❝dos❞

338 28 60
                                    

Archer was quietly walking at the hallway papunta sa Dean's office

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Archer was quietly walking at the hallway papunta sa Dean's office. He may be silent pero kasing ingay ni Bright ang utak nito.

Sa huling pagkaka-alam niya, wala naman siyang nilabag na school rules. And it was really impossible na ipatatawag siya dahil trip trip lang ng Dean.

Nang makarating ito sa tapat ng pinto ng Dean's office ay huminga muna ito ng malalim bago sana buksan ang pinto. He was about to knock at the door nang bigla itong bumukas dahilan para mapabulong ito.

"Ay anak ni Satanas" wala sa sariling bulong nito sa sarili saka napahawak sa dibdib niya sa gulat.

Nakita niyang napatawa ang Dean bago ito mag-salita.

"Mr. Campbell! Tamang tama ang dating mo. Pasok ka, may kailangan tayong pag-usapan" napalunok na lamang si Archer bago sinundan ang Dean papasok sa loob ng opisina nito.

"Ma'am, pasensya na po talaga pero wala po akong natatandaan na violations. Wag niyo po akong i-kick. Or kung ikikick niyo po ako, pwede ko po bang isama sila River? Di po pwedeng ako lang" sunod sunod na sambit ni Archer while clasping both of his hands together na para bang nagmamakaawa.

Muli siyang tinawanan ni Mrs. Hudson.

"Hijo, pinatawag kita hindi dahil sa violation kaya kumalma ka" natatawang sambit nito kay Archer.

Bahagyang napahinga ng maluwag si Archer. Akala niya katapusan na ng buhay niya.

"You see, the Regional Intelligence Competition will be next next month" nakita niya nga ang nakapaskil sa bulletin board ang announcement na iyon.

"I can see that your grades were really outstanding in your section kasama ni River and Bright. So if ever, papayag ka ba na sumali sa competition?" that competition sounds fun but hard at the same time.

"Ano po bang benefits ang makukuha ko dun?" tanong ni Archer.

"Bukod sa additional points, last year we gave the participants 1 month vacation para makapag-aral at makapag-pahinga sila. So what do you say?"

"And besides, balita ko kaibigan mo sila River. So I think hindi ka mahihirapan"

"Wait, bukod po ba sakin may napili na kayo?" Mrs. Hudson nodded at ibinigay sa kanya ang isang clipboard na may nakaipit na papel.

"Everest Maeve, River Davis, Bright Harrison, Raven Garcia, Archer Campbell" basa niya sa nakalagay sa clipboard at halos manlaki ang mga mata niya.

"WAIT SABI NILA BOBO SILA?!" gulat na tanong niya.

Ilang minuto rin ang makalipas nang marealize niyang nasa harap pala siya ng Dean. Kaya alanganin niyang nginitian ito.

"Ma'am, bobo 'to si Everest saka Bright. Bakit sila andito?" gulat na tanong sabay turo niya sa pangalan ng dalawa.

"I don't think so, Archer. Halos lahat ng grades ng dalawang yan hindi bababa sa 95. I guess niloloko ka lang ng mga kaibigan mo" napatakip na lamang ng bibig si Archer dahil sa mga nalaman niya.

"So? Are you in?"

Napaangat ang tingin niya sa Dean. He really needs to think of it. Saka isa pa, it will be really humiliating kung sakaling hindi manalo ang school nila.

"I know you can, Archer. Malaking opportunity 'to para talunin ang participants ng Estrella University"

Siguro hihingin niya muna ang advice ng mga kaibigan bago siya mag-desisyon.

"Pwede ko po ba munang pag-isipan?" Mrs. Hudson nodded and smiled at the man.

"Sure. Just come here kapag may desisyon ka na"

"Thank you ma'am"

TO BE CONTINUED..

-

-',✎ medyo boring lang yung simula pero kalmahan niyo muna. Chill chill lang kayo dyan 😎

❛Clash of Hearts❜ ┇ TXTZYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon