𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 5 (𝑨𝒏𝒐𝒕𝒉𝒆𝒓 𝑴𝒐𝒎𝒆𝒏𝒕𝒔 𝒐𝒇 𝑩𝒐𝒏𝒅)

147 51 3
                                    

Abegail's POV:

It's been Saturday in the morning. Ginising kaagad ako ni Lessy when she's trying to call me and telling me that Steve is calling by my phone. Tumayo ako kaagad sa higaan ko at kinuha sa kamay niya ang phone at saka umalis.

"Oh, Steve, ba't ka napatawag?"

"Can we talk personally?"

Aba ang aga ganun agad ang naisip niya. Ano naman kaya ang balak niyang gawin?

"Sure. Where do we meet again?"

"Doon sa Park."

"Okay, what time?"

"This afternoon," he answered.

Matapos naming mag-usap, nagpaalam ako kay Mama Len para makipag-meet ulit kay Steve nang kami lang dalawa. Naghanda na ako ng aking susuotin at nagpaganda.

Makalipas ang ilang oras, umalis ako kaagad at sumakay sa may taxi papunta sa lugar na pagkikitaan namin ni Steven.

"Bayad po, Manong," sabi ko sa driver at nagbayad agad. Lumabas na ako ng taxi at agad na naglakad papasok ng Park at ilang saglit pa'y nasilayan ko si Steve sa may tabi ng Park na nakaupong mag-isa. Nilapitan ko siya kaagad at kinawayan.

Steve's POV:

I was walking at the park right now and waiting for Abegail. I can't wait to see her again. Di ako mapalagay sa ilang magdamag na kakaisip ko sa kanya. I can't understand what I feel but I think this is what they called "love". Masaya na ako na makita siya kahit sandali. Natutunan ko na rin ma makapag-move on because of her. Gusto ko lang siya makausap ulit to clarify her that my feelings with my ex was already gone.

Ang daming tao ngayon na nasa Park. Maganda ang panahon at medyo mainit. Maingay ang paligid at maraming nagsisitakbuhang bata na naglalaro at mga namamasyal na magkakapamilya.

Nagpadala ako kaagad ng text message kay Abe para malaman niya kung nasaang banda ako ngayon. Napaupo ako saglit sa may tabing sulok. Ilang sandali pa ay may nasilayan akong isang magandang dalaga na nakadamit ng kulay asul. Napakasimple niyang tignan. Siya nga yun - si Abegail.

Papunta na siya sa kinaroroonan ko.

"Hi, mister gwapito," she calls me. Napalaki na lamang ang mata ko sa kanyang angking kagandahan na ngayon ko lang talaga na realize ng lubusan.

"Ang ganda mong tignan sa suot mo," sabi ko na lamang sa kanya. Napatawa siya ng mahinahon.

"Haha naku bolero ka talaga," sabat niya sakin sabay tapi sa pisnge ko.

"Totoo naman talaga na.."

"Maganda ako?"

"Yeah."

"Haha. I know what's on your mind." Grabe, ang dami niyang alam.

"Ano ang alam mo?" I asked her.

"Mamaya ko na lang yan sasagutin. Tara pasyal mo na tayo at maglibang," masayang tugon niya at sabay na hinawakan ang kabilang kamay ko.

Naglibot kami sa ilang sulok ng Park at naglibang sa mga tanawin. Niyaya niya rin akong sumakay sa riding horse at saka nakipaglaro sa may peryahan. Sumakay din kami ng ferris wheel kahit na medyo matatakutin ako sa taas pero kinaya ko naman dahil kasama ko siya.

Matapos nito, bumaba kami at nagpatuloy sa pamamasyal sa may ibang parte ng malawak na sulok ng Park.

"Steve, bili tayo ng fishball," paanyaya niya sa'kin. Agad siyang bumili ng fishball na tig-iisa sa aming dalawa.

I can't believe this na siya pa ang lakas loob na nakipag-treat sa akin ngayong ako naman ang talagang nag-anyaya sa kanya na mag meet kami today.

Matapos kaming mamasyal, naglakad na kami palabas ng park.

Tinanong ko siya kung ano ang pakiramdam niya habang namamasyal kaming dalawa.

"Masaya ako. Siyempre niyaya mo akong makipag-bonding tayo dito," ang sagot niya.

"Grabeh ka talaga. Ikaw pa yung nag treat sa'kin sa ilang oras nating pamamasyal haha," matuwang sinabi ko naman sa kanya.

"Naku, alam ko naman na walang laman masyado ang pitaka mo kaya napilitan ka lang na tawagan ako para samahan kang mamasyal haha."

"Uyy, hindi ganun yung motives ko," ang tugon ko naman.

"Ayan ka naman. Mag-dedeny ka pa," sabi niya.

"No. Promise. I have something to tell you." Napatigil kami saglit sa paglalakad. Humarap siya sa'kin at tinitigan ako sa mukha.

"Kung ganun, why did you urged me to meet you?" she asked seriously while looking in my eyes.

"Well, I'm here with you now because I just want to talk to you and clarify that I was already move on with Aisha," paliwanag ko sa kanya.

"Really? Are you sure sa sinabi mo?"

Napabuntong-hininga lang ako nang kunti at sabay na naghalukipkip.

"Oh, ba't parang natigilan ka? Hindi ka siguro sure talaga, ano?"

"No. I was trying to forget her and do something na makapag-move on na talaga but.."

"Dahil ano? Mahal mo pa ba siya?" tanong niya sa akin ng masinsinan.
Hindi ako makatingin sa kanya sa sobrang hiya.

"Tell me, Steve. Do you still love her?" she asked me again.

"I don't know. But I think I think.."

"Tumingin ka nga sakin!" she exclaimed at sabay na kinapa ang magkabilang pisnge ko at nagkatitigan kami, "tell me, kung mahal mo siya, then why did you call me instead of her?"

"Abe," mahinahong tugon ko. Hinawakan ko ang mga kamay niya na nakadampi sa aking magkabilang pisnge at saka nagsabing, "I'm really sorry."

"Stop it!" napasigaw siya bigla at saka umatras ng kunti sa akin at napatakip ng bibig. Nahalata ko ang biglang pagpatak ng kanyang mga luha at mahinahong hikbi.

"Abe, are you okay?" napatanong na lang ako habang sinasadya kong lapitan siya.

"Wag kang lumapit. I know that you still love her. Di mo man lang talaga naisip o nadama kung bakit pumapatak ang mga luha ko ngayon sa harapan mo," naluluha niyang sagot nang may halong kinikimkim na kirot.

"Let me explain, please," sabi ko sa kanya ngunit binaliwala niya lang.

"Thank you for the short time of our bonding. Diyan ka na." Huli niyang sinabi sa'kin at agad na umalis sa harapan ko nang umiiyak.

"Abe, wait. Let me explain," pahabol ko at saka agad siyang sinundan ngunit pumara siya sa isang taxi at agad na pumasok doon. Kaagad na umalis na siya at iniwan akong mag-isa.

I'm so very disappointed by what I've done. Napunta sa wala ang nais ko sanang sabihin sa kanya. Kung ano ang totoo kung nararamdaman.✍️

📚📚📚📚📚📚📚📚📚📚📚📚📚📚

Huli na ba talaga ang lahat kena Steven at Abegail? Ano ang mangyayari sa kanilang pagkakaibigan? Mauuwi nga ba ito sa kawalan o magpapatuloy hanggang sa kailanman? Abangan.

Don't forget to support this story, guys, by leaving your comments, votes and share.♥️ Salamat sa pagbabasa.

My Legit Love For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon