𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 9 (𝑻𝒉𝒆 𝑹𝒆𝒕𝒖𝒓𝒏 𝒐𝒇 𝒕𝒉𝒆 𝑷𝒂𝒔𝒕)

102 51 0
                                    

Lumaki sa States si Abegail magmula nang dalhin sila ng kanilang mga magulang doon upang makapagpatuloy sila ng kanilang pag-aaral kasama ng bunso niyang si Lessy.

Sa loob ng halos limang taon, agad niyang natutunan ang mag-isa nang wala sa tabi niya ang lalaking ginusto niyang mahalin. Subalit dahil sa paghahadlang ng kanilang mga magulang at dala ng komplikadong relasyon ng dalawa, hindi ito natuloy.

Nagkaroon ng bagong manliligaw si Abegail, si Ariston, at ito ay nagustuhan naman ng kanyang mga magulang. Ngunit ang hindi nila alam ay patuloy pa ring umaasa siyang muli silang magkikita ng taong panandalian niyang minahal - si Steven.

𝐀𝐛𝐞𝐠𝐚𝐢𝐥'𝐬 𝐏𝐎𝐕:

"Ma'am, Abe, may naghahanap sayo sa labas," aniya ni yaya Tasing.

"Sino po yung bumisita, yaya Tas?"

"Yung isang lalaki. Marahil boyfriend mo yun," ang sagot niya.

"Ah, si Aries po ba? Hindi ko pa po siya boyfriend, yaya," ang sagot ko naman na may kaunting tuwa sa sinabi ni yaya Tasing.

"Naku, pasensiya na, ma'am. Napagkamalan ko pa siyang iyong kasintahan."

"It's okay po."

Pumunta ako sa ibaba at binuksan ang pintuan at saka hinarap si Aries.

"Good morning, my dear lady," ang pambungad niya sakin habang may itinatago sa likod niya na tila isang mahalagang bagay.

"Same. Why have you been here?" tanong ko sa kaniya.

"Of course, para bumisita sa'yo."

"Ganun lang?"

"Oh teka, lang. Ba't parang ang sama ng mood mo this morning? Ano ba ang nangyari?"

Napabuntong-hininga na lang ako. Actually, I really don't know what to do kung paano makakalayo sa kanya. I don't like Aries. I know he's not the kind of guy that I wanted to be. Kung hindi lang dahil sa mga magulang ko, matagal na sana akong nakabalik sa Pilipinas.

"Aries, di ba ilang beses ko nang nasabi sa'yo: we're just friends. Can you please understand me?" ang tahasang sabi ko sa kanya.

"But, but our parents agreed for both of us, isn't it?" He asked me with much confusion.

"I know. Pero -"

Tumalikod ako sa kanya upang bumalik sa loob dahil sa sama ng loob nang damputin niya ang kaliwang kamay ko at pigilan ako bago siya nagsalita.

"No."

Humarap ako ulit sa kanya at binitawan ang kamay ko saka siya napabuntong-hininga at napailing. Agad siyang may ipinakita sakin na isang papeles.

Napakunot ng noo ako sa ipinakita niya.

"Para saan iyan?" ang tanong ko sa kanya.

"Here. Please grab it." ang utos niya habang iniaabot sa akin ang papeles. Kinuha ko ito sa kanya at binasa.

"Boarding Pass ito ah," tugon ko.

"Yes, Abe. Nakapagpre-booking na ako last day. Makakabalik na tayo sa Pilipinas," ang natutuwa niyang reaksiyon. Napatanaw na lang ako sa kanya nang hindi ko alam kung matutuwa ba ako o hindi sa narinig ko?

Nang makauwi na sina mama at papa, agad ko silang kinausap patungkol sa pagbabalik sa Pilipinas.

"Yes, hija. You can return to the Philippines. We agreed with your father to go back there. We know na sobrang namimiss mo na ang Pilipinas, at dahil sa malaki ka na, naisipan namin ng papa mo na bumisita doon," ang masayang sinabi sa akin ni mama.

Halos maluha ako sa aking narinig matapos kong malaman ang katotohanang ito. Finally, makakabalik na ako sa amin!

Napatakip ng baba na lang ako at napahikbi ng kaunti sabay nang pagyakap kay mama bilang pasasalamat sa naging tugon nila ni papa.

"Maraming maraming salamat talaga Ma, Pa," ang naluluhang sagot ko sa kanila na may halong ligaya.

Matapos nito, sinabi nila sa aming dalawa ni Lessy na makakablik na kami sa Pilipinas next week. Kung kaya, nilubos-lubos na namin ang pamamasyal bago pa man kami magligpit nang aming dadalhin.

Isang gabi bago pa man kami bumiyahe, lumapit sa akin si mama at sinabihan ako, "Anak, mag-ingat kayo doon. I asked Aries to take care both of you with Lessy. Siya na ang bahala sa inyong flight."

Nagulat na lang ako sa sinabi ni mama.

"Ma, I thought kaming dalawa lang ni Lessy ang babalik doon, but why joining Aries?"

Hinawakan niya ako sa aking mga palad.

"Hija, I know that Aries will protect you. He's your right one, your boyfriend -"

Hindi pa man siya nakatapos nang pagsasalita nang sumabat ako:

"No! No, Ma. I'm so sorry but I don't like him," ang sagot ko nang sa di inaasahan ay agad niya akong sinampal sa kabilang pisnge. Dinampi ko iyon at napahikbi nang kaunti.

Imbes na humingi siya nang paumanhin ay patuloy niya akong pinagsalitaan ng masama at binalaan na hindi ako makakabalik ng Pilipinas hanggat hindi ako pumapayag na sumama si Aries.

"Sa ayaw mo at at sa hindi, sasamahan kayo ni Aries pabalik ng Pinas. You will be with him no matter what you do," ang galit niyang sinabi sa akin at agad na umalis sa harap ko. Patuloy akong umiiyak nung sandaling iyon habang nakatingin naman si Yaya Tasing sakin at naawa.

My Legit Love For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon