❝catorse❞

197 13 6
                                    

“Oo nga pala, so anong sagot niyo sa offer ni River?” rinig kong tanong samin ni Addie

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

“Oo nga pala, so anong sagot niyo sa offer ni River?” rinig kong tanong samin ni Addie.

“Okay lang. Saan ba magkikita?” tanong ni Jade.

Sa totoo lang, gusto ko. Kaso there's a part of me na parang ayoko na lang pumunta, ewan ko ba.

“Okay lang din samin ni Ellie” singit naman ni Bella. Tumango lang si Ellie bilang pagsang-ayon saka siya makahulugang tinignan ni Bella.

“Sus Ellie, ikaw ha”

“Alam mo ikaw, Bella? Gusto mong ibalik kita sa sinapupunan ni Tita? Nung isang araw mo pa ako iniissuehan eh” itong dalawang 'to talaga lagi na lang magkaaway.

“Weh, ang sabihin mo lang kase type mo si Garcia kaya ka ganyan” pang-asar naman nito.

Wait, Garcia? Si Raven yun ah. May gusto si Ellie kay Raven?

“Kingina mo, wag kang magpapalibre sakin, isasaksak ko sa baga mo 'yang banana smoothie mo hayop ka” nagsitawanan naman kaming tatlo nila Jade.

Iba rin naman kase mga linyahan nito ni Ellie, parang mawawalan ka talaga ng gana mabuhay.

“Pero kidding aside, ito atang si Azi yung excited eh” napatingin naman ako agad kay Bella nang ituro niya ako.

Siraulo talaga, napunta pa sakin yung usapan. Paniguradong hindi na naman nila ako titigilan kay River. Sana pala talaga hindi ko na sinabi sa kanila, heto at napahamak pa tuloy ako.

“Syempre makikita niya si River eh yieeee” pang-asar naman ni Jade.

“Mga gaga, tigilan niyo nga ako. Naga-gwapuhan lang naman ako sa kanya, kayo lang nagpapalalim eh” depensa ko naman.

Siguro crush? Kung yun yung tamang term para sa nararamdaman ko. Crush lang, mawawala din naman eh.

“Nag-message na ako kay River sa IG. Hihintayin ko na lang siya kung kailan tayo pwede pumunta”

“Guys, sure ba kayo dito?” biglang tanong ni Ellie.

What does she mean by asking that? Parang kinabahan naman ako bigla sa tanong nito ni Ellie.

“Saan?”

“Being close with our enemies. Mamaya naman kase they are just doing this para matalo nila tayo. Saka alam niyo namang home of heartbreakers 'yang ANU eh”

Home of Heartbreakers amp. Siraulo talaga 'to si Ellie. Pero mukhang hindi naman sila ganung klase ng tao, I just knew it.

“I think there's nothing wrong with it naman, Ellie. Besides, kahit pa gwapo sila, hindi tayo papadaig sa mga yun” sagot ko kay Ellie.

“Bakit? May balak ka bang magpaka-hulog kay Garcia?” pang-asar muli ni Bella kay Ellie.

“Teka nga, anong meron ba dyan kay Garcia?” tanong ko naman. I was just curious, malay naman nila makatulong ako diba.

“Enemies to Lovers daw sila hahaha” sagot ni Bella.

“She even made hidden ig account para lang maasar si Garcia. Ang sweet diba?” Bella can't really keep secrets, lagot talaga siya kay Ellie.

“Ang ingay mo! Saka pwede ba? Stop teasing me with that manyakis guy. Hindi ko type ang mga manyakol”

“Manyakol or baka naman assuming ka lang” Jade and Addie was left their mouths open dahil sa rebat ni Bella.

“W-what? Of course I'm telling the truth that he was a pervert”

“Alam mo, Ellie? Puyat lang yan, sabi ko sayo tama na kakapanood ng action movies eh” Bella said saka niya inakbayan si Ellie.

“Paki-chat na lang kami sa gc pag may schedule na” huling sambit ni Bella saka pumasok ng kwarto niya.

“Geez. Yung dalawang yun talaga. Anyways, review muna ako sandali” paalam ko sa kanilang dalawa saka bumalik na rin sa kwarto ko.

Whatever happens at that meet up, bahala na lang siguro si Lord.

TO BE CONTINUED..

❛Clash of Hearts❜ ┇ TXTZYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon