Chapter Fourteen: Dead and Buried

70 6 8
                                    

"SASABIHIN mo na bas a'kin kung ano talaga ang nangyari?" tanong ni Renz pero hindi alam ni Lilianne kung dapat pa nga ba niyang sabihin dito ang lahat isa pa hindi nito kailangan na madamay sa problema niya.

Sa mga nangyari kanina sigurado siyang malalaman at malalaman na rin ng kanyang ama kung nasaan siya kaya kailangan niyang madaliin ang lahat ng mga dapat niyang gawin.

"Sa tingin ko hindi mo na rin kailangan pang malaman, Sir," seryoso niyang saad.

Hindi nga ba kaya mas pinili niyang wag siyang mapalapit dito ay dahil ayaw niya 'tong mapasama sa gulo niya hindi ba? Kaya bakit niya sasabihin dito ang totoo?

"Can't you just trust me just this once? Sa ayaw at gusto mo damay na ko."

Napipilan siya sa sinabi nito saka napakagat ng labi hand aba siya sa pwedeng mangyari oras na sabihin niya ang totoo? The mere fact that he will know everything just means that she can't hide anymore, neither her identity of even her feelings.

Can she really trust him? Iyon ang isang bagay na sumagi sa isip niya, all the things that happened between them these past few month suddenly flashed before her eyes.

Ah yes, no matter what happened he may be annoying but whenever she needed help he will always be there to help her.

Napabuntong-hininga siya, sa totoo lang hangga't maaari ay ayaw niyang may madamay na ibang tao sa gulo niya pero alam niyang mas lalo lang siyang mahhihirapang kumilos kung kukulitin na naman siya ni Renz.

Alam kasi niyang hindi ito titigil hangga't hindi nakukuha sa kanya ang sagot na gusto nitong malaman.

"Sasabihin ko sa'yo lahat, pero may oras ka ba?"

"Of course, para sa'yo? All the time that you need."

Huminga siya ng malalim at sa pagkakataon na 'to kasabay ng pagku-kwento niya hindi lang sa buhay niya pero maging sa nakaraan na alam niyang sooner or later kailangan niyang harapin.

6 months ago

HER mother is dead. Iyon ang tumimo sa isip ni Lilianne nang makita niya ang kabaong ng sarili niyang ina habang inihahatid na 'to sa huling hantungan. Para pa ngang nakikisama ang panahon sa kanya dahil makulimlim ang langit ilang minuto pa ay bubuhos na ang ulan.

Kahit na unti-unti nang umaalis ang mga kasama niyang naghatid sa kanyang ina sa huli nitong hantungan ay hindi pa rin niya magawang tuminag mula sa kinatatayuan.

It was then the rain suddenly poured down as if mirroring her emotions. Doon lang siya tuluyang nagising mula sa pagkatulala at kasabay ng malakas na pagbuhos ulan ay ang tuluyang pagkawala ng pinipigilan niyang luha kasabay ng pagsisisi na wala siya sa tabi ng kanyang ina.

Mayamaya pa naramdaman niyang may humawak sa balikat niya kasunod na sakob ng payong sa kanya. Nilingon niya ang kanyang ama na namumula ang mga mata pero pilit lang nitong pinipigilan na tumulo ang luha.

Wala sa sariling niyakap niya ito ng mahigpit at pinakawalang muli nag sarili niyang mga luha. Wala itong pakialam kung nababasa niya ang suot nitong itim na polo shirt at siinuklian siya ng mahigpit na yakap.

Naramdaman niya ang marahan nitong pagtapik sa likod niya, while he's having a shuddering breaths.

Hindi niya alam kung gaano sila katagal sa ganoong pwesto hanggang sa namalayan na lang niyang marahan siya nitong inikay palayo sa sementeryo, pabalik sa tahanan na wala nang ina na sasalubong sa kanya pag-uwi.

PAGKAHINTO ng sasakyan sa harap ng mansyon ay tulala pa rin si Lily sa mga nangyari.

"Lily," tawag sa kanya ng kanyang ama na si Alberto Rillorta.

My Rebellious LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon