TWO weeks ganon kabilis na lumipas ang mga araw para kay Lily sa totoo lang hindi man lang niya namalayan. Ang bilis ng oras hindi niya alam kung may pagkakatoan pa nga ba niyang mahabol pa 'yon.
Isa pa hindi siya sigurado kung gaano nga ba ang itatagal niya sa hotel, noong nakaraang araw ay nakita na niyang sapat na ang naipon niyang pera para magawa niyang mahanap ang tanging taong naging dahilan kung bakit nga ba siya lumuwas ng Maynila.
Sa ngayon ay may sapat nang pera ang account niya para mahanap niya ang kanyang ama. Pasamalat na lang siguro siya at libre ang board ang lodging sa dormitory ng hotel para sa mga 24/7 on call Chamber maid na kagaya niya.
Hindi na 'yon hassle sa knaya dahil wala siyang bill na kailangan niyang bayaran tuwing katapusan. Pagkain lang talaga niya ang kailangan niyang intindihin, hindi naman niya kailangan ng masasarao na pagkain at nagagawa naman niyang makatawid sa araw nang tinapay o kaya biskwit lang ang kinakain niya. Minsan ay nabibigyan naman siya ng pagkain sa hotel lalo na kung may mga events at functions 'don.
Tama lang siguro ang naging desisyon niya tungkol kay Renz hindi man niya nagawa itong kausapin kahit sa huling pagkakatoan ay mas mabuti na rin ang ganito. Balik sa normal ang buhay niya, pero tama nga bang sabihin na normal ang lahat sa kabila ng lahat?
"Lily? Lily!" napakurap siya mula sa malalim niyang pagiisip nang marinig niya ang boses ni Perla.
Doon lang niya napansin na nakatutok ang atensyon ng lahat sa kanya. Kasalukuyan siyang nasa quarters at kakatapos alng ng gawain niya kaya nagdesisyon siyang magpahinga kasabay ng mga katrabaho.
Hindi na niya alam kung ano nga ba ang pinauuusapan ng mga ito dahil ang dami kasi niyang iniisp ngayong araw.
"Bakit?" tanong niya nang binalingan niya ito.
"Kako sasama ka ba mamaya?"
"Mamaya? Bakit saan pupunta?" nagtatakang tanong niya habang tinignan siya ng mga kasama na para bang galing siya sa kabilang mundo.
Kahit si Perla ay napakamot ng ulo dahil sa kanya. "Kanina pa kami nagkakagulo dito saan ka galing?"
"Sa room Zero-Eight-twelve," aniya sa pantay na tono.
Napabuntong-hininga ito. "Gusto mo bang sumama sa'min mamaya?"
"Saan?"
"Ise-celebrate 'yung promotion ni Sir Paolo, hindi ba nakalagay 'yon board?"
Doon lang niya napagtanto na iyon pala ang pinaguusapan ng mga ito. Katulad kas ng inaasahan nang lahat nang magawang mapatunayan ang kalokohan ni Sir Jose hindi lang ito nahahrap sa isang kaso ero maging ang ilang matataas na opisyyal ng kompanya na kasabwat nito sa pagdidispalko ng pera ng kompanya.
Sandali siyang napaisip total libre naman 'yon hindi siya tatanggi isa pa sa pagkakaalala niya ay gagamitin ang kotse ni Sir Paolo at ng assistant nito para sa transpo kaya kung tutuusin ay wala siyang gagastusin.
"Oo sasama ako."
"'Yun! SIge sabihan ko na si Sir bale anim tayong sasama sa kanila. Ang karamihan kasi sa mga staff puro pamilyado na kaya ayaw na nilang sumama."
Tumango siya sa pagiimporma nito, mayamaya pa ay isa-isa nang nagalisan ang mga kasamahan niya para bumalik sa kanya-kanyang mga trabaho at siguro iyon na rin ang dapat niyang gawin.
HINDI na talaga matagalan ni Renz ang tingin sa kanya ng mga kaibigan. Daig pa niya ang isang specimen sa tapat ng microscope kung makatingin ang mga ito sa kanya. Mukha ba siyang mikrobyo sa lagay na 'to?
![](https://img.wattpad.com/cover/278532672-288-k878357.jpg)
BINABASA MO ANG
My Rebellious Love
RomanceAntipatiko, iyon ang unang impression ni Lily sa pasaway na guest sa may penthouse sa hotel kung saan siya nagta-trabaho. Wala na ata 'tong ibang ginawa kung hindi ang pagdiskitahan siya araw-araw pero dahil sa hindi nito makuha ang reaksyon na gust...