Amara's POV
"Hon, naka-ready na dito 'yung polo mo ha." I reminded my husband while I'm putting his clothes on the bed. He's taking a shower na kasi.
I was about to walk away when his phone lit up. May message. I wasn't going to read it pero nakita ko ang pangalan ni Roxanne sa notification. Nag-text?
Agad na tumaas ang kilay ko saka ko binuksan 'yung phone ni Alex. Sinasabi naman niya sa akin ang password kaya nabubuksan ko ang phone niya.
[Roxanne]: Good morning! Hahaha sorry for messaging you this early. Pero I'm just really excited!
I can feel my blood boiling. At anong business nitong babaeng 'to para mag-message sa asawa ko ng ganito ka-aga? Excited ka sa ano? At bakit kailangan mo pang sabihin sa asawa ko?
Nasundan pa ng isang text message habang nasa kamay ko ang phone ni Alex.
[Roxanne]: Can't wait to see you later! Dun ulit sa dating meeting place.
Ahhhh!!! So magkikita kayo? Ni hindi ko alam? Okay.
Dating meeting place? So noon pa kayo nagkikita? Mga bwisit kayo! Buntis ako, Alex, nangangaliwa ka pa? Baka gusto mong sipain kita palabas ng bahay na 'to? Huwag ka lang magpapahuli sa akin!! Subukan mo lang!
I turned his phone off and placed it back on the bed side table. Aga aga, nakakasira ng mood. Nakakainis!
I stomped my foot on the floor while my arms are crossed. Maya-maya ay lumabas na si Alex mula sa banyo pero hindi ko siya pinansin. Inirapan ko lang at ako naman ang pumasok sa bathroom. Bahala siya! Manigas siya! Hindi ko siya kakausapin!
~~~~~
Nakarating kami sa office na hindi ko siya kinakausap. Puro tango at iling lang ako sa mga tanong niya. BAHALA SIYA SA BUHAY NIYA!
Pero habang inaaral ko 'yung report na binigay sa akin ng head of finance kanina, hindi ako makapag-focus. Iniisip ko lang ng iniisip 'yung Roxanne na 'yun!
Patingin-tingin rin ako sa orasan, napapaisip ako kung kailan sila magkikita ng babaeng 'yun! Grrr! Mag-focus ka nga, Amara! Focus, okay?
I didn't notice that I was already in tears. Tumingala nalang ako para mapigilan ang pagtulo ng luha ko. Tumigil ka, Amara! Pwede ba? Huwag mong dramahan 'yung lalaking 'yun? He's not worth your tears if he's cheating on you!
I continued typing on my laptop and would wipe the side of my eye from time to time. Sinubukan kong ituon ang atensyon ko dito pero hindi ko na kaya.
I took my phone from my bag and looked for Carlyn in my contacts. It's a bit hard for me to see because my vision is getting blurry. It's because of the tears that are welling up in my eyes.
: Carlyn, punta ka dito sa office. I need you.
Kumuha ako ng tissue mula sa tissue box na nasa desk ko at saka ko pinampunas sa ilalim ng mata ko. I don't want to ruin my makeup today just because of them.
[Carlyn]: Why? What's wrong? Teka. I'll be there.
Seeing my sister this concerned about me, parang lalo kong gustong maiyak.
A few minutes flew by and the glass door swung open. "Ate, what is it? Nag-alala ako sa text mo. May 'I need you' pa na nakalagay." Carlyn worriedly said as she walked in.
Tumayo ako mula sa upuan ko at saka lumakad patungo sa kaniya. Then I hugged her tightly. Saka bumuhos 'yung luha ko na kanina ko pa pinipigilan.
"Uy! What's wrong?" Hinahagod niya ang likod ko to comfort me habang heto ako, umiiyak sa balikat niya.