❝veinte cinco❞

167 16 16
                                    

Archer was laughing on his phone dahil sa group chat nila and how they would team up against Bright para asarin ito

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Archer was laughing on his phone dahil sa group chat nila and how they would team up against Bright para asarin ito.

Hindi naman sa may galit siya kay Bright or something pero gustong-gusto niya lang pag napipikon ito sa kanila.

"Ang saya mo dyan ah" napaangat ang tingin niya nang makarinig siya ng pamilyar na boses mula sa likod.

"Azi, ikaw pala yan. Kanina ka pa andyan?" tanong nito saka inayang umupo sa tabi nito para pagmasdan ang dagat sa huling pagkakataon.

"Hindi naman. Kakarating ko lang din" sagot nito sa kanya.

"What brings you here?" Tanong ni Archer sa kanya.

"Luh bawal ba pumasyal dito?"

"Hindi naman, ngayon lang kita narinig na lumabas eh. Sabi mo kase noon na ayaw mong lumabas ng hotel room niyo unless it's necessary"

"Sayang naman kase yung bayad nung dean namin kung hindi ko man lang susulitin 'tong chance na 'to. Saka aalis na rin naman sa friday kaya nagdesisyon na akong lumabas" napatango lang si Archer. May point naman siya.

"Alam mo I really like the sea tapos the moon. Pero hindi ko pa nakita ang dagat sa gabi. I guess it was the best decision na lumabas ako kahit ngayon lang"

Aziera seems to be the type of girls na adik na adik sa dagat at buwan. But despite that he really finds it cute.

"May naalala pala ako" biglang sambit ni Archer.

Azi just raised her brows na para itong nagtatanong.

"Diba sabi mo dati may crush ka sa isa samin? Hindi naman sa pagiging mosang pero sino yun?" Archer asked with his brows wiggling at tila ba inaasar pa si Azi.

Azi avoided his gaze ngunit ramdam niya ang pamumula ng pisngi niya sa naging tanong ni Archer sa kanya.

"Chismoso. I never thought na katulad ka rin nila Jade" pabirong sambit nito.

"Eto naman, sabihin mo kung ayaw mo sabihin. Nanglalait pa eh" nakangusong sambit nito saka ibinalik ang mata niya sa dagat.

Azi couldn't help but to pinch his cheeks dahil sa maumbok nitong pisngi na para bang nanghahalina sa kanya para pisilin ito.

It's a bit uncomfortable pero at the same time, she feels like Archer is his safe person. He wasn't the type of person na sasabihin na lang ang sikreto niya sa iba. So I guess she could give it a try telling him.

"Paano pag ikaw?" his heart skipped a beat kasabay nito ang panlalamig ng kamay niya.

"H-hoy, seryoso ka ba?" utal na tanong niya sa dalaga na nagpipigil ng tawa sa puntong ito.

"Syempre joke lang haha. Kaibigan kaya kita!" Sabi nito saka inakbayan ang binata.

Sa totoo lang? Majority of Archer was disappointed dahil sa pagbawi ni Azi sa sinabi niya pero he needs to convince himself that it was a good thing.

"Hindi magandang biro yun" seryosong sambit ni Archer saka umiwas muli ng tingin.

"Sorry na nga, masyado ka kasing seryoso eh" hindi siya binigyan ng kahit anong sagot ni Archer, the guy remained pouting like he was sulking about something unidentified.

"It's River" kaagad na napatingin si Archer sa dalaga nang mabanggit niya ang kaibigan niya.

"Anong si River?"

Nginitian lang siya ni Azi. Nahihiya kase siyang mag-explain eh.

"Wait, you mean you like River?" tumango lang si Azi saka ibinaba ang tingin nito dahil sa hiya.

"Gusto mo yun? Ang panget panget nga nun. Marami namang iba dyan sa tabi tabi eh" syempre it was just a joke.

Naiintindihan naman agad ni Archer kung bakit niya nagustuhan si River. He knows his friend well, hindi niya masisisi si Azi.

"Hoy hindi ah. I just think that he was exactly my ideal type"

"Ano bang ideal mo?"

"Someone who's caring and kind hearted. Someone whose smart. Well, sino ba namang may ayaw sa gwapo"

Pasok rin naman ako sa ideal mo eh.

Hindi naman mahirap magustuhan si Azi eh pero naalala niyang sinabi kanina ni River that he likes Addie. Talagang kaibigan niya pa talaga.

"What if River likes someone else?"

Makahulugan niyang tinignan si Archer dahil sa tanong nito.

"Tanong lang naman. Wag ka mag-alala"

Azi sighed, trying to think kung ano nga bang mararamdaman niya if River likes someone else.

"Siguro madi-disappoint. Pero at the end of the day, kung saan naman siya masaya, masaya na rin ako. If it was his happiness to be with someone else, edi go. I don't have any rights to dictate his heart naman"

Pakiramdam niya ay mas humanga siya lalo sa pagkatao ni Azi. Hindi madali ang magparaya para sa ibang tao, he knows that feeling.

"Ikaw? I'm sure sa talino mong yan may may mga qualities ka rin na hinahanap sa babae"

Muling napaisip si Archer, hindi niya pa naman iniisip iyon and it was not necessary for him to have his own ideal kase if you fall in love, kahit ano pang mali sa taong yun kung mahal mo siya, mamahalin mo pa rin siya.

"I haven't thought of that. Someone who is simple and contented with what she has siguro. Hindi naman ako picky pagdating sa babae. Personality is what more important"

"Alam mo, swerte siguro makakatuluyan mo. I have never seen someone na sobrang understanding as you"

Napangiti lang si Archer saka muling napatingin sa dagat. What is wrong with him? Bakit he has this thought na sana hindi niya na lang pinilit si Azi na umamin.

He feels a bit terrible of himself.

TO BE CONTINUED...

❛Clash of Hearts❜ ┇ TXTZYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon