PUMAILANLANG ang tunog ng telepono sa may Chambermaid quarters, hindi pa nasasagot ng kasamahan ni Lilianne ang tawag pero alam na niya kung sino 'yon. Tahimik niyang inasikaso ang chambermaid trolley kasi alam na niya kung anong gagawin niya.
"Lily may call sa penthouse," sabi sa kanya ni Perla saka binigyan siya ng isang simpatyang tingin.
Tumango lang saka itinulak ang trolley palabas, tinungo niya ang service door bago niya pinindot ang penthouse button.
Huminga siya ng malalim pero kahit na anong emosyon ay walang makikita sa mukha niya. Ganon naman talaga siya kahit noon pa, her face can't really cope up with the emotion that she feels.
Bata pa lang kasi siya ay tinuruan na siyang kontrolin ang emosyon niya kaya kinalaunan ganito na ang naging estado niya.
Pero hindi ibig sabihin 'non ay hindi siya marunong makaramdam ng kahit na anong emosyon sadya ang talagang hidni makikita 'yon sa mukha niya.
Tulad na lang ngayon, saktong bumukas ang pinto ng service elevator sa may penthouse floor.
Wala siyang ideya kung kailan nagsimula o kung ano talaga ang trip ng guest nila sa penthuse but he seems to be too fond of calling her and teasing her for some reason.
Pero kahit na anong gawin nito ay hindi nito makuha ang gusto nitong reaksyon sa kanya kaya hindi na siya nagtataka kung bakit madalas itong tumatawag sa service hotline nila.
Inayos niya ang pagkakaparada ng tulak-tulak niyang trolley sumalubong sa kanya ang pagkalawak-lawak na kwarto pero pwede rin siguro niyang sabihin na isa 'yong mansyon sa loob ng pinakamataas na bahagi ng East Pacific Hotel.
Wala siyang ideya kung paano nito nagagagawang okupahin ang buong penthouse dahil sa pagkakaalala niya ay magi-isang linggo na itong nandoon and frankly it's been four days since na palagi nitong dinedemand na siya ang maglinis sa penthouse.
Kung makaasta naman kasi ito parang barkada mo lang madalas din niya 'tong makitang pagala-gala sa buong hotel at kung sino-sino na lang din ang nakikita niyang kausap nito tuwing nasasalubong niya ito sa hallway.
He's too sociable to be rich, iyon ang unang niyang napansin tungkol dito. As well as freaking annoying. Kaya nga mas gusto niyang nakikita itong pagala-gala sa buong hotel kaysa nakatambay lang sa kwarto nito dahil sigurado siyang wala itong ibang gagawin kung hindi ang tawagin siya sa may chambermaid quarters.
Originally ay hindi talaga sa penthouse ang toka niya kung hindi sa second floor. Tatlong buwan pa lang siyang nagta-trabaho sa EPH pero nagamay na naman niya ang lahat ng gawain niya.
Inilibot niya ang tingin sa paligid, hindi pa rin talaga niya maiwasang mamangha sa ganda ng kwarto o kwarto nga ba talaga ang maitatawag niya 'don. It was like a mini mansion on top of one of the highest building in Antipolo.
The walls are actually a two way mirror, nakikita mo ang magandang manila skyline but the people outside won't even see how beautiful this place is, iyon ay kung kaya nilang i-afford ang penthouse na 'to
There is even a huge indoor pool at the other side of the place overlooking those beautiful scenery.
May malaking chandelier sa gitna ng napakalaking lugar na 'to, there is even a huge staircase papunta sa second floor where there is the room and a recreation area.
Kaya wala naman siyang problema kung pupunta siya dito pero ano nga ba ang lilinisin niya when everything is basically clean.
"Perfect! Andito ka na pala."
Napalingon isya sa may hagdanan niya at nakita niyang nakasandal ito sa may barandilya habang nakatingin sa kanya. He is giving heer a smile at mula sa kinatatayuan niya ay kitang-kita niya ang dalawang malalim na biloy sa magkabilang pisngi nito.
"Saan ang ipapalinis niyo Sir," sa nakikita naman kasi niya ay wala siyang pwede pang malinig sa labas.
"Ah, dito sa taas, akyat ka,"
Tinignan niya lang 'to para kasing sa tono ng boses nito ay parang nanguuto ito ng bata na may gusto itong ipagawa ng masama.
Pero imbes na ipakita dito ang nagsususpetsa niyang mga tnign ay inayos lang niya ang pagkakapark ng kanyang trolley saka kinuha ang mga kailangan niyang panlinis at isinukbit 'yon sa beywang niya.
Umakyat siya ng malaki at malawak na hagdanan habang ito naman ay nagaantay sa kanya sa may dulo.
"Saan dito ang lilinisin ko Sir?"
"Sa may kwarto ko."
Natigilan siya sa sinabi nito saa napatingin sa kanya. "Sir, SOP po sa mga chamber maids na wag papasok sa mga kwarto ng lalaking guest especially kung nasa loob sila ng premise."
Ang kwento kasi sa kanya ng mga katrabaho niya ay hindi iilang beses na may naireport sa assistant manager sa mga guest na nanghaharass ng mga chambermaids.
But then this hotel won't be a top class hotel kung hindi aalagaan ng mga ito ang mga empleyado. So they give out the memo to the empleyees especially sa kanilang mga babae.
"Don't worry hindi ako nangangagat."
She looks to her in disdain, at mukhang natuwa pa ito sa kanya nang makita ang itsura niya.
The guy is is either a masochist or a sadist, hindi niya alam kung bakit ganito na lang ang reaksyon nito sa kanya.
'Ni pangalan nga nito ay hindi niya alam, she refer him as Sir. Hindi na rin siya nagabala pa na tanuungin nito ang pangalan niya kaya bakit naman niya gagawin 'yon sa parte niya?
"Sir, hindi ako pwedeng maglinis ng kwarto niyo na nandito kayo."
"Okay, sa may recreation area ka na lang maglinis."nauna na itong maglakad sa kanya.
Hindi agad siya makahuma kaya ilang minuto pa ang kinailangan niya bago siya sumunod dito.
Pagkarating niya sa recreation room at gusto niyang magtaas ng kilay saka niya binalingan ang lalaki.
"Pakiayos 'yon, 'yon, saka iyon," inisa-isa nitong turo sa kanya.
Tinitigan lang niya 'to halata naman kasing ginulo lang nito ang mga 'yon para sabihin may dapat siyang linisan. And besides that? The place is already immaculately clean.
Hindi na siya nagreklamo pa saka sinimulan na niya ang trabaho niya. Narinig niya ang pagpalatak nito, siguro dahil hindi na naman nito nakuha sa kanya ang reaksyon na gusto nitong makita.
Minabuti na lang niyang seryosohin ang paglilinis niya baka may kuung ano pa ang sabihin nito at bigla na lang siyang babaan ng memo dahil sa reklamo hindi siya pwedeng matanggal sa trabaho. Hindi pa sa ngayon.
Masinop siyang naglinis, hindi na niya inintindi pa kung anong ginagawa ng kasama niya at ipinagpatuloy lang niya ang paglilinis.
Pero ganon na lang ang pagkagitla niya nang makita niya itong nakatayo sa likuran niya. Hindi niya tuloy napatatag ang tayo niya kaya nawalan siya ng balance.
Sunod na lang niyang namalayan ay ang paghawak nito sa beywang niya, with that close distance she can practically smell that like an morning dew, it reminded her of her home, but that same home is a place she can't come back right now.
Ipinilig niya ang ulo at may isa pang nakaagaw ng pansin niya. It was the fact that he is a head foot taller than her, kahit na ba sabihing matangkad na siya kaysa sa mga average na Filipina. She's already a five feet eight inches tall at ngayon lang ata ang pagkakataon na tumingala siya sa kausap.
She always makes sure there are distance between them whenever this guy suddenly call her out of nowhere.
Pero ngayon? Hindi niya magawang maisip na ganito sila kalapit sa isa't-isa. Nang ma-realize niya na nasa ganon pa rin silang pwesto ilang minuto na ang nakakalipas ay tumikhim siya at hindi niya mapigilan ang makaramdam ng pagkaasiwa.
Kung nakuha man nito ang nararamdaman niya ay wala siyang ideya pero lumayo ito ng dalawang hakbang sa kanya na kahit na papaano ay nakaramdam siya ng relief.
Huminga siya ng malalim, sa mas minabuti na lang niyang ipagpatuloy ang ginagawa niya not even bothering the puppy that seems to tailing her whenever she goes.
Mas binilisan pa niya ang kilos because she's feeling uncomfortable around him already.
Nadia Lucia
BINABASA MO ANG
My Rebellious Love
RomanceAntipatiko, iyon ang unang impression ni Lily sa pasaway na guest sa may penthouse sa hotel kung saan siya nagta-trabaho. Wala na ata 'tong ibang ginawa kung hindi ang pagdiskitahan siya araw-araw pero dahil sa hindi nito makuha ang reaksyon na gust...