The Strawberries. Bow.

68 4 1
                                    

Amara's POV

"Manang?" I called out to her habang may hinahanap ako dito sa ref.

"Ano 'yun?" Tanong niya.

"May ano pa po ba...'yung strawberries na inuwi ni Alex galing Baguio? Kanina pa po kasi ako naghahanap eh."

"Ay hindi ko sigurado. Teka." Naghanap siya sa fridge at sa freezer habang naghihintay ako dito sa kitchen island. I'm just tapping my nails on the marble finish of the counter just to keep myself from getting bored.

"Ah! Naalala ko na! Pinapak ng mag-ama mo nu'ng isang gabi. Nasa sala sila at naglalaro sa TV habang kinakain 'yung mga prutas sa ref." Sabi ni manang. Inubos? Ni Alex?

"Naalala ko po kasi may twin strawberries du'n eh." Mahina kong sabi. May mga twin strawberries kasi du'n na tuwang tuwa ako kaya tinabi ko muna. I even took a picture of them. Bigla akong na-frustrate nu'ng narinig ko na si Alex ang kumain ng strawberries. Akin kasi 'yun eh! I've been saving those!

"Sige po salamat."

Lumabas ako ng kusina na nakasimangot. Paano ba naman ako matutuwa? Eh hindi man lang sinabi ni Alex na kakainin niya 'yun. Sana man lang tinirhan ako 'diba?

Bumaba ng hagdan si Vera na hawak sa kamay si Aleara at inaalalayan sa bawat baitang. "Vera, ako na dyan." Kinalong ko si Aleara at dinala ko sa garden. Pasensya na sa mga masusungitan ko ngayong araw, I'm frustrated. Very frustrated.

"Mommy....pool?" Tinuturo niya 'yung swimming pool.

"Do you want to swim sa pool?" I asked while fixing her clothes. Tumango tango naman siya.

"Okay, palit muna tayo ng clothes." I brought her upstairs sa room to change her clothes pati na rin ako dahil siguradong mababasa rin naman ako sa kakulitan ng batang ito.

Umupo muna ako sa side ng swimming pool while my feet are dangling on the cold water. Then I carried her and I dipped her foot on the pool. "Cold?" I asked while laughing. Nagulat kasi siya sa sobrang lamig ng tubig and her reaction was too cute to even handle!

I heard Waffles' chain collar jingling kaya napalingon ako and saw that he's running towards us. "Waffles!" Aleara exclaimed while petting him.

"Yes. It's Waffles. Good job ka na ha. You're talkative na eh." Pinaupo ko siya sa gilid ko and Waffles started licking her foot which tickled her. She kept on giggling.

Kaso bigla nalang akong nah-hatsing. Nagugulat tuloy si Aleara whenever I'm sneezing. 'Tapos bigla siyang tumatawa kaya natatawa rin ako. Nakakahawa kasi ang tawa nitong baby na 'to!

"Vera!" I called her and she showed up a few seconds later.

"Po?"

"Pakikuha nga muna si Waffles. Pumapasok yata sa ilong ko 'yung balahibo. Kanina pa ako bahing ng bahing."

"Ay sige po. Dalhin ko nalang po sa kwarto ni Calli."

"Sige, salamat."

I faced Aleara and she was just pouting while watching Waffles being taken away by Vera. "I think Waffles is making mommy sneeze eh. Doon muna siya sa room ha. Swim na tayo?"

Nauna akong bumaba sa tubig and I carried her as I'm walking on the pool floor. She got so surprised when half of her body got dipped on the cold water. Hindi ko naman binigla, dahan dahan nga lang eh. Kaso nagulat pa rin siya. Hahaha!

"Ay! Nags-swimming na wala ako?" Napalingon kami ni Aleara sa boses na nanggaling sa door ng garden. It's Calli na galing sa labas. Nag-bike eh.

Since nasa gitna kami ng pool, I walked over to the edge then lumapit si Calli at nag-squat para lang mapisil ang pisngi ng kapatid niya.

I Hate to Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon