Abegail's POV:
Napasubsob ako sa may higaan ko at dama ang kirot sa bawat pagpatak ng aking mga luha habang umiiyak ako. This is the first time in my life na umiyak sa isang lalaki. Sh*t sayo ko pa nadama ito, Steve. I really thought you will like me too, you will learn to love me. But still you love Aisha. Am I really wrong sa pagpili ng tulad mo? I hate you, Steve! I'm crying all along tonight because of you.
Ilang oras ang lumipas at nakatulog na lamang ako ng di ko namamalayan. Nag-ring ang mobile phone ko at agad na tinignan kong sino ang tumatawag.
[Steven's calling...]
Hindi ko sinagot ang call niya at hinayaan ko na lang yun. I feel angry with him.
Makalipas ang ilang minuto, tinawag ako ni Mama Len para maghapunan saglit. Ngunit tumanggi ako dahil wala akong ganang kumain.
"Anak, bakit ayaw mong kumain? Ano ba ang problema?" tanong ni Mama Len sa'kin. Umiwas lang ako ng tingin sa kanya para hindi niya mahalata ang namamaga kong mga mata sa kakaiyak.
"Tumingin ka nga sakin," sabi niya sabay dampi sa mukha ko, "umiiyak ka ba?"
"Huh? Hindi po, Ma,"
"Naku, wag ka na magsinungaling. Halata ko na yan."
"Ma, hindi ako umiyak. Napuwing lang ako," pagdadahilan ko sabay kusot ng magkabila kong mata.
"Wag mo nang ilihim sakin yan. Sa dalaga mong yan halata kong may nagpapaiyak na sa iyong lalaki," mariing paliwanag sa'kin ni Mama Len.
Dahil sa kakapilit niya sa'kin, umamin na lang ako nang totoo. Masuwerting hindi siya nagalit sa pag-amin ko na nagkaroon ako ng pagmamahal sa isang lalaking hindi rin nadama ang pagmamahal na gusto kong ibalik sa kanya.
Ipinaliwanag sa'kin ni Mama Len na huwag muna akong tumutok sa mga bagay na patungkol sa pag-ibig habang nag-aaral pa ako.
"Dahil sa ginawa mong iyan, I will call your father na dalhin ka na muna sa States para doon ka magpatuloy ng pag-aaral mo ng Music," ang seryusong paliwanag sa akin ni Mama na ikinagulat ko naman.
"Naku, wag, Ma. Promise, magpapakabait na po ako. Di ko na po kayo sasawayin basta wag mo lang akong dalhin sa States," ang pagsusumamo ko sa kanya dahil ayokong umalis sa Pilipinas.
"Buo na ang desisyon ko. Sa ayaw mo at sa hindi, ganyan na ang aking pasya. I will call your father Anthony para doon kayo papag-aralin ni Lessy sa Amerika."
"Ma..." pagsusungit ko para pigilan siya.
"Wala nang exit, exit. Bukas din ipapa-process ko na ang papeles para sa inyong flight ng bunso mong kapatid at para maka-transfer na kayo sa States next week," ang paliwanag ni Mama na talagang hindi ko na mapigilan.
Talagang buo na ang pasya niya. I will leave this house, and this country. But my heart was suddenly relieved dahil na rin makakalayo na ako kay Steven at sa magulo kong mundo.
Makalipas ang isang linggo, nagsimula na kaming mag-impake ng aming mga dadalhin. Nang sumunod na araw, agad na akong nagsimulang magpaalam sa mga kaibigan ko at kaklase. Masaya nila akong niyakap nang mahigpit at maluhang nagpaalam sa kanila.
"Hanggang sa muli, Abe. Take care yourself. We will miss you here," ang malungkot na huling pagbati at pamamaalam ng mga kaklase ko.
Pinilit kong ngumiti sa harap nila sa kabila ng kalungkotang aking nararamdaman ngayong aalis na ako sa tabi nila."Guys, don't cry. Hehe Di naman ako mamamatay eh. Babalik din naman ako balang araw," ang pabiro kong sinabi sa kanila upang mahawi ang lungkot nila. Dumating ang araw ng Biyernes nang magpaalam na ako kay Mama Len na maiiwan dito sa amin. Nagpaalam na rin ako sa mga kasambahay namin.
Bago pa ako makalabas ng aming bahay, pinalitan ko na ang aking simcard at phone number upang makalimutan ko na ang aking nakaraan na puno ng kalungkotan. Ayoko na ring maalala si Steve. Lubusan ko na siyang kakalimutan.
I'm very sorry. Mas gugustuhin ko pang umalis kaysa masaktan lang sa piling mo, Steve.
Sana makahanap ka ulit ng totoong magmamahal sa'yo.
Nasa NAIA Terminal na kami kasama ng bunso kong si Lessy.
"Ate, na-mimiss ko na si Papa Anton," ang masaya niyang sinabi sa akin habang hawak ang kamay ko at papasok na kami ng airport.
Muli kaming nagpaalam kay Mama Len at saka umakyat na ng eroplano.
Steve's POV:
Habang nasa kalagitnaan kami ng klase, biglang nag vibrate ang Messenger ko at nakita ko kaagad ang mensahe ng schoolmate kong si Dexter:
"Pre, nakapagpaalam ka na ba kay Abe?" ~ Dexter.
Nagpaalam?
"Si Abegail? Bakit ano ba ang nangyari?"
"Oo. Naku, pre, huli kana sa balita o baka di ka lang talaga update HAHA." ~ Dexter.
"Seryuso to. Ano ba ang nangyari? Nasaan si Abegail, pre?"
"Hay naku, pre, ngayong araw na ang flight niya papuntang Amerika. Balita ko nasa NAIA siya ngayon." ~ Dexter.
"What!!???" napasigaw na lang ako bigla at sabay na nagsitinginan ang mga kaklase ko sa akin.
"Mister Emerson, do you have a question with our lesson?" napatanong bigla si Sir Clarex habang nakatitig sila sa'kin. Nagsitawanan naman ang ilang kaklase ko ng mahinahon.
"Hmm.. I'm sorry, Sir. W-wala po," nauutal kong sagot at saka napatayo ako agad at inayos ang mga kagamitan ko sabay silid sa bag.
"What are you doing, Mister Emerson? Are you going home? Our class was not ended!" exclaimed by our teacher. Hindi na ako nag-atubili pa at agad na akong umalis.
"Hepp," pinigilan ako ni Sir Clarex," saan ka pupunta?"
"Sir, I have an emergency lang po. Needed po kasi. Please, allow me to leave the class," pagsusumamo ko sa kanya. "Okay, you can leave now," ang sagot niya at pinayagan niya akong umalis.
"Maraming salamat po, Sir."
Agad akong umalis at dali-daling pumanhik pababa para makahanap ng taxi upang makahabol man lang sa flight ni Abegail.
Nang makasakay na ako ng taxi dali-dali kaming pumunta ng NAIA Terminal para makaabot man lang sa flight niya. Dahil sa tindi ng traffic, nabagalan kami sa pag-usad at natagalan.
Nang muli na kaming makausad dali-dali kaming pumaharurot papunta ng airport. Ilang minuto ang nakalipas at sa wakas ay nakarating nga kami ng terminal airport.
Ginalugad ko ang ilang sulok ng airport upang mahanap man lang si Abegail at makapagpaalam sa kanya at humingi ng patawad sa nagawa ko. But unfortunately, she's gone. Umalis na siya nang lubusan nang hindi man lang nakapagpaalam.✍️
📚📚📚📚📚📚📚📚📚📚📚📚📚📚
Maraming salamuch mga ka- Jaynatics! Tutok lang po sa mga nakakapanabik na eksena at episode sa ating kuwento. ♥️
Don't forget to leave a "COMMENT", "VOTE" and SHARE my story for your support. Maraming salamat po.

BINABASA MO ANG
My Legit Love For You
RomansaTrue love is unexpected. You will find it at the right time and the right place. The right person is a gift from above that should be kept precious. Find out who's the one that got away and the one that loves legitimately in this story. WARNING:⚠️ P...