𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 7 (𝑻𝒉𝒆 𝑪𝒐𝒏𝒕𝒆𝒔𝒕)

102 51 0
                                    

Makalipas ang limang taon..

Nakatungtong ng kolehiyo si Steven. Kumuha siya ng kursong Music Education kasama ng kanyang mga naging barkada.

Dahil sa paglipas ng panahon, nawala na rin sa kanyang isip ang mga nakaraan sa kanya. Itinutok niya ang kanyang isip sa mga bagay na makakapagpasaya sa kanya upang makalimutan ang kanyang masakit na nakaraan.

Minsan, habang siya'y naglalakad, nakasalubong niya si Drew na isa sa kanyang matalik na kaibigan.

Steven's POV:

"Bro, may good news ako sayo," ang masayang pabungad sakin ni Drew.

"Oh, ano naman yun," kunot-noo kong tanong sa kanya.

"May gaganaping Local Songwriting Competition next week dito sa atin!! It's time for us to shine! Whoah!" ang nakakagulat niyang sinabi sa akin sabay nang malakas na hiyaw.

Kumunot na naman ang noo ko at nagtataka sa kung ano ang ibig niyang sabihin.

"Teka, teka nga. Ano ba ang pinagsasabi mong Local Songwriting Competition na yan?" ang tanong ko sa kanya bago siya huminahon. Lumapit siya nang kaunti at hinawakan ako sa magkabilang balikat.

"Bro, matagal na natin itong hinihintay di ba? We're just waiting it for a long time. So heto na nga!" ang paliwanag niya sakin.

"Ang ibig mong sabihin, sasali tayo sa sinasabi mong contest?"

"Yeah! Of course," ang tugon niya. Napailing na lamang ako at napabuntong hininga sa pag-iisip ng malalim.

"Oh, ano naman ang problema, bro? Ba't ang lalim ng iniisip mo?" tanong niya sakin.

"Bro, mukhang hindi ako bagay diyan. Nag-aaral pa lang tayo ng music di ba? Ano naman ang ipanglalaban natin diyan? Isa pa, busy ako ngayon sa mga projects natin," ang paliwanag ko sa kanya, "Sige bro, mauna na ako," aalis na sana ako nang pigilan niya ako ulit.

Napabuntong-hininga rin siya nang kaunti at sinabi sakin, "Sige, ganito na lang, bro. Pag-isipan mo muna yan. I will give you time para makapag-isip. I know magaling ka sa musika. Isa pa, malaki rin ang premyong makukuha natin kapag tayo ay nanalo."

Umuwi na kami matapos ng aming pag-uusap.

Dumating ang gabi at hindi ako halos makatulog sa pag-iisip kung papayag ba ako sa pabor ni Drew na sumali ako sa Songwriting Contest.

Nang magbukang-liwayway, agad akong ginising ni mama para mag-ayos at magligpit.

"Bumangon kana diyan, baka mahuli ka sa klase mo," ang paalala sakin ni mama saka ako napabangon ng higaan. Kinapa ko ang wristwatch ko at tinanaw kung anong oras na ba.

Napamura na lang ako ng bahagya nang makita kong mag-aalas-sais na ng umaga kung kaya't kumaripas ako at napabangon sa higaan ko.

Hindi na agad ako nakapag-kape sa bilis ng oras. Kaya't kinuha ko na lang ang tuwalya ko agad na naligo.

Ilang minuto ang nakalipas, habang nagbibihis ako ng damit, nakita ko na lamang sa may tabing sulok ang gitara ko, si Hero. Sumagi ulit sa isip ko ang paanyaya sakin ni Drew.

"Ano kaya kung tatanggapin ko ang alok niyang sumali ako sa contest?" ang nasabi ko na lamang sa aking sarili.

Kaagad ko siyang tinawagan at ipinaalam sa kanya ang naging sagot ko sa kanyang paanyaya.

My Legit Love For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon