DING DONG
Narinig ni Renz na tumunog ang doorbell ng kanyang condo, but instead of waking up and open the door like a decent human being. He put his head beneath the pillow and be dead to the world.
Tatlong instances lang naman ang pwedeng may mag doorbell sa condo niya, a mail delivery, a food delivery, or si Dan. The latter shouldn't be even on his list dahil mayroon itong spare key sa condo niya.
Kilala kasi nito ang habit niya na may oversleep or siguro tamang sabihin na katamaran niyang bumangon ng maaga.
Besides he's managing the bar until Four a.m. kaya may karapatan siyang matulog ng mas mahaba at magigising na lang siya nang bandang hapon o tanghali.
Pero ang tinamaan ng lintik imbes na tumigil sa pagtunog ay parang may gigil ang kung sinong nasa labas at sunod-sunod na pinindot ulit ang doorbell.
He groaned in irritation saka bumalikwas ng bangon, isinuklay niya ang kamay sa magulo niyang buhok saka hinawi ang comforter at tumayo. Basta na lang niyang hinablot ang t-shirt na nasa sahig at hindi na nagabala pang magsuot ng pants.
Wearing a boxer and a crumpled shirt he makes his way at the door. Pinihit niya ang seradura para lang mapataas ang kilay niya nang makita niya ang isang pamilyar na bulto.
"Sandali lang parang may mali 'ata sa umaga ko," banggit niya sa sarili saka muling isinara ang pinto.
Sunod-sunod ulit na doorbell ang narinig niya para lang matanto niyang sinarhan pala niya ng pinto ang nakababatang kapatid. Sa huli wala rin siyang nagawa kung hindi ang pagbuksan ulit ito ng pinto.
"Seriously Kuya?" halata sa mukha nito ang pagkapikon pero ngisi lang ang sagot niya dito.
Sumandal siya sa may hamba ng pinto saka humalukipkip, wala siyang kahit na anong intensyon na papasukin ang isang unwanted visitor niya ngayong umaga, isa pa panira 'to sa tulog niya
"Yes seriously, ano ba kasing ginagawa mo dito? Didn't you have hotels to run, employees to command, a father to obey?"
"Don't be sarcastic, Kuya, you do know na magkapareho lang kayo ng ugali ni Papa hence the reason why you two always head butted to each other tuwing nagkikita kayo," sikmat nito.
"What? Nope I beg to agree to disagree."
Sa itsura ng kapatid niya alam niyang ito ang klase ng tao na magta-tyaga na pumunta sa condo niya ng ganito kaaga kung wala itong importanteng sasabihin.
"Would you mind na sa loob na lang tayo mag-usap?"
"Ayoko nga ang ganda-ganda ng pwesto ko dito sa hamba ng pinto tapos isistorbohin mo lang ako?"
"Kuya, I have a flight this afternoon so can't we just talk inside?"
"Aalis ka? Ingat ka, sulat ka na rin," he said while waving at his brother who is just one meter apart from him.
"Kuya," nagbababalang tawag nito sa kanya.
He groaned in annoyance saka siya tumayo ng maayos at pumasok sa loob, hindi na siya nagabala pang lumingon dahil alam naman niyang susunod ito sa kanya.
Dumiretso siya sa kusina at binuksan ang perculator, saka niya hinarap ang kapatid na nakaupo sa may kitchen island.
"Care to tell anong ginagawa mo dito when you are supposed to be in your flight?" tanong niya habang kumukuha ng mug sa isa sa mga cabinet.
"I need a favor."
"How about no," sagot niya, saka nniya pinatay ang perculator at naglagay ng kape sa tasa niya. He needed caffeine badly, ddahil kung wala langa ng kapatid niya sa harap ngayon baka dumiretso na siya sa kwarto at natulog ulit.
BINABASA MO ANG
My Rebellious Love
Storie d'amoreAntipatiko, iyon ang unang impression ni Lily sa pasaway na guest sa may penthouse sa hotel kung saan siya nagta-trabaho. Wala na ata 'tong ibang ginawa kung hindi ang pagdiskitahan siya araw-araw pero dahil sa hindi nito makuha ang reaksyon na gust...