Amara's POV
"Excited na ako ate!!" Carlyn exclaimed. She's clinging onto my arm while we're walking. Nasa likuran lang namin si Alex at siya ang may dala ng bag ko. My personal alalay. Kidding!
"Hindi halata. Halos mahila mo na 'yung braso ko palayo sa'kin."
"Ay, shurrey naman. Hehehe. Eh siyempre, makikita ko na for the first time 'yung newest pamangkin ko."
"Para namang manganganak na ako ngayon, hindi mo pa makikita 'yun. It'll be so tiny that you won't even understand kung anong itsura niya. Hahaha!" I explained to her.
"Ehh okay lang 'yun. Basta excited ako. Ano ba! Kuya oh, asawa mo napaka." Aba, sinumbong pa ako sa sarili kong asawa?
"Ganyan talaga 'yan. Masanay na tayo." Hirit pa ni Alex.
Nauna akong maglakad at iniwan sila. Then I felt them running to match my pace. "Eto namang si buntis! Tampo agad. Binibiro lang eh." Umangkla ulit sa braso ko si Carlyn kaya pinisil ko 'yung pisngi. Grrr! Kakagigil!
"Kayo 'yung bully eh." I said then I crossed my arms.
"Sus! Ikaw nga 'yun eh. Baka maging bully rin 'yang baby sa loob kasi bully ang mommy." Bawi ni Carlyn.
"Oh, I hope not. Kawawa ako niyan 'pag nagkataon." Dagdag pa ni Alex.
I gave them a death glare. "Iiwan ko talaga kayo. Ako nalang ang pupunta sa OB. Bahala kayo dyan."
I heard them chuckling. Grrr! Pinagkakatuwaan 'yung mood swings ko, hindi nakakatuwa!
~~~~~
"So you're already at 12 weeks. Monitored naman ang diet?"
I can hear Alex and Carlyn chuckling. Mga sagabal lang talaga 'tong dalawang 'to sa checkup ko today eh. Natatawa din tuloy si Doc nang mapansin sila.
"Monitored naman po. I try my best to follow your advice the last time na nagpa-checkup po ako." Sagot ko. Paniguradong may mga kumokontra dyan sa gilid.
"Your husband and sister's faces says otherwise. Hahahahaha!" Biro ni Doc. Mga pasaway kasi itong dalawang 'to.
"Ganyan po talaga sila. Huwag niyo nalang pansinin." Sabi ko sa kaniya at tumawa naman siya habang nakatingin sa clipboard na hawak niya.
"Okay, you told me na madalas ang contractions mo? Kailan 'yung last?"
"Uhmm..." I looked up trying to recall. "Last week, after ng birthday ni Aleara. I was so busy rin kasi sa preparations. Galaw ako ng galaw. Pero mild lang naman po kaso continous siya. And sumasakit sa bandang hips ko."
"Hmmm." She nodded. "I see. Usually, mild contractions like what you described are effects of your expanding ligaments and uterus. That's normal naman pero we still need to be cautious, given your age."
Nakikinig lang ako ng mabuti sa mga sinasabi niya. Sinabi niya rin na sabihin ko 'yung mga naf-feel ko and 'yung mga katanungan ko para mabigyan ng sagot.
After the assessment, time for the tests. Super thankful talaga ako kay Ate because she's really guiding me all throughout this pregnancy. Sobrang monitored niya ako na kahit sa gabi, nagch-chat ako na nagc-cramps na naman ako, and she'll still reply and tell me what to do.
The assessments and tests are done. So far, healthy naman ang results. Nakakatuwa lang.
At heto, ultrasound time. Niloloko ko kanina 'yung dalawa na hindi ako magpapa-ultrasound today, 'tapos parang mga batang hindi napagbigyan na bilhan ng candy. Mga nakanguso at sinasabihan ako na magpa-ultrasound na daw. Sabi rin ni Doc na possible na daw na malaman ang gender so...I'm excited.