𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 11 (𝑳𝒂𝒅𝒚 𝑿...)

71 29 0
                                    

Nagkasalubong sina Steven at Drew sa may park. Tinawag ni Drew ang kaibigan at kinawayan. Pero patuloy lang sa paglalakad si Steven papalabas ng park. Nagtaka tuloy si Drew kung bakit inisnob siya nito.

Bago pa man makalayo si Steven, agad niya itong nilapitan at masayang kinumusta.

"Hey, bro! Kumusta?" ang bungad niya sabay akbay sa balikat ni Steven.

Napansin nitong tila parang ang lungkot ng mukha ng lalaki. Napakunot ito at agad na kumalas sa pagkakaakbay sa kaibigan at saka humarap.

"Okay ka lang ba, bro? Ba't parang ang lungkot mo? May problema ba?" tanong niya.

Napatigil sila ng paglalakad at napansin niyang napabuga ng malalim si Steven, at napuyo. Pansin sa mukha nito ang tila pag-aalala at lungkot.

"Ay tiyak may problema nga ito," ang pabulong na sinabi ni Drew na may halong pagtataka sa kaibigan.

"Bro, sabihin mo nga sakin kung ano ang problema mo?"

Napabuga siya ulit ng kunting hininga bago nagsalita.

"Bro, si inay kasi - mayroon siyang malubhang karamdaman," ang sagot niya at kasabay ng pagpatak ng mga butil ng luha sa mga mata nito, "matagal na pala siyang may sakit sa puso. At wala man lang akong nagawa,"

Napahikbi ang binata sa kanyang mga sinabi. Napatikom naman ng bibig si Drew at walang masabi dahil sa unang beses niyang nakitang nagkaganito ang kaibigan niya.

Nilapitan niya si Steven at hinawakan sa balikat. Umupo sila sa may bakanteng upuan sa labas ng park.

"Bro, sorry talaga. Hindi ko alam na ganyan pala ang pinagdaraanan mo ngayon."

"Alam mo ba bro, yung perang napanalunan natin. Napunta lahat yun sa pagpapagamot ko kay inay. Pero hindi pa sapat ang danyos na hinihingi ng ospital sa amin. Wala rin akong mapagpapangutangan ngayon. Ano ang gagawin ko?" ang maemosyonal na sinabi ni Steven. Inalalayan ni Drew ang kaibigan nito at pinakalma.

"Kung may magagawa lang rin sana ako, bro. Kaso gipit din ako. Parehas lang tayong kapos sa bulsa," ang nanghihinayang na sagot ni Drew sa kanya sabay ng pagkisap ng mga mata nito na tila ba sasabog na rin sa emosyon.

Nagsalita siya ulit at pinagaan ang kaibigan niyang patuloy pa ring humihikbi, "Wag kang mag-alala bro, may awa sa atin ang Diyos."

~~~~~~~~~~~~~

Isang araw, nagkita sina Drew at ang kanyang pinsang nagngangalang Xyriel, anak ng isang batikang vlogger na si Jonique Artillano. Alam ni Drew ang naging buhay ng pinsan niya. Malapit din sila sa isa't-isa. Bagamat may angking talento rin ang dalaga sa pagboblog, naisip niyang ipakilala ito kay Steven.

"Talaga, insan? Magaling na musikero yang kaibigan mo?" ang masayang sinabi ni Xyriel.

"Oo, Fee, proud nga akong may kaibigan akong tulad niya. Di lang sa magaling umawit yun, kundi mabait pa," ang sagot ni Drew sabay lingon sa magkabilang banda at binulungan ang dalaga, "at saka single pa."

Napatawa naman ng kunti sa saya ang dalaga dahil sa pagbibiro ng pinsan nito sa kanya habang sumusubo ng kinakain nitong Halo-halo.

"Ikaw talaga, insan. Sanay ka pa ring magpatawa haha," ang sabi niya.

My Legit Love For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon