❝tres❞

292 24 37
                                    

“Mommy, si Ate aalis na naman” sumbong ni Azrael kay Mommy

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

“Mommy, si Ate aalis na naman” sumbong ni Azrael kay Mommy.

Epal talaga 'tong si Azrael kahit kailan. Akala mo naman may imi-meet akong jowa kung mag-sumbong palibhasa wala ring girlfriend eh.

“Azi anak, saan ka pupunta?” tanong ni Mommy sa akin. Inilagay ko sa tote bag ang mga libro ko. Balak ko sana manghiram ng libro saka mag-aral sa library ngayon.

“Mommy, pupunta sana ako sa hide out ngayon. Napili ulit ako sa RIC eh” alam naman ni Mommy na sa library ang hide out eh so wala na akong problema.

“Library library, imi-meet niyan yung boyfriend niya, my” napairap muli ako bago isukbit ang dala kong bag.

“Palibhasa gawain mo eh. My, alis na po ako. See you later” paalam ko saka nagmamadaling umalis.

“Wag male-late okay? Birthday ng Daddy mo. May dinner mamaya”

“Yes my!” sigaw ko bago tuluyang makalabas ng bahay.

Sumakay ako ng kotse saka inilapag ang mga dala ko sa tabi ko.

“Kuya, sa library po” sabi ko sa driver bago nag-check ng date at araw ngayon.

5 days na lang pala bago matapos ang buwan. Rest month na! Kaso after naman ng rest month naming lima, puro sama ng loob at pressure naman ang makukuha namin.

Kase naman 'to si Sir Santos. Ang dami daming estudyante sa University. Mas di hamak na magaling pa saming lima, bakit laging kami?

I mean hindi naman lugi sa benefits pero gusto ko parin maranasan yung walang problemang ganito sa buong taon. Mas lalong kailangan kong mag-aral dahil sa competition na 'to.

Sinabihan ko si Kuya na dumaan muna kami ng coffee shop. Bibili muna ako ng maiinom para habang nagrereview ako ay may nilalaklak ako. At least hindi boring ang pag-aaral diba.

Pumasok ako ng coffee shop at dumiretso sa counter para mag-order. Nag-order lang ako ng Iced Americano saka hinintay ang order ko since take out naman.

“Iced Americano for Azi” ngumiti ako sa cashier saka inabot ang bayad ko sa kanya.

I was about to turn around nang meron pa lang tao sa likod ko and accidentally spilled a little amount of coffee on his shirt.

“Oh my! I'm sorry. Oh god, oh god” nagpapanic kong sambit. Hinanap ko agad ang panyo sa bag ko at malas talagang nasa pinaka ilalim pa.

“Kuya, pahawak sandali” alam kong medyo rude talaga pero hindi ko talaga maabot yung panyo sa ilalim ng bag ko.

“Azi?” oh my god, eto na nga bang sinasabi ko. Isusumpa niya ba ako? Shet naman Azi, mag-ingat ka kasi sa susunod, tanga mo naman.

Napapikit na lang ako, as in hindi ko alam ang gagawin ko. Paano ba 'to.

“Hey, it's fine. Hindi kita kakagatin” dahan-dahan kong inangat ang mata ko at halos mapanganga ako sa sobrang gwapo ng nasa harap ko.

Eto na ba ang sagot sa mga dalangin ko? Lord, thank you po! Wala na pong bawian ha?

“Hey Azi?” kaagad naman akong natauhan nang tawagin niya ang pangalan ko.

“A-ahh yes?”

“Here's your drink pfft. It's fine, seriously” ang bait naman nito. Akala ko magiging katulad pa 'to sa mga nababasa kong stories na aawayin pa ako nitong lalaki.

But not bad, and isa pa, secret lang natin 'to pero he's my ideal type hihi.

Teka ang harot Azi ha!

“Thank you uhm..”

“River.. River Davis” pakilala niya. Omg, ang cute ng name hihi parang siya lang.

“Thank you, River. And ito nga pala, sorry talaga ha? Maybe pag nagkita ulit tayo, I'll buy you a shirt” sabi ko at inabot ang panyo ko sa kanya.

“Sabi mo yan ha” ngumiti ako saka tumango sa kanya.

Sana nga magkita tayo

TO BE CONTINUED..

❛Clash of Hearts❜ ┇ TXTZYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon