Ang lahat ng pangalan,lugar at pangyayaring nabanggit sa kwento ay pawang kathang isip lamang na likha ng aking imahinasyon.
____________________________
Belle's POV
"Ma'am ayaw mo nitong notebook?" May pinakita siyang notebook na may picture ng artista. I will never use a notebook with an artist as a cover on it.
Nandito kami ngayon sa mall namimili ng school supplies.
"Ain't my taste Julie and please call me by my name."
Naghanap pa ako ng ibang notebooks. I'm looking for a notebook that is rough kasi madali lang dumikit yung ink ng pen. Nagpatuloy lang ako sa paghahanap at di ko na pinansin ang daldal ng kasama ko.
"Basta ako kumuha ako ng dalawang notebook maa- este Belle hihi"
After checking a lot of notebooks ay may nakita na rin akong isang notebook that suits my taste. I'm quite picky when it comes to papers but not in pen tho.
Makapal naman yung notebook ko so baka isa lang yung bilhin ko and besides I am more comfortable taking notes on my laptop and tablet.
"Yan yung napili mo Belle? Patingin nga." Sabay agaw ng notebook sa akin. Hinayaan ko nalang at naghanap ng iba pang kailangan.
Habang naghahanap ako ay napunta ako sa may book section. Bigla akong na excite, I think I'm going to buy a lot of books today.
Hindi ko kasi nadala yung mga libro ko so why not bumili dito sa pilipinas. Gusto kong magbasa ng tagalog stories. Spanish and English Novels lang yung mga binabasa ko eh. Binabasa ko lang yung description ng book and some has unique plot pero karamihan ay pare-pareho. Ganito ba talaga? Feels like lahat ng libro ditto inspired sa iisang book.
"Hoy Belle! Ay sorry po Sorry..." Naputol yung pagbabasa ko ng libro nang tawagin ako ni Julie. Pinanlakihan ko siya ng mata dahil nakakahiya yung ginawa niya. She's apologizing now pero nahihiya parin ako kaya't kinuha ko nalang yung mga libro na napili ko.
Agad akong pumunta sa cashier upang bayaran ang pinamili namin buti nalang at nasa likod ko na si Julie dala-dala ang pinamili naming iba. Habang nilalagay ko yung mga books sa counter ay binulungan ko siya.
"Ba't mo yun ginawa?" Mahina ngunit marahan kong tanong sa kanya.
"Ang alin..." She whispers near near my ear.
Napahilot nalang ako sa ulo ko dahil sa katangahan niya. My god! How am I suppose to live my life with this girl. Kawawa magiging pamilya nito.
Umiling nalang ako at binayaran na yung mga pinamili namin.
"Thank you" ani ko sa cashier saka kinuha yung pinamili namin.Tinulungan naman ako ni Julie. Ang bigat kaya.
"San tayo pagkatapos?" Oo nga nuh now that we're done with our priority, pwede namang umuwi na kami pero napaisip ako bakit di nalang kami mag shopping? Tutal nandito naman kami.
"Shopping." Maikli kong wika saka binilisan ang lakad ko.
"Wala akong pera eh kunti lang tuh Belle." Reklamo niya .
"Libre ko tara dalian mo"
"Hala talaga?! " Tumango nalang ako. Besides I still have my funds from my graduation.
"Yes!" Pinagtinginan kami ng mga nadadaanan namin kaya nagpanggap nalang ako na di ko kilala yung kasama ko. Ayos na sana yung pagpapanggap ko ng bigla niya akong akbayan. I'm done there's no escape.
I sighed accepting my defeat.
"Minimize your voice nasa public tayo." bulong ko sa kanya.
"Hayaan mo maganda naman tayo." Tignan mo tung babaeng ito napakahangin.
BINABASA MO ANG
Intelligence series 1: Mi hermosa amante
RomanceWhat if Intelligence is combined with Beauty? Marami bang maghahabol? O baka naman maraming magagalit at maiinggit. She is Isabelle Veda M. Fernandez. A woman of beauty and Intelligence. The epitome of greatness and perfection. Isabelle hates being...