𝐒𝐭𝐞𝐯𝐞𝐧'𝐬 𝐏𝐎𝐕:
"Bro, handa ka na ba sa gaganaping local Songwriting Contest next week?" ang pabungad na sinabi sa akin ni Drew habang kami ay papauwi na galing ng school dala-dala ang gitara kong si 'Hero'.
"Yeah, pumapayag na ako. Kahit medyo kinakabahan ako because first time kong sumali sa ganung competition, well, I will grab the opportunity to join this kind of contest para na rin sa gastusin namin sa bahay," ang sagot ko naman sa kanya.
"Of course, bro, alam ko magaling ka. You have the God-given talent. Kaya pagsikapan mong maipanalo ang patimpalak na yan," tugon naman niya na may halong saya at excitement.
"Hopefully, if God's will, bro."
Umuwi kami ng maaga bago magtakip-silim para makapag-practice ako ng aking itatanghal for the first time sa susunod na linggo. Well, kung ano man ang mangyayari at ang magiging kahihinatnan nito, God knows na lang.
Dumating ang araw ng pinakahihintay namin - ang makasali sa local Songwriting Competition. Maaga kaming pumila ni Drew at kasama rin ng ilang barkada namin upang sumuporta sa akin. After this, pumasok na kami ng local gymnasium. Grabe ang hiyawan ng mga tao sa loob kahit hindi pa man nagsisimula ang contest. Ang daming manonood. Bawat isa ay may kanya-kanyang bitbit na banner para suportaha ang kanilang pambato.
Kaagad kaming pumanhik ni Drew sa likod ng backstage upang makapaghanda na. Nasa gilid naman ng gym nakaabang ang ilang kaibigan namin para manood.
"Bro, this is the moment. Galingan mo," sabi ni Drew sa'kin habang inihahanda ko ang aking gitara at gagamiting kanta. Nag punch job sign kami sa kaliwang kamay matapos nito.
Agad nang nagsimula ang paligsahan. Naghiyawan ang buong crowds sa loob ng gym nang i-announce na ng emcee ang pagsisimula ng competition. Marami-rami ang sumali sa competition at masyado silang magagaling kaysa sa akin.
"Mr. Emerson, Steven, be ready, you're next," ang paalala sa'kin ng backstage personel.
Agad kong kinuha sa may gilid ang gitara ko at naghanda na. Ako na ang susunod.
"Bro, good luck sa iyo," ang pahabol na pagbati ni Drew sa'kin.
"Salamat, bro."
"Mr. Emerson, Steven, you're next."
Tinawag na ako upang makapagsimula na. Huminga muna ako ng malalim at agad na humakbang papalabas ng backstage.
"Go, bro. Galingan mo," ang pahabol na sigaw ni Drew sa'kin.
Kaagad akong umakyat ng stage at humakbang papunta sa may gitna. Nakaharap na ako sa may stunt microphone at hinawakan ng maigi ang gitara ko. Nasa harapan ko sa di kalayuan ang apat na judge na nakatingin sa'kin. Nagsimula na akong magpatugtog hanggang sa kinanta ko ang ginawa naming kanta ni Drew na "Umaasa Pa Rin Sa'yo", na isang love song. Naghiyawan ang mga tagasuporta ko at ang ilang nakarinig.
Matapos nito, agad akong bumalik sa backstage at sinalubong ako ni Drew at ng ilan naming barkada ng may masayang suporta.
"Ang galing mo, bro! Hanep," ang masayang pagbati nila sakin.
Inasahan namin ang tagumpay na makakamit subalit nabigo kami sa kauna-unahang pagkakataon nang magwagi ang ibang katunggali ko. Nasa third place lang ako. Ngunit kahit paano tinanggap ko na rin ang naging resulta at least makakasama pa rin ako sa Top 3 na sasabak sa Regional Songwriting Competition.
Hindi man namin nasungkit ang grand prize, masaya pa rin ako sa aking natamo. Umuwi na ako at ibinigay kay mama ang aking napanalunan na P5,000.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Maraming salamuch!! Mga @Jaynatics! Kahit medyo natagalan tayo ng update, but still, ginagawan natin ng paraan para maipagpatuloy ang pagsusulat. 😊
Please, continue supporting this story. 🙏 Please don't forget to give your feedback, comments and VOTES in my story. Keep safe.

BINABASA MO ANG
My Legit Love For You
RomanceTrue love is unexpected. You will find it at the right time and the right place. The right person is a gift from above that should be kept precious. Find out who's the one that got away and the one that loves legitimately in this story. WARNING:⚠️ P...