❝diecisiete❞

186 11 19
                                    

Nakakahiya! Nakakahiya! Nakakahiya!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nakakahiya! Nakakahiya! Nakakahiya!

Bakit ba naman kase sa dinami-dami ng taong pwede maging kaibigan ni River, bakit kasama pa siya?

I have never been this embarrassed! Well, except lang nung umiyak ako sa harap ng tao habang nasa Declamation ako nung Grade 6 pero nakamove-on na ako nun eh!

Sa ganda kong 'to, hindi dapat ako nahihiya humarap sa tao eh. Nakakainis ka, Bella! Next time, hindi na lang ako lalabas pag red tide huhu.

"Hello, I'm Everest Maeve. You can call me anything except bundok"

"Ahh bundok"

"Gusto mo pasabugin ko 'yang nguso mo?" Matapang na banta niya dun kay Bright.

His name is Everest, pero naalala ko bigla yung name na nakasulat sa cup nung nakaraan. Is it even possible na iisa lang yun?

Pero anyways, di ko na iisipin yun kase ang panget ng taste niya. Mocha amp, eww!

"I'm Addielaide Quinn, you guys can call me Addie na lang" seryoso ba sila? Magpapakilala na naman? Pwede bang bumalik na lang sa hotel room?

"Jade Miller, I hope we can all be friends"

"Sure, more than friends pa gusto mo" sabat ni Bright.

I'm getting convinced na bet talaga nito ni Bright si Jade. Kanina niya pa pinapansin si Jade eh. Sabi ko na eh, tama ako sa ships ko eh.

"Sorry, ayoko sa mga may aircon sa utak" nagsitawanan naman sila River.

"Pucha, nakahanap ka ng katapat Bright" sambit ni Garcia.

"Ellie Andrews, nice to meet you all. Except dyan sa manyak niyong kasama sa likod" gaga talaga 'to si Ellie.

Ang sabihin lang nito, bet niya talaga si Garcia. Ako talaga ang magiging president ng fans club nila haha.

What love team should I name their tandem kaya? ElVen? Omg, sounds like Alien lol.

Or RaLie? Ang bantot pakinggan haha. Sabagay, ang panget kase ng name ni Ellie hahaha joooke.

"Hoy bruhilda, magpakilala ka" rinig kong saway sakin ni Jade.

Umiling ako sa kanila habang nakatago parin sa likod ni Ellie. Lupa, kainin mo na ako para hindi ko na kailangan makita pa si Everest. Nakakahiyaaa!

"Bella, why are hiding? Hindi naman nangangagat sila Archer" rinig kong tawag sakin ni River.

I'm doomed huhu. Someone pick me up, I'm scared.

Naramdaman kong umurong si Ellie dahilan para mawala siya bilang harang ko. Pahamak talaga oh.

Bahala na si Batman.

"A-ahh hehe. Hello! I'm Bella Gray. Bella na lang, nice to meet you all" nakayukong sambit ko.

Mabuti na lang at nagsalita agad si Addie at hindi na nila ako kwinestyon pa.

"Actually wala pa si Azi pero papunta na rin siya. She's Aziera Taylor but she prefers to be called as Azi"

Just as Addie was talking about Azi, tumunog ang cellphone niya from her pocket.

"Feel at home guys, may pagkain rin sa mesa if you guys are hungry" Sambit naman ni River sa amin.

"Thank you River" nakangiting sambit niya naman pabalik.

"Jade may load ka ba? Di ko ma-replyan si Azi"

"Hala wala. I-chat mo kaya?"

"Hindi ko dala yung pocket wifi"

Ano ba yan, alam na aalis kami kinalimutan pa yung wifi. Akala ko pa man din may wifi dito. Edi sana ako na lang nagpuslit nun.

"Gusto niyo sunduin ko na lang?" napa-angat ang tingin naming lahat nang may magsalita pagkatapos ni Addie.

"Hala, wag na, Archer. Ako na lang"

"May bibilhin rin kase ako sa labas. Isasabay ko na lang yung kaibigan niyo"

"Ganun ba? Sure ka bang okay lang?" We saw him smile.

Gosh, tipo ko yan! Yung may dimples huhu. Ang cute! Pero ayoko, kay Azi na yan hahaha charot.

"Oo naman! What's her name again?"

"Azi. She was this girl" saka nagpakita siya ng picture ni Azi sa phone niya.

"Okay noted. Dito na lang kayo, you can use my video game, ask niyo na lang si River para di kayo mabored"

"Thank you, Archer!"

Nagpaalam na rin si Archer samin and sa totoo lang, sila lang naman nag-eenjoy habang ako dusang dusa dito sa gedli.

Nakakasama talaga ng loob.

"River, inubos ni Everest yung 1.5 na binili natin kagabi" sumbong ni Garcia mula sa kusina.

"Eh kasalanan ko bang nauhaw ako?" Sagot naman ni Everest habang nagbabasa.

Sipag niya naman.

"Dahil ikaw umubos, ikaw dapat bumili"

"Luh, bakit ako?"

"Bopols, malamang ikaw umubos. Common sense"

"Dapat nagpasabay kayo kay Archer"

"Dami mong reklamo. Dalian mo na"

"Hoy, samahan mo" bulong ni Jade saka ako siniko.

Luh, ano siya? Gold? Bakit ko siya sasamahan? Saka ayoko nga lumapit dyan, nahihiya lang ako sa nangyari.

"Samahan mo na, bakla ka"

"Ayoko nga!" Pagtanggi ko. Mga gaga talaga, gusto pa ata na mapahamak ako.

"Everest, samahan ka na daw ni Bella" napatingin ako agad kay Ellie nang sumigaw siya at dinamay ang pangalan ko.

"Hoy gaga ka ba? Anong sasama? Ayoko, ikaw na lang"

"Dalian mo naaaa!" at itong mga 'to talagang tinulak pa ako patayo. Tangina naman oh.

"Let's go" malamig na sabi niya saka naunang lumabas. Suplado talaga, porket gwapo eh. Edi wow!

"Sasakalin ko kayong dalawa mamaya" sambit ko saka nahihiyang sinundan si Everest palabas.

Batman, alam kong nakakailang asa na ako sayo pero bahala ka na sa buhay ko pagkatapos nito huhu.

TO BE CONTINUED..

❛Clash of Hearts❜ ┇ TXTZYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon