Chapter 10

57 5 13
                                    

Dalawang araw na rin ang nakalipas, palaging hindi natutuloy ang usapan namin ni Aeolus na mag-kape sa café na 'to. Dahil, una may training sila at nag-aaral din siya sa midterms niya. Agriculture kasi ang kinuha niyang course. Pangalawa, ako rin naman ay may midterm kaya pursigido akong mag-aral at pangatlo, busy din siya kasi siya 'yung representative ng batch namin sa pagtulong mag-organize sa founders pagkatapos ng midterms.

"Thanks, kuya!" animong wika ko sa bagong guard ng café. Siya na ang nagbukas ng pintuan dahil tila ba napagtanto niya ang postura ko ngayon.

Nakasukbit sa kaliwang balikat ko ang tote bag na puno ng bohemyarn, yarn needle, scissors at iba pang kagamitan ko sa pagcro-crochet. Nasa kanang kamay ko naman ang crochet notebook patterns ko.

"You should've told me that you're full with things. Edi sana, kinuha nalang kita doon sa inyo." inabot niya ang kamay niyang nagsasabing sakan'ya na muna ang mga gamit ko para naman maka-ayos ako ng upo.

"Dala ko 'yung kotse ni daddy! Alam mo naman diba, minsan lang may tiwala sa'kin si daddy sa pagmamaneho." I stretched after giving him my things.

"What's with all of these." he raised his hand a little bit enough for me to know na ang mga kagamitan ko ang tinutukoy niya.

"Ahh, crochet materials. Alam mo ba, mom wants us to impress her with the little things we can do to make a small business. Ika nga niya, if you give a man a fish to eat this day, he'll starve the other day. But if you teach a man to fish, you'll feed him for a lifetime. Tinuturuan niya kami, since hindi naman daw forever ang luho namin and she thinks na makakatulong sa'min 'yon in the near future." mataas na paliwanag ko sakan'ya habang kinuha ang drinks na binigay ng waiter. Nag-order na pala siya.

"Atsaka, napasabi nalang ako ng it's my time to shine. Since gustong-gusto ko talaga makapag-try ng small business and do the things I love at the same time." dumating na rin 'yung mousse cake na in-order niya. Mahaba 'yung table namin, ensakto talaga for students since malalagay mo sa gilid 'yung mga pagkain and your study materials at the center.

Pinakita ko sakan'ya ang mga bagong bili kong yarns, "Ano kayang klaseng bagay ang gagawin ko ngayon?"

"I shall be your first customer, since I'm a friend. A sweater for me then with my favorite color." he bit a small bite of his donut and stared at me for five seconds.

Hindi ko alam kung sadyang umaasa lang ako or totoo talagang binigyan niya ng diin ang salitang kaibigan?

Siguro, gutom lang 'to.

"Syala naman. What's your favorite color?" I asked and sliced the mousse cake.

"Black," matapos niyang sabihin 'yon ay inilabas niya ang libro niya, maybe to study more for his midterms since rinig ko whole day sila kahapon sa training. Studious naman pala this guy.

"That's not a color." i almost choke nung tinignan niya ako. Naka-glasses ba naman! I think, it's the first time i saw him wear that. Nangwa-warshock ang Aeolus niyo.

He hissed, "Edi gray."

"Biro lang naman pero sige."

Inilabas ko nalang din ang mga gamit ko at tinignan 'yung notebook ko para masundan ko ang pattern ng sweater niya. Hanggang sa masimulan ko na ang paggawa ay nanatiling tahimik si Aeolus. Paminsan-minsan din naman akonh sumusulyap sa nag-aaral niyang postura. Napaka-amo, underestimate na nga 'yang salitang 'yan para sakan'ya eh. If only there are other words that best describes him edi sana sinigaw ko na.

Last Drop of Coffee (Lost Souls Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon