❝nueve❞

259 24 33
                                    

“Badtrip 'tong mga 'to” inis na reklamo ni Bright saka lumabas ng hotel room nilang magkakaibigan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

“Badtrip 'tong mga 'to” inis na reklamo ni Bright saka lumabas ng hotel room nilang magkakaibigan.

Nakabusangot itong naglakad papalabas ng hotel building at dumiretso agad ng tabing dagat para mag-relax at magpalamig.

Kakarating lang nila sa beach house na ni-reserve ni Mrs. Maeve para sa kanila and mabuti ring bumyahe sila ng maaga dahil wala masyadong traffic.

Wala rin masyadong tao sa tabing dagat dahil 12 ng tanghali at madalas na nagtatanghalian ang mga tao sa ganitong oras. Mabuti na lang at nakakita siya ng isang hammock na nakasabit sa dalawang puno ng niyog kaya lumapit siya agad at umupo para magpahangin.

Napangiti ito sa malakas na hangin pati na rin ang tunog ng hampas ng alon. This is what he was looking for, peace.

Kinuha niya ang cellphone niya para kumuha ng iilang litrato ng sarili niya at pati na rin magandang dagat sa harap niya.

Bright was happily taking video of the view nang biglang lumitaw sa hindi kalayuan ang isang babae na mukhang naglilibot din sa tabing dapat at umiikot ikot na para bang nagshu-shoot ito ng music video.

Unknowingly, Bright zoomed in his phone to the girl para mas makita nito ang buong mukha ng babae.

“Woah” wala sa sariling sambit niya. Aminin niya man o hindi, the girl was undeniably beautiful. Pakiramdam niya ay pinana lalo ni kupido ang puso niya nang makita niyang ngumiti ito.

He had never seen someone this beautiful, ibang iba sa mga babaeng nakikilala niya.

Abot tenga na ang ngiti nito nang marinig niya ang tili nito kasabay ang pagbagsak niya sa puting buhanginan which made him snort uncontrollably.

“Maganda nga, tanga naman pfft. Pasalamat siya ang cute niya” mahinang bulong niya sa sarili at hindi man lang naisip na naka-record pa rin ang cellphone niya.

Nakita niyang luminga-linga ang babae sa paligid tila ba tinitignan ang paligid sakaling may nakakita man sa katangahan niya.

Nang makita niyang lumingon ito sa gawi niya ay agad naman nitong iniwas ang cellphone niya at itinutok ang camera sa langit.

“Wooohhh, ano 'to? Langit?” kunwaring inosente na tanong niya habang hindi mapigilan matawa.

Hindi niya napansing papunta sa direksyon niya ang babae at nagulat na lang ito nang humarang ang mukha niya sa camera dahilan para mapatigil sa pagbi-video si Bright.

“Oh, hey there cutie” malanding bati niya sa babaeng ngayon ay nakapameywang na nakatayo sa harap niya.

“Don't cutie me, hindi tayo close” masungit na tugon nito. Napanguso na lamang si Bright, halatang inaasar ang babae.

“Edi babe na lang” natatawang sambit niya.

“Panget mo na nga malandi ka pa” napanganga na lamang siya sa naging sagot nito. No one dared to call him ugly before except his friends dahil sa tingin niya ay naiinggit lang ito sa kanya.

“Excuse me, miss. No one dared to call me ugly before, bawiin mo yun!” reklamo ni Bright sa kanya pero sorry na lang siya dahil wala talagang balak si Jade na bawiin yun.

“What if I don't?”

“Edi ikakalat ko 'tong video mo na nasubsob ka sa buhanginan” natatawang blackmail ni Bright sa kanya as he bravely stood from the hammock dahilan para mapaatras naman si Jade.

“Grr! Akin na nga yan!” sinubukan kunin sa kanya ng babae ang cellphone niya pero mas matangkad ng ilang metro ang lalaki sa kanya. Lugi siya dito.

“Not so fast, my love” automatikong napangiwi si Jade sa tinawag sa kanya ng lalaki.

“My love mo mukha ko. I-delete mo yan tukmol ka!”

“For your information, my name is Bright Harrison. Call me Bright or Love na lang” pagpapakilala nito.

“Ulol! I-delete mo na kase yan please”

“Name drop muna, bago ko i-delete”

“Ikaw kaya i-drop ko?”

“Pwede naman. Drop mo sa puso mo yiee chacha real smooth” napa-facepalm na lamang si Jade in pure frustration, hindi niya alam kung paano maalis ang video niya sa cellphone ng tukmol 'to.

“Bright Harry Styles, hindi ako nakikipag-biruan sayo okay? Gusto ko lang i-delete mo 'yang video ko sa phone mo. Edi tapos usapan! Case closed!”

“It's Harrison! Saka paano mo naman nasisiguradong andito ka sa video? Langit naman yung vini-videohan ko, hindi ikaw” bahagyang napatahimik si Jade sa rebat ni Bright.

Kahit naman, pakiramdam niya lang nahagip yung kabobohan niya sa camera nitong si Bright. No matter what it takes, kailangan niyang ma-delete ang video na yun.

“Basta i-delete mo na lang! Mag-retake ka na lang ulit. Sige na, Harry Styles!”

“Harrison nga sabi!”

“Whatever”

“Alam mo, you look familiar” biglang sambit Bright sa kanya. Wala na talaga siyang oras makipag-lokohan pa.

“Kamukha mo yung makakasama ko habang buhay” Jade closed her eyes in frustration.

Hindi niya siguro makukumbinsi ang lalaking ito. She'll just bare with the consequences, kahit pagtawanan pa siya ng maraming tao. Pero hindi pa rin siya papayag na hindi siya makakaganti dito.

Kahit tumatawa pa si Bright ay hindi siya nag-dalawang isip na sikmuraan ito bilang ganti.

"Ouch damn!” Bright groaned saka napahawak ito sa sikmura niya sa ginawa ni Jade.

“Huwag ka lang talaga magpapakita sakin, panira ka ng araw!” huling sambit nito bago maglakad papalayo sa binata.

“Shuta naman, di ko pa nakuha yung pangalan” nanghihinayang na sambit niya sa sarili habang nakangiwi parin sa sakit ng pagkakasuntok ni Jade.

TO BE CONTINUED..

❛Clash of Hearts❜ ┇ TXTZYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon