𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 10 (𝑵𝒆𝒘 𝑩𝒆𝒈𝒊𝒏𝒏𝒊𝒏𝒈𝒔)

66 33 0
                                    

Abegail's POV:

Sa wakas nakasakay na rin kami ng eroplano kasama ang bunso kong si Lessy. Pero nababagot ako dahil kasama ko ang taong hindi ko naman talaga ginustong makasama. Kung hindi lang dahil sa pagpupumilit ni Mama, sana masaya akong makakauwi ng kami lamang ni Lessy.

"Babe, do you like to eat junk foods?," ang sabi niya sakin habang inaabot ang isang pack ng chichirya.

"Thanks. Ayoko. I'm not feeling hungry right now," ang sabi ko na lamang sa kanya na para bang nawalan ako ng mood.

"Your mommy told me to take care with you. You must obey me because I will be your boyfriend!" ang sinabi niya na may halong kaunting sigaw at pagkainis.

Aba siya pa ang may ganang pagsabihan ako ng ganiyan.

"Who do you think you are na magsabi sa'kin ng ganiyan, huh? We're not yet a lover, tandaan mo iyan," ang sagot ko naman sa kanya. Pati ako tuloy ay nainis na rin sa kanyang pagpupumilit sa akin.

"Okay. Bahala ka sa sarili mo," ang tugon niya at saka kinalas ang seatbelt niya at umalis papunta ng restroom. Inirapan ko lang siya at hindi na pinansin.

"Ate, nag-aaway po ba kayo ni kuya Aries?" ang malumanay na tanong sakin ng bunso kong kapatid.

"No. I'm just telling her to not intercede with my decisions," ang sagot ko sa kanya na may halong ngiti at saka kinabig ang kanyang bangs.

"Mahal mo po ba siya, ate?"

Bigla na lang napatahimik ako sa kanyang tanong at saka umayos ng pagkakaupo ko. Tinitigan ko ulit ang bunso ko at ngumiti sa kanya ng kaunti.

"Alam mo bunso ang bata mo pa para magtanong ng ganiyan sa'kin. You will never understand how to love in this matter. Buti pa maglaro ka muna ng offline games diyan," ang paliwanag ko sa kanya. Hindi na siya kaagad pang nagtanong at binaling na lang ang kanyang atensyon sa kanyang Android phone at naglaro.

Nahihiya man akong sabihin pero alam ko na gusto niyang malaman kung mahal ko talaga si Ariston. But the truth is I don't really like that guy. One person is still in my mind - that is Steven Emerson.

Lumipas ang mahigit sa apat na oras nang makalapag ang eroplanong sinasakyan namin sa NAIA Terminal at doo'y lumabas na kami kaagad.

"Welcome home!" ang masayang bungad ko habang pababa ng eroplano kasama sina Lessy at Aries.

Kinuha na namin ang aming mga bagahe at saka naghintay sa labas ng terminal upang sunduin kami ng aming grab taxi.

Makaraan ang ilang minuto, dumating na ito at saka kami sumakay. Nakakapagpanibago ang araw na ito dahil matagal na rin akong nawalay sa Pilipinas at sobrang na-miss ko ulit ang pamamasyal kasama ng mga matatalik kong kaibigan.

Nang makarating na kami sa aming bahay, sinalubong kami ng aming mga kasambahay at ilang katulong na may masayang pangangamusta sa amin.

Napakasaya ko ngayon dahil nakabalik na kami sa aming bahay. Dahil dito, maipagpapatuloy ko na ang mga pangarap ko sa buhay at ang pagkakataong muling makita si Steven.

Naalala ko siya muli. Kumusta na kaya siya ngayon? Mayroon na kayang nagpapatibok ng puso niya?

ITUTULOY..📖

My Legit Love For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon