Chapter 9

1.1K 44 11
                                    

Pare-pereho kaming tahimik sa loob ng sasakyan. It has been an hour since Haze's father stopped calling her. At ni isa sa mga 'yon ay hindi niya sinagot.

"Nood tayo ng play nila Gio, ha?" pagbubukas ko ng usapan.

Clau cleared her throat. "Oo naman. Kita na lang tayo sa Avenue bago pumasok sa main."

Tumango ako. Avenue is a one-story mall in front of the main campus. 'Yong lugar kung saan madalas na tumambay ang mga estudyante.

"Would you be fine, Haze?" Clau asked, full of worry and concern.

Nakita ko siyang tumango. "As long as I'm in between you two I'm fine."

She was sitting at the passenger's seat with me the only one sitting at the back. That's how our usual set up whenever we are riding a car. O kahit na sa paglalakad o maski sa pag-upo. Palagi akog nasadulo o 'di kaya'y nasa likuran ang puwesto.

Hindi ko rin alam kung bakit. I feel like I'm the thin line dividing being an introvert from being an extrovert. Wala namang problema sa akin ang makipag-socialize sa iba. I can talk to strangers too without any problem.

Pero mas lamang lang talaga ang mga pagkakataon na mas gusto kong mag-isa. O kahit 'yong hindi ako tinitingnan ng mga tao. Kahit nga sa mga kaibigan ko mas gusto kong nasa harapan ko sila at nahuhuli ako. And that's fine with them. They respect that part of me and never complained about it.

I looked down on my bag when I felt my phone vibrate from the inside, cutting the train of thoughts in my mind. Agad na kinuha ko 'yon at hindi na ako nagulat pa nang makita ang pangalan ni Gio ang nakarehistro.

"Hello?" sagot ko sa tawag.

Napatingin sa akin ang dalawa. I mouthed Gio's name making both of them roll their eyes on me all most at the same time.

"Pupunta ka ba rito?" tanong niya sa akin.

"Saan? Nasaan ka ba?" balik na tanong ko.

"Main."

"Yes, on the way na kami. Bakit? Anong mayro'n?" nagtatakang tanong ko.

"I just want to see you, Cae. Masama?"

"Ewan ko sa'yo. Ibababa ko na 'to. Tawag ka na lang mamaya ulit."

Napahawak ko sa dibdib ko nang maramdaman ang pagkabog no'n dahil lang sa mga simpleng salita mula kay Gio. Ever since that night that I almost fell in danger because of his unfulfilled promise, he became extra careful and gentle towards me. He always checks me from time to time. Isang bagay na hindi niya ginagawa noon.

I feel like I became a little more important in his life. Like I became significant, a person worthy of his time and attention as if I am an important part of his life. But I knew to myself that whatever I have in mind were all just lies.

"Nag I love you ka na rin sana para kunwari magjowa talaga kayong dalawa," sarkasmo ni Clau.

"Magjowa naman kami ni Gio," mahinang sagot ko. Tumingin ako sa labas ng bintana at inabala ang sarili sa pagtingin sa mga gusaling nadadaanan namin. "Sa mga mata ng tao," pagpapatuloy ko.

"Hibang ka na talaga, Carmen," buntong hininga ni Haze. "Wala ka namang mapapala sa ginagawa mo."

Wala nga, pero sasaya naman ako pansamantala.

"Just leave him and that Ria alone. Bahala na sila kung mahuhuli man sila o hindi," dagdag pa ni Clarisse.

Napabuntong hininga na lang ako sa kanilang dalawa. Malinaw naman kasi talaga sa akin ang lahat ng sinabi nila. I knew that at some point I need to stop and give myself some self-respect.

Pacifying the Chaos (Crossroad Madness #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon