Chapter 14

1K 35 0
                                    

Maybe we thought too shallow of our connection that we weren't able to foresee how deep we are linked to one another. Kaya ngayon, pareho man naming gusto na lumayo sa isa't isa para bigyan ng daan ang sarili naming bumuo ng mga desisyon para sa sarili namin, nandito pa rin kami, kaharap ang isa't isa at parehong tahimik.

"Sabihin niyo lang kung tapos na kayong magtitigan para makapasok na tayo sa loob," sarkastikong saad ni Clarisse.

My face distorted at her words. I took a step backward and signaled them to head inside first. "Kayo na muna sa loob. Magkikita pa kami ni Gio sandali. And I'll grab us some food."

"One of us can accompany you, Cae," sabi ni Hazel sa akin.

Inilingan ko siya bilang pagtanggi. "Kaya ko na. Mabalutan pa ng negativity ang magandang araw niyo. Alam ko namang bad vibes kayo kay Gio," paismid kong saad.

Hindi naman 'yon lignid sa kaalaman ko na hindi sila isang daang porsyento na maayos at wala naman na akong magagawa sa bagay na 'yon. Hindi maganda ang unang pagkakakilala nila kay Gio kaya hindi malabo na bad vibes sila sa lalaki. They're civil, but not too close like what I wanted it to be.

Hindi ko naman puwedeng ipilit na pakisamahan nila ng maayos ang isa't isa sa ngayon. Mahirap na at baka imbes na gumanda ang samahan nila ay mas lalo pang masira. But I'm hoping that someday, all will work out just fine for all of us.

"Reserve me a seat. And please ipuwesto mo sa pagitan natin si Hazel, Clau," paalala ko.

She gave me a salute while Haze just shook her head at me. It always feels like Haze is the Ate because of her maturity and wisdom. But at times like this, she really is our youngest. Tipong kailangan mong protektahan. Buwan lang naman ang pagitan namin pero kung ituring namin siya para ilang taon ang agwat naming tatlo.

She's that strong type of woman toughened by her life experiences. But at the same time, Haze's also fragile. Kaya ingat kami sa kaniya.

"Sumunod ka agad," bilin ni Haze.

I nodded my head to give them an okay signal. I watched them enter the auditorium, Haze, Ulick, Clarisse, and Elon. Unlike what I expected it to be, hindi masyadong mahaba ang pila papasok sa loob. Sinadiya naming agahan ang pagpunta rito kaya siguro wala pa masyadong tao.

We still have thirty minutes before the play starts the reason why I still have time to meet with Gio before they begin. Nag-text siya sa akin kanina na kitain ko raw siya at sino ba naman ako para tumanggi kaya pumayag agad ako.

Oo, ganito ako karupok pagdating kay Gio. Na isang text lang, pupunta na agad ako.

Nagpunta ako sa pinakadulo ng mahabang pila ng mga food stalls. Ang sabi niya sa akin ay roon daw niya ako hihintayin base sa text niya kanina. Idagdag pa na malayo 'yon sa pila kaya kaunti lang ang tao sa paligid at hindi kami masyadong mapapansin.

An automatic smile broke out on my face when I saw him sitting on the bench. Magaan ang dibdib na naglakad ako palapit sa kaniya.

"Cae," nakangiti niyang bati.

"Gio," bati ko pabalik. "Congrats in advance sa play."

Mas lumawak ang ngiti niya sa akin. "Thank you so much," sinsero niyang tugon.

Wala akong makitang kakaiba sa mga kilos niya ngayon na maaaring makapagbigay sa akin ng ideya kung may alam ba siya sa namagitan na usapan sa pagitan namin ni Ma'am Ria. But I'll be more thankfull if he would know nothing about it.

Para hindi na siya maipit at mahirapan. I'd rather take the load for him not to make him worry too much over something that I can handle myself.

"Magsisimula na, hindi ka ba papasok sa loob?" tanong ko. "Wala na ba kayong kailangang gawin?"

Pacifying the Chaos (Crossroad Madness #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon