Chapter 20

37 5 5
                                    

Nakatulala sa langit na walang tala. Pagod, kirot, at sakit ang nararamdaman. Nagtatanong kung bakit pinagkaitan ng kasiyahan ang mga taong malalapit sa akin. As I sip my cup of coffee, I can't help but to think that everything happened just because of me. I can't help but blame myself for everything.

We fought to protect Aeolus and Ellie. It was also my action to protect Andromeda and Aeolus in the process. Pro-protektahan ko sila kahit masakit.

Everything also feels off at home right now, they seem to be quiet and were shooting stares to each other that I can't read. Malabo ang mga pangyayari sa bahay, it feels suffocating even. That's when we decided to ask our parents for an apartment to live like independent college girls. We thought our problem was really solved, but little did we know-it was just a start off.

Natapos ang break time namin, tinapon ko ang styro na nilalagyan ng kape at bumalik na sa kusina. Mapait ang sinapit, dahil na rin sa hindi ako sanay. Binawasan kasi ang allowance namin, kaya wala akong ibang maisip na paraan para matustusan ang kailangan namin sa bahay.

I washed the dishes as the kitchen was filled with little murmurs. Asking me the things about why I am here when I have parents that are well off, asking for my audacity of being here, laughing their ass off in the sight of me. Wala akong magawa kung hindi ang tiisin ang mga salitang sumasaksak sa akin isa-isa. I chose this path and there's no point in giving up.

Pawis at pagod ang napasok sa aking katawan. Isang hiling lang, isang hiling lang para sa sarili ko ang kailangan kong tuparin, na maging matatag.

"Fuentable! Iyong isang parte ng cr na-clog. Dalian mo diyan at linisin mo na 'yon." napapikit ako at binitawan ang mga plato. Luhang gusto nang makawala ngunit hindi kinakaya ng sariling pagod. Sinunod ko ang utos ng manager namin at pumunta na. Halos hindi ko na maatim ang amoy ng cr, hinanap ko ang panglimang cr at binuksan ito. Inayos ko na kaagad ito para matapos.

Nung natapos ko na ay nilagay ko sa basurahan ang mga gloves ko. Hinugasan ko ang aking kamay at tinignan ang repleksiyon sa salamin.

Kitang-kita sa sariling mukha ang pagod. Ang buhok ay hindi na masyadong napagatublihan, ang kamay na puno ng galos at iba pa dahil sa masyadong maraming ginagawa. May konting bukol ang aking likod ngunit hindi ko na rin 'yon pinansin. Masyadong maputla ang aking mga labi, ano mang oras ay pwede na akong maghandusay sa sahig dahil sa pagod ngunit alam kong sa sarili ko ay walang lugar ang pagod sa sitwasyon namin.

Hindi lang ako ang pagod, hindi lang ako ang nahihirapan. Wala akong nagawa nung kinailangan nila ng tulong, this is the least thing I could do for them.

Bukas na rin pala ang ball, ngunit wala pa rin akong maisusuot. Siguro susuotin ko nalang din ang mga maluma-luma kong bistida.

"Fuentable! Kinakailangan ka sa storage room! Maglinis ka raw doon." rinig ko pa ulit na sigaw ng manager namin na ginatungan naman ng tawananan ng ibang mga kapwa empleyado.

Papalabas na sana ako habang bitbit ang napakabigat na timba at mop nung may babaeng lumapit sa akin, hindi ko siya kilala, ngunit paano ko naman din makilala sila lahat dito eh pangalawang araw ko pa lang,

"Halika, tulungan kita riyan. Hindi ko alam kung paano nila nakayanang tawanan ka." I looked up to her, sinimangutan niya ako habang binigyan ko siya ng walang buhay na ngiti.

"Bakas sa mga mata mo ang pagod, tara na. Tulungan na kita." maliit lang naman ang salitang binitawan niya sa tonong mahimbing na para kang pinapatulog sa kalma ngunit napatulo pa rin ang aking mga luha.

"Huy, hindi naman kita pinapaiyak ah?" pabirong usal niya at iwinaksi ko naman ang luhang lumalabas sa aking mga mata.

"Iyong mga salita mo kasi, 'yon ang kinakailangan kong marinig sa araw na 'to, pasensya na." matapos kong sabihin iyon ay lumabas na kami.

Last Drop of Coffee (Lost Souls Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon