Isang gabi, tinawagan si Steven ni Drew para magpakilala sa kanyang pinsang si Xyriel. Niyaya din siyang maghapunan kung kaya napagpasyahan niya na magpunta sa fast food chain para kumain matapos ang isang mahabang araw ng pagsusulat ng kanta. Sinabi ni Drew ang address ng kanilang pagtatagpuan.
Wala siyang ideya na sa gabing iyon ay magbabago ang takbo ng kanyang buhay.
Sa kabilang banda, si Xyriel, isang matagumpay na vlogger at social influencer, ay naroon din kasama ang kanyang pinsang si Drew, na matagal nang kaibigan ni Steven. Nagpunta sila roon upang kumain matapos ang kanilang photoshoot para sa isang bagong content.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Habang nakapila si Steven para umorder, napansin niya si Drew na nasa isang mesa at kumakaway sa kanya.
"Halika, dito!" ang tawag ni Drew sabay senyas na lumapit sa kanila. Lumapit siya sa mesa at napansin ang magandang dalagang kasama ni Drew.
"Buti nakarating ka agad, bro! Tara, dito ka na kumain," sabi ni Drew na puno ng sigla. "By the way, this is my cousin, Xyriel. Xyriel, si Steven, kaibigan ko at isang magaling na songwriter. Siya yung sinasabi ko sa'yo na magaling na singer."
Ngumiti si Xyriel at kumaway sa kanya. "Hi, Steven! Kumusta ka?"
"Hello, Xyriel. Okay na man ako. Nice to meet you," sagot ni Steven na may halong kaba at saya. Nag-hand shake silang dalawa at saka umupo kasama si Drew.
Lumapit ang waiter sa kanila at iniabot sa kanila ang booklet para makapag-order sila.
"Sige, ako na ang mag-oorder ng pang-hapunan natin," sabi ni Drew.
"Sige, ikaw ang bahala, bro," sagot naman ni Steven.
Bumaling ulit ng tingin si Xyriel at nagsalita, "Siya nga pala, naririnig ko na tungkol sa'yo kay Drew. Actually, nakita ko na rin ang ilan sa mga kanta mo."
"Talaga? Paano mo narinig yung mga kanta ko?" tanong ni Steven sa kanya.
Napalingon siya saglit kay Drew na may sigla't-saya. "Siyempre, ipinarinig sa'kin ni insan."
Napangiti na man si Drew sa narinig niya.
"Ikaw talaga, bro. Ang dami mong alam," ang sabi ni Steven.
"Alam mo kasi, bro, matagal na kitang ikinukuwento kay insan. Kaya nga gusto ko na magkakilala kayo," ang masayang pagpapaliwanag ni Drew. Nagkatinginan naman si Steven at Xyriel na may halong pagtataka sa sinabi ni Drew. Parang naurungan si Drew sa reaksyon ng dalawa kung kaya iniba na lang niya ang usapan.
"Ay ang mabuti pa kumain na muna tayo, hehe. Nandito na ang inorder natin." ang sabi ni Drew habang inaabot sa kani-kanila ang mga inorder na pagkain.
Habang kumakain, napag-usapan nila ang kani-kanilang mga hilig. Naikuwento ni Xyriel ang kanyang passion sa vlogging at pagiging isang social influencer. Naaliw si Steven sa kwento ni Xyriel at naisip na maaaring maganda silang mag-collaborate.
"Yun nga! Iyan ang great plan na dapat nating I-pursue!" ang masiglang sinabi ni Drew sa pagitan nila.
"By the way, Steven, matagal ko nang gustong mag-feature ng isang songwriter sa vlog ko. Baka interested kang mag-guest?" tanong ni Xyriel.
Nagningning ang mga mata ni Steven. "Talaga? Gusto ko 'yan! Matagal ko nang gustong mag-explore sa pag-promote ng musika online."
"Sige. I-paplano natin ang ating collaboration," ang tugon ni Xyriel.
Masaya si Drew na nagkasundo ang dalawa sa kanilang plano.
Simula noong gabing iyon, naging magkaibigan sina Steven at Xyriel. Madalas silang magkita upang magtrabaho sa kanilang mga proyekto. Pinakilala ni Xyriel si Steven sa kanyang mga followers sa pamamagitan ng vlogs, at nagsimula silang mag-collaborate sa paggawa ng mga kanta at content.
Magkasama silang tatlo sa pagsasagawa ng kanilang proyekto.
Dahil sa pagiging influencer ni Xyriel, nakilala ng publiko ang angking talento ni Steven sa pagkanta. Hindi pa naman dumarating ang araw ng patimpalak sa Regional Songwriting & Singing Competition, nagsisimula na silang mag-ensayo ng kanilang gagamitin sa paligsahan.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
[Author's Note: Sa mga nag-aabang ng kasunod na kabanata, nais kong pasalamatan ang mga patuloy na tumangkilik sa aking original story. Nawa'y suportahan niyo pa rin ang pagsusulat kong ito. Thank you so much! ✍️]
BINABASA MO ANG
My Legit Love For You
عاطفيةTrue love is unexpected. You will find it at the right time and the right place. The right person is a gift from above that should be kept precious. Find out who's the one that got away and the one that loves legitimately in this story. WARNING:⚠️ P...