𝑷𝒓𝒐𝒍𝒐𝒈𝒖𝒆

165 51 3
                                    

[Steven Kyle Emerson POV:]

"Babe, wag mo naman akong iwan, please," mangiyak-ngiyak na pakiusap ko sa aking girlfriend na si Aisha.

"Sorry to say Steven, but I decided to break up with you," ang huling sambit niya bago siya tumalikod sa'kin. Batid ko sa mukha niya ang sakit dahil na rin sa desisyon niya. Subalit hindi niya batid na ako ang mas nasaktan sa aming dalawa.

"Are you willing to end our long time relationship for those stupid things, ha?" Sabi ko habang naghihintay lang sa kanyang sasabihin.

"As I said, we're done. So wag mo na akong pilitin sa gusto mong mangyari," sagot niya habang pilit na pinipigilan ang pagbuhos ng mga luha sa mata niya.

"Please, babe, pag-usapan natin 'to ng maayos," pagsusumamo ko sa kanya. Aalis na sana siya subalit pinigilan ko siya at hinablot ang kamay niya.

"Please, I begged you to stay with me, babe," mangiyak-ngiyak kong pagsusumamo. But hindi man lang siya tumingin sa'kin.

"Please, let me go," she said. Iwinasiwas niya ang kamay niya at kumalas sa pagkakahawak sa kanya at agad na umalis papalayo.

"Babe!" Pahabol ko. Hindi man lang niya ako narinig. Doon na siya tuluyang lumayo sa paningin ko.

Sobrang sakit! Sobrang sakit ng ginawa mo sakin, Aisha. Bakit mo ako ginanito? I really thought that you are the one for me. But what I have done for you? Why did you leave me?

Napaupo ako sa may tabi at patuloy lang sa pag-iyak. Ibinuhos ko ang lahat ng sakit na nadama ko.

I am a man and I am strong but what is it? I don't want to be look like a coward!

Umuwi ako na sobrang tamlay at walang sigla.

My Legit Love For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon