Steven's POV:
Maaga akong nag jogging sa labas upang makalanghap ng preskang hangin at para na rin makabawi sa mga oras na sinayang ko magmula nang mag-break kami ni Aisha. I will move on and move forward for the best of me.
While doing this, naalala ko ulit ang mga sinabi sakin ni Abegail. She's so nice. Ewan ko ba kung bakit nung time na yun nang magkasama kami biglang gumaan ang loob ko sa kanya. I know she is the bestfriend of my ex-girlfriend, at mag-kaklase silang dalawa on the same University na aming pinag-aaralan. Minsan ko lang nakikita dati siya with Aisha. We're never even close yet at that time.
Napahinto na ako sa pag-jojogging sa sobrang pagod. Then, nagpahinga muna ako sa may tabing waiting shed. I live in a small village. Malapit lang naman ang bahay namin mula rito. Kinuha ko ang panyo ko at nagpahid muna ng noo ko. Pinagpawisan tuloy ako sa kakajogging.
Its been 6:40 am in the morning. The sun is rising. Mabuti na rin at dala ko ang backpack ko na may lamang isang mineral water at agad na ininom ito.
Tumayo na ako at agad na naglakad pauwi sa amin.
Nang makauwi na ako, tumawag sa akin si Abegail at niyaya akong mamili kasama ang bunsong kapatid niya. Di ko naman tinanggihan ang paanyaya niya kaya sumunod ako.
Nag-meet ulit kami sa may city. Kasama niya sa pamamasyal ang kanyang maliit na bunsong babaeng si Lessy.
"Saan tayo mamimili ngayon?" I ask her.
"Dun na lang kaya sa mall," sagot niya.
"No, ate. Gusto ko sa Divisoria," sabat naman ng bunso niya.
"Lessy, ang dami doong tao. Punuan doon kaya matatagalan tayo bago makalabas doon," sagot naman niya sa bunso niya.
"No. Gusto ko doon," pagpupumilit ulit ng kanyang bunso na may halong pagtataray.
"Oo nga Lessy, tama ang ate mo. Mukhang matatagalan tayo bago makalabas doon." sabi ko naman.
"Ate siya ba ang boyfriend mo?" tanong niya na agad naming ikinagulat.
"Ah hindi, bunso. Kaibigan ko lang siya. You can call him, kuya Steve."
"Ate isusumbong kita kay mama. You're a liar. May boyfriend kana pala," diin niya.
"Lessy," mahinang saway ni Abe sa bunso, "quiet. Pag di ka tumigil di na kita isasama sa susunod."
"Ehh.." pagtataray ni Lessy sa harap namin. Natuwa ako sa inasta ng bunso niya.
"Hayaan mo nalang siya muna," sabi ko.
Sabay na kaming pumunta sa may SM Megamall para mamili ng mga kakailanganin nila.

BINABASA MO ANG
My Legit Love For You
RomanceTrue love is unexpected. You will find it at the right time and the right place. The right person is a gift from above that should be kept precious. Find out who's the one that got away and the one that loves legitimately in this story. WARNING:⚠️ P...