"Boo!" sigaw ni Rain sa harapan ko, I just rolled my eyes at him. Wala akong energy sa gulat.
"Laki ng problema ah, nasunugan ka ba ng fish pond?" he asked, tinignan ko naman siya, a look that's asking 'seriously?'.
"Sabi ko nga, tatahimik na." inayos niya ang upo niya at natulog na. Iniharap ko naman ang sarili sa bintana. Ngayong araw na ang contest, I joined journalism. I don't know if other schools has this one, pero halos lahat ng paaralan sa Gravialles ay mayroong ganito.
The sky is gloomy, and so was I. Dagdag pa na I'm not at home to celebrate Nai's monthsary. But, deep inside, it was more.
I'm not sure why, but there's a lot going on in our family. I just couldn't linger my hands in it. Sure, nakikita ko ang mga ganito sa palabas. But we couldn't deny the fact na nangyayari rin ito sa totoong buhay. Mistress, Secrets that could ruin every single branches in the tree, and dirty schemes. Lahat ng iyan ay nasa mundong ito.
If you're not lucky enough you might experience those three things all at once... sadly, let's just say, I'm not friends with the person named lucky.
"Kanina ka pa tulala ah." Rain stopped slouching and faced me with a curious expression.
"Akala ko ba matutulog ka?" pag-iiba ko sa usapan. Hindi pa rin nawala ang mata niya kakatitig sa akin.
"Paano ako makakatulog eh sinisipa mo paa ko??" sarkastikong sagot niya at inirapan ako. Ang taray niya ngayon ah, bigla ba siyang nagkaroon ng period? Guys are so dramatic.
"Sorry na nga, you could've said it earlier." I said as my brows furrowed... Nakatingin pa rin sa gawian niya.
"Excuse me? Kanina pa kita tinatapik, kung hindi pa ako nagsalita edi lumipad ka na sa ibang planeta." dramatic niyang saad sa akin at tinalikuran ako para matulog siya.
Tinignan ko naman ang mga tao sa loob ng bus. I just wish Drome was here, wala akong support system. Nasa contest din siya, at alam naman naming lahat na sa lahat ng plataporma niyang sinasalihan, mas magaling siya sa sayawan.
Sa pagkaka-alala ko, sa paaralan ni Laurei gaganapin ang contest. Hindi naman ito malayo sa amin, pero nakabus pa rin kami. Hindi ko na nga naaalala 'yung pangalan ng school nila. I've been forgetting something this days. Siguro out of stress nalang din.
Gusto kong malaman ang tinatago ni Momita. Sa sobrang pagka-secretive niya ay kahit background niya ay wala akong masyadong alam. Dinidistansya niya rin ang sarili niya sa'kin, which is more suspicious. Unang-una, kung titignan lang natin sa perspective ni Tita Isabella, mapapatanong ka talaga kung bakit niya nagawa iyon ng mismong sarili niyang ina. A child deserves a parent, a mother rather. But sometimes, parents doesn't deserve a child.
Pangalawa, anong connection ni Mommy at Tita Abenzuella sa problema nilang mag-ina? It's just weird that none of the puzzle adds up. Parang may kulang. Pangatlo, bakit ang laki ng galit ng nanay ni Aeolus sa Tita ko? Eh hindi naman sila malapit.
Maybe, malapit sila a little bit. I remembered a few memory, may kinalaman si Tita sa Daddy ni Aeolus. But it still doesn't add up. Kasi ang laki ng respeto ni Tita kay Tito Kasseo. Impossible namang kabit ni Tito si Tita, eh matagal nang wala si Tito.
I also remembered, hindi pala malapit si Aeolus at Drome sa nanay nila. Bakit kaya??
I rested my thumb on my chin. Sa kakaisip ko sa mga problema sa bahay eh mukhang puputok na ang utak ko sa mga impormasyong wala namang sagot kahit anong isip ko. Pinalaki talaga akong overthinker.
"Mahal na princess, nandito na po tayo. Maya ka na magmuni-muni riyaan. The contest will start later on, sige ka baka 'di ka pa manalo.
I just shrugged him off at iniwan siya.
BINABASA MO ANG
Last Drop of Coffee (Lost Souls Series #1)
ChickLit[COMPLETE] Akala ay kimkim na ang kalayaan, ngunit patuloy pa rin pala sa pagkalunod. Dahan dahan, pilit ibinabalik sa acidong minsan na ring naging rason ng poot at pagkawasak. With the Last Drop of Coffee, considered hope, one doubtful question c...