kong umiwas at hayaan ang isip ko na pangunahan ang mga bagay-bagay imbes na ang magtanong at humingi ng kumpirmasyon. But I don't see any need for that anyway. Hindi naman mababago nang pagtatanong ang posisyon ko sa buhay niya.

I immediately closed my eyes when the words from someone entered my mind without any notice. Bahagya rin akong napahinto sa pagkuha ng damit nang muling maalala ang mga salita niyang 'yon.

His words of assurance.

I shook my head and picked up the clothes I have decided to wear, a simple white halter crop top and '90s boyfriend jeans after taking a quick bath. Hinayaan ko lang na nakaladlad ang medyo basa ko pa ring buhok nang bumaba na ako para balikan si Gio.

I was holding my white sneakers on my one hand while the other one was occupied by my phone.

"Come here, I'll help you with your shoes," he offered.

"Kaya ko na," tanggi ko.

"Just come here. Just like the old times." He smiled at me warmly.

I contemplated inwardly with the thought of our old memories. I know what he meant, but I also want to deny the reality. Ayaw kong isipin at balikan, pero kusang nanunumbalik sa isip ko ang mga larawan namin sa nakaraan.

Pacifying the Chaos (Crossroad Madness #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon