Kabanata 32

108 5 2
                                    

Kabanata 32

Third person's POV

"CHECK VITAL SIGNS!" sigaw ng isang rescuer habang inaayos ang oxygen ng pasyente.

Sa isang stretcher nakahiga ang isang babaeng nakasuot ng light blue dress na siyang nag iba ang kulay dahil sa mapulang likidong dumadaloy sa mga sugat at ulo nito. Pinapalibutan ito ng mga rescuer na pilit na ginagawa ang lahat upang mailigtas ito.

"CRITICAL, SIR!" Sigaw ng kasama nito.

"PULSE RATE DECREASING, SIR!" Sigaw ng isang rescuer. Napatingin ang pinunong rescuer sa monitor at nakita nitong humihina na ang tibok ng puso ng babae.

"SHE LOST TOO MUCH BLOOD, SIR!" Sigaw pa ng isa nitong kasama habang pilit na pinipigilan ang pagdaloy ng dugo mula sa ulo ng babae at sa ibang sugat nito.

"Do the compression! I'll give her oxygen! Put pressure to stop the bleeding! And You! Monitor her vitals!" Agad na sinunod ng mga rescuer yung inutos sa kanila.

Makailang compression ang ginawa ng rescuer sa dibdib ng babae ay unti unting bumabalik ang normal na pagtibok ng puso nito.

"Heart rate has been stabilized, Sir! But still in critical situation!" The other rescuer informed their captain.

"Okay, Good! Just continue doing the compression." Ani ng captain nila.

Ilang minutong lumipas ay sa wakas nakarating na sila sa hospital, dali daling ibinaba ang stretcher ng babae. Agad itong dinaluhan ng mga doctor at nurse.

Pagkababa ng stretcher babae ay siya namang pagdating ng isang ambluansya kung saan naroon ang kaibigan ng babae.

"Ready the OR! We'll perform surgery quickly!"

"B-But Doc, we need the family's permission. We can-"

"WE WILL PERFORM SURGERY! I KNOW HER FAMILY!" Nagulat yung resident doctor sa sigaw ng Attending niya.

"READY THE OPERATING ROOM!" Galit nitong sigaw while pumping the girl's chest so hard to maintain her heart rate.

"Copy, Doc!" Agad na tumakbo ang nurse at nagpa reserve ng isang operating room.

"Call the family!" utos ng doctor sa isang nurse kaya't dali dali itong kumaripas ng takbo to take emergency call to the patient's family.

Sa kabilang banda naman ay naghahanda ng hapunan ang isang matandang katulong ng mga Fernandez para sa mga amo nito. Medyo madilim na at sobrang lakas ng buhos ng ulan sa mansion.

Habang naghihiwa ng mga pampalasa ay biglang tumunog ang telepono ng bahay na siyang ikinagulat ng matanda. Tumayo ang matanda at nagpunas ng kamay bago sagutin ang tawag. Hindi na bago sa kanya ito dahil palagi talagang may tumatawag sa mansion nila dahil sa mga amo nito.

"Magandang gabi po, sino po sila?" Mahinahon nitong tanong sa telepono.

"This is Martinez Hospital, Ma'am. We'd like to inform you that Ms. Isabelle Veda M. Fernandez and Julie Kaye Ramos encountered an accident on their way. Kritikal po ang sitwasyon ng isa sakanila at kailangang ma operahan. We would like to request, Ms. Fernadez's Family," tuloy tuloy na sabi ng isang nurse.

Napatakip ng bibig ang matanda sa narinig at nabitawan ang telepono. Dali dali niyang kinuha ang isang telepono na siyang naka konekta sa anumang telepono at cellphone ng mga Fernandez. Ginagamit lang ito kapag may importante o emergency ang pamilya.

"Jusko, iligtas niyo ho ang mga batang iyon," pagdadasal ng matanda habang pinipindot ang numero ng mga amo sa telepono.

Ilang Segundo ay narinig niya ang boses ng amo nito.

Intelligence series 1: Mi hermosa amanteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon