Her Sister

104 5 0
                                    

Amara's POV

Nandito na ako sa office and I'm doing work as always. Ka-meeting ngayon ni Alex si Roxanne regarding the investment. I don't know. Whatever. Kumalma daw ako, sabi ni Alex. Hays! Hindi ko nalang iisipin na magkasama sila. I'm not jealous, anyway.

While reviewing the sales report that Tarra gave me, bigla namang nag-ring ang phone ko at si Mama ang tumatawag kaya sinagot ko agad.

"Ma?" I put her on speaker mode para hindi ko na hawak 'yung phone ko.

["Amara, your sister is coming home from London. Pa-landing na ang eroplano niya in a few minutes."]

"Teka! Uuwi na siya? Hindi man lang ako sinabihan! I'm not ready."

["She wanted to surprise all of you daw."]

"Okay. Uhm, I'll just get my work done early then sunduin ko siya. Thanks for informing me, Ma."

Binaba ko na 'yung tawag at inayos ang mga trabaho ko. I'm actually excited because my sister will be staying here in the country for good. Dito na siya magt-trabaho sa kompanya namin and we'll be together everyday!! Wala na siyang kawala sa akin! Hahahaha!

May meeting ako later with the shareholders kasama si Alex. That will be after lunch. Half day lang din naman ako. Medyo magulo ang schedule ko today, okay? Is-sort out ko muna.

"Tarra!" I called her.

"Yes po ate?" She hurriedly went inside my office.

"Paki-asikaso ito. Dadalhin lang sa marketing. And then....ako nalang magpapa-pirma nito kay Sir Alex mo."

"Nasa conference room po si Sir Alex." She informed me.

"Ah okay, akala ko nasa office. Sige, you may go."

Kinuha niya na 'yung folders na dadalhin sa marketing department at papunta naman ako ngayon sa conference room. Pagdating ko doon, nagkasalubong kami ni Roxanne. Palabas na siya at papasok palang ako.

"Good morning, Amara! You're looking beautiful as always!" Bati niya sa akin. Bakit ba tuwing nakikita ko ito, para akong nanggigigil na ewan. Pero in fairness, ngayon lang ako natuwa sa kaniya dahil sa sinabi niya.

"Thanks! And good morning." I greeted her back then dumiretso na ako sa loob ng conference room.

Naabutan ko na nililigpit na ni Meea 'yung mga folders na nasa table at may sinasabi sa kaniya si Alex. "Hon." I said as I was approaching him.

"Excuse me po Sir, Ma'am." Meea said before leaving to give us privacy.

"Hmm? What?" He asked.

"I need your signature, Mr. CEO." Binigay ko sa kaniya 'yung documents and he was chuckling while signing it.


"Also Hon, pauwi na si Carlyn. Susunduin ko siya sa airport." I told him.

"Really? When? Sasama ako." Binalik niya sa akin 'yung mga documents na may pirma niya at he clicked his pen saka ito nilagay sa bulsa niya.

"Actually, now. Para umabot ako sa meeting mamaya."

"Tara. You never told me that your sister is coming home already. I'm sure matutuwa si Calli."

"Yes, I can already picture your daughter's face. So let's go at sunduin na natin ang tita niya. Hahahaha!"

~~~~~

Kakarating lang namin sa airport and tinatadtad ko na ng messages si Carlyn para pag-landing ng eroplano, mabasa agad niya.

I Hate to Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon