Calli's POV
Hi!!!! I'm Calli. Callissa Isabella Diara Montevista. Haba ng name ko 'no? Hahaha. Medyo madrama ang life ko noon. Noon lang naman. (If you want to know more about it, read 'Sa Bawat Araw'. Story 'yan ng parents ko and...kasama na rin ako syempre.)
So anyway, simple lang naman ang life ko. Not until, dumating itong lalaking ito na hindi ko maintindihan kung bakit hobby niya ang pang-aasar sa akin at parang landscape scenery ang yamot kong mukha para sa kaniya.
Gusto niyong malaman kung paano kami nagkakilala?
Ayoko nga.
Hinihintay mo talaga? Gusto niyong malaman? Ako nga kinalimutan ko na 'yun eh.
Pero sige, ano pang silbi ng story na ito kung hindi ko ikukwento sa inyo?
Roll VTR!!!!
Flashback
"Sige po salamat! Balik po kayo dito ah." Yeheyyy. Medyo maraming customers yun ah.
"Uyyyy. Ang gwapo nu'n oh." Oh? Sino na naman ang pinag uusapan ng mga nasa kabilang tindahan?
"Ayyy girl tumingin sa akin! Ahhh!!!" Grabe makareact ah. Kinuha ko nalang yung cellphone ko at hinarang sa mukha ko. Busy busy-han.
"Hello miss. Magkano dito?" Hmm?? Binaba ko yung cellphone and.....
"Hello?" Nagsnap siya sa harap ko dahil medyo natulala ako. Siya ba yung gwapong sinasabi nila? Gwapo nga. Hahahaha.
"Yes?" Chillax girl.
"Magkano dito?" Tanong niya dun sa tinuturo niyang jacket.
"350 po." Sagot ko.
"Ang mahal naman." Aba. Eh talagang mahal yan. Nagtanong ka pa.
"Ganun po talaga yung presyo eh." Medyo lumakad siya ng mabagal at may binulong.
"Hindi naman maganda yung design. Ang mahal pa."
"Anong sabi mo?!"
"Wala. I'm just looking at the clothes." Agad na kumunot ang noo ko dahil narinig ko yung sinabi niya.
"Sabi mo 'hindi naman maganda yung design'. Akala mo di ko narinig ah."
"Look miss, i'm not looking for trouble."
"Eh sa susunod kasi huwag mong ipaparinig sa akin ha. Gwapo nga, sama naman ng ugali."
"What did you say? Nagagwapuhan ka pala sakin eh. Well, maganda ka rin naman. Just lower the volume of your voice and fix your hair."
"Hoy! Sino ka para magsalita ah? Boyfriend ba kita, ha? Boyfriend ba kita?"
"I could be. If you want."
"Aba. Hindi ka lang pala gwapo. Ang hangin mo din." Nakakaasar na ito ah. Mahina lang naman usapan namin. Ako lang talaga yung tumataas ang boses. Eh masisisi niyo ba ako?
"Thank you."
"Saan?" Naiiritang tanong ko.
"For saying na gwapo ako."
"Arghhhhh!!! Umalis ka na nga."
"Wait miss. Just want to say. Ang ganda mo!!! Miss Callissa. Nice name."
"Paano mo nalaman pangalan ko?"
"Just a guess."
"Bahala ka dyan. Ewan ko sayo." Pumasok na ako sa loob at umupo. "Akala mo kung sino."
Napatingin naman ako sa papel na kanina ko pa sinusulatan. Kaya naman pala nalaman pangalan ko eh.
Grrrr. Huwag siyang magpapakita sa akin!End of Flashback
And that's how it started. Ang saya nga eh. Kasi after nu'n, nalaman ko na magkaklase pa kami. At hindi lang 'yon. Matalik na magkaibigan pa ang parents namin dahil parehong nasa business world.
It's a small world after all. Joke. Sensya na. Trip ko kumanta, bakit ba?
Goal ko in life, ang makabawi sa lalaking iyan. Sinumbong ko na nga 'yan kay mommy pero inasar lang niya ako sa kaniya. Hmpp.
Humanda ka Drake. Makakabawi din ako sa'yo. BWAHAHAHAHAHA.
Evil laugh 'yan. Bahala na nga kayo diyan.
~~~~~~~~~~~
A/N: Ang gulo ng POV ni Calli. Alam niyo naman, napakaenergetic niya.