❝siete❞

285 23 27
                                    

Inis na inis si Ellie nang pumasok ito sa unit ni Bella saka padabog na isinara ang pinto

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Inis na inis si Ellie nang pumasok ito sa unit ni Bella saka padabog na isinara ang pinto.

“Hoy Ellie, baka naman masira mo 'yang pinto ni Bella” saway ni Azi sa kanya na nanonood ng netflix sa sala kasama si Jade at Addie.

But Ellie didn't listen to them at dumiretso lang sa kwarto ni Bella kung saan sila matutulog mamaya.

Hindi siya makapaniwala na natalo siya ng isang bastos na lalaki. Hindi niya matatanggap yun basta basta lang. Well, she was the savage among her friends at lagi siyang nananalo sa sagutan but she just lost right before her eyes.

Well, looks like nakahanap siya ng katapat niya.

“Oh my god, Ellie! Para akong aatakihin sayo, kanina ka pa ba dyan?” tanong ni Bella na kakalabas lang ng cr at may balot ng tuwalya pa sa ulo.

“Obvious ba? Nakita ko ba ako kanina dito? Hindi diba” napahawak na lamang sa dibdib si Bella dahil sa gulat niya sa naging sagot ni Ellie.

“Woah, hb mo naman. Kalma, ako lang 'to” biro ni Bella but Ellie was still not having it.

“Hey what happened? May nangyari ba sa bahay niyo? Nag-away kayo ng ate mo?” Bella worriedly asked bago umupo sa tabi ng kaibigan.

Ellie heaved a deep sigh and kinda felt bad for heaping her anger towards Bella.

“I'm sorry. Nababadtrip lang talaga ako dun sa lalaki na nakita ko kanina”

“Omg, gwapo ba?” tanong agad ni Bella sa kanya. Ellie grimaced saka binatukan agad ang kaibigan. She'll always ask kung gwapo ba kapag lalaki ang usapan, hindi naman halatang jowang jowa siya.

“Yan tayo, Bella Gray” saway niya kay Bella.

“Eto naman, masyadong seryoso sa buhay. Joke lang”

“Pero ano bang nangyari?” dagdag na tanong nito kay Ellie. Muling sumimangot ang mukha ni Ellie, naiinis lang talaga siya kapag naaalala niya.

“I found him following me tapos dine-deny niya pa. Mga lalaki nga naman” iiling-iling na sambit niya.

“Omg girl, may stalker ka kaagad. Iba talaga ang ganda nating lima”

“That's not the point, Bella. Saka bakit masaya ka pang may stalker ako ha?”

“Eto naman, malay mo may deep desire siya for you and siya na talaga yung nakalaan para sayo” umirap na lamang si Ellie.

“Kung magkaka-gusto man sakin, ayoko ng sinusundan ako ng ganun. Tsudere type at matalino ang mga tipo ko” sambit nito sa kabigan.

“Ehem, be careful what you wish for” paalala ni Bella sa kanya.

“Eh sa yun naman talaga ang type ko. Tss, ewan ko sayo. Palibhasa ikaw basta gwapo solve ka na eh”

“Hoy grabe ka ah! Hindi naman. I still look for man with good heart pa rin”

“Oo, tapos gwapo”

“Well, hindi naman ako tatanggi dun. Imagine, gwapo na tapos may good heart pa. Parang Na Jaemin lang ng NCT diba!”

“Alam mo ewan ko sayo. Hirap mo kausap” sabi ni Ellie saka kinuha ang bag niya para makapag-simula na siyang mag-ayos.

"By the way, naalala mo ba yung participants ng ANU? I searched for their IG accounts kagabi. Gusto mo ibigay ko sayo?”

“Alam mo hindi lalaki ang kailangan ko. Kailangan ko ng tibay ng loob dahil mukhang magkakaroon ako ng sandamakmak na sama ng loob sa inyong dalawa nung lalaki kanina” biro ni Ellie habang nagtutupi ng mga damit niya.

“Ayaw mo ba nito?” tanong ni Bella sabay pakita ng picture ni Everest mula sa IG account nito.

“Bella, isa!”

“Or ito, si Archer. Ang gwapo kaya ng name niya” sabi nito sabay pakita naman ng picture ni Archer this time.

“Tigilan mo nga ako kaka-reto mo!”

“Or baka gusto mo rin yung crush ni Azi yieee”

“Ginawa mo pa akong kabet. Ayoko!”

“Si Bright Harrison?”

“Bella, I said no!”

Akala niya titigilan na siya ni Bella but the girl again find something again on her phone bago ibalik ito kay Ellie.

“Baka naman matipuhan mo 'to si Garcia” this time, napatingin si Ellie sa kaibigan ready to make her shut up ngunit napadpad ang tingin nito sa litrato sa cellphone ni Bella.

That face.. Kilala niya kung sino ito.

Napangisi naman si Bella nang makita niyang titig na titig ang kaibigan niya sa picture na naka-flash sa cellphone niya.

“What was the name of this guy?”

“Bakit? Type mo na 'no?”

“Bella, give me his freaking name!”

“Woah kalma. He's Raven Garcia”

Ellie suddenly laughed hysterically dahilan para magulat at matakot si Bella sa ginawa ng kaibigan. Ganun niya ba ka-gusto si Raven?

“Raven huh” nakangising sambit nito sa pangalan ng lalaki na para bang may hindi siya magandang balak

TO BE CONTINUED..

❛Clash of Hearts❜ ┇ TXTZYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon